Second Day in Europe

28K 214 15
                                    


Karylle: Vicey, gising ka na. May pupuntahan tayo.

Hindi pa nagreact si Vice kaya niyugyog siya ni K at kinulit para magising ito.
Lumingon si Vice na nakakunot ang noo at medyo planong magsungit.

Karylle: *ngiti ng malaki* good morning! Happy anniversary! *yumakap kay Vice*
Vice: happy anniversary. *medyo walang emosyon*

Tumingin si K.

Karylle: parang di naman happy 'yon.

Bumangon na rin si Vice sabay kiniss si K ng mabilis sa labi. Nagulat si Karylle. Tumayo si Vice at hinatak si K.

Vice: sabay tayo maligo.
Karylle: huh?
Vice: sabay tayo maligo para tipid sa time.
Karylle: tumigil ka nga.

Pinilit ni Vice si K. Hinatak na sa bewang at kahit nagpupumiglas ito ay talong talo siya sa pwersa ni Vice. Sabay sila pumasok sa banyo at ni-lock ni Vice ang pinto. Humihingal pa si Karylle.

Karylle: Vice, ano ba?! *medyo nainis*

Nakatingin lang si Vice at binitawan na si Karylle. Napayuko na lang si Karylle at napabuntong hininga na lang. Niyakap siya ni Vice. Kumalma na si K at napayakap na rin. Bumitaw si Vice sabay naghugas ng bibig. Nakatingin lang si Karylle. Bumalik siya kay K ulit.

Karylle: I haven't washed my mouth yet.

Dahan-dahan lumapit si Vice at hinalikan si Karylle. Hindi maintindihan ni K ang naramdaman niya noon kasi parang nasabik din siya na tipong ang tagal niya rin hinintay 'yon. She gave in. Hanggang sa naging mainit ang bawat pangyayari. Naging intimate na ang bawat galaw nila. Unti-unti ng tinanggal ni Vice ang damit ni K at gayon din naman ang ginagawa sa kanya nito. They made love that morning then took a bath after. Paglabas nila, naka-bathrobe lang sila. Yumakap bigla si Vice sa likod ni karylle at dinikit ang baba niya sa kaliwang balikat ni K.

Vice: thank you for loving me.
Karylle: ako dapat ang nagsasabi niyan.

Umiling si Vice.

Vice: ang babaeng tulad mo, ay di lang basta minamahal. Ikaw ang tipong iniingatan para maiharap sa altar ng isang lalaking... Higit pa sa 'kin.

Bumitaw si Karylle at tinignan si Vice.
Hindi naman makatingin si Vice kaya lumingon siya sa bandang kaliwa. Hinarap ni K ang mukha ni Vice sa kanya.

Karylle: sino pa bang hihigit sa 'yo?
Vice: marami...
Karylle: aba teka, kailan pa nauso ang ganyan sa 'yo?
Vice: simula nang mahalin mo ko.
Karylle: bakit may pinagkaiba ba tayo?
Vice: marami..
Karylle: ano bang wala ka na meron ang ibang lalaki? Sabihin mo nga sa akin.
Vice: marami..
Karylle: tulad ng?
Vice: mas gwapo sila.. Maganda ang family background. Nakatapos sila. At sa maraming bagay, mas mapapanindigan ka nila.

Natawa lang si K.

Vice: uyy di na joke 'yon.
Karylle: alam ko. Kaya nga mas nakakatawa eh.
Vice: parang baliw 'to..

Karylle: babe, may kilala kong ganyan. May isa na naging parte na ng nakaraan ko na halos hindi ko na maalala. Marami pa kong kilala na tulad ng sinasabi mo pero para sa akin mas lalaki ka pa sa kanila. Huwag ka ng magdrama, baby. It's our anniversary today. Gusto mong pumunta sa Amsterdam di ba?

Biglang naexcite si Vice.

Vice: pupunta tayo?
Karylle: oo. Dapat kanina pa eh, ikaw kasi kung anu-ano pang ginawa mo sa 'kin.
Vice: bakit *medyo natawa* natuwa ka naman sa pagligo natin ha.
Karylle: che!!

Nagbihis na sila.


...


Tanghali na ng makarating sila sa city ng Amsterdam. Parehas na silang nakaramdam ng gutom kaya kumain na muna sila for lunch. Pagkatapos noon ay naglibot na sila. Maya't maya ang picture nila. Aliw na aliw din si Vice sa mga nakikita niya. Si K naman tinitignan kung paano pupunta sa lugar kung saan niya planong dalin si Vice.

Karylle: baby medyo malayo yata mula dito yung dapat natin puntahan.
Vice: may dapat tayong puntahan dito?
Karylle: oo. Tara na.

Biglang hinatak na si Vice at humanap na sila ng paraan para makapunta doon.
After an hour, nakarating na sila. Nagpunta sila sa isang bridge along Groenburgwal Canal.

Lumingon-lingon si Vice.

Vice: baby, anong meron dito?
Karylle: nakikita mo ba yung tower doon?

Tumingin si Vice.

Karylle: yaan ang Zuiderkerk tower.
Vice: baby, maglelecture ba tayo ng geography dito?

Nilabas ni Karylle 'yong padlock na may naka-engrave ng anniverary date nila at pangalan nila ni Vice.
Hindi makapagsalita si Vice kasi alam na niya ang ibig sabihin noon.

Karylle: sa France ko dapat gagawin 'to pero nakita ko pwede pala kahit dito.
Vice: kaya tayo nagpunta dito sa Europe?
Karylle: cute di ba? *binigay ang padlock kay Vice*
Vice: you want us to be locked here forever?
Karylle: i want us to stay forever. In sickness and in health. Through richer or poorer. 'Til death do us part.

Nakatingin lang si Vice kay Karylle habang kinukuha nito ang susi para maikabit na sa chains ng bridge iyong padlock. Hinawakan ni Vice si K bigla sa kamay na para bang pinipigilan ito.

Karylle: bakit?
Vice: Karylle, sigurado ka na ba sa akin? I mean, hindi ka ba natatakot na baka iwan kita balang araw o kaya baka hindi tayo magwork kahit ikasal pa tayo. Ganoon ba kalaki ang tiwala mo sa akin?
Karylle: oo.
Vice: paano kung masaktan ulit kita? Kung mabigo kita o kaya dumating 'yong panahon na hindi ko na maibigay ang buhay na gusto mo... Paano kung hindi pala tayo sa isa't isa?

Habang sinasabi ni Vice iyon ay hindi na niya napansing ikinabit na ni Karylle ang padlock sa bridge.

Karylle: have you ever tried to believe in the existence of cupids? Na sila ang match maker ng lahat ng taong nagmamahalan? *tumingin sa malayo* Noong bata pa ko, naniniwala ako. I even prayed na sana panain din niya ang lalaking gusto ko. Hanggang may mga nakilala ako. Na-in-love. Nasaktan. Nang tumanda ako alam ko ng hindi sila totoo kasi they're just part of our fantasies. But you know what, this time naniniwala ako, they exist. Kasi si Vice Ganda na mas sexy pa sa akin, mas maarte pa sa akin ay naging lalaki para lang makasama ako. *Tumingin kay Vice.* We're on the same ground, Vice. You breathe the air I breathe. You see the world I see. You feel the way I feel. Does it make sense... explaining the word compability? Lahat ng sinasabi mo posibleng magkatotoo. But what makes me decide to spend the rest of my life with you is just simply the belief na kahit medyo imposible pwede pa rin maging totoo basta buo lang ang paniniwala natin sa isa't isa. At iyon ang bumubuo sa pagmamahal ko sa 'yo, Jose. Marie. I am not asking you to be perfect for me. All I need is you. Simply you. Just us, together.

Naluluha na si Vice sa mga nasabi ni Karylle.

Karylle: na-touch ka? *hinawakan sa balikat si Vice*

Nahiya bigla si Vice kaya medyo tinago niya ang mukha niya. Natawa naman si K.

Vice: naiyak ako kasi ang lalim ng mga sinabi mo. Wala akong naintindihan. Pwede mo bang ulitin from the top? Haha. *sabay punas sa mata* kainis ka, napaiyak mo ko.
Karylle: oh ano? Magdadrama ka pa diyan?
Vice: thank you. *niyakap si K.*
Karylle: I love you, Baby.
Vice: I love you, Karylle.

Nagkiss sila ng medyo matagal. Knowing European culture, they don't mind people kissing in the street.

Namasyal na ulit ang dalawa sa city ng Amsterdam. Bumili sila ng damit. Couple shirt. Naglibot. Nag-picture. Kumain pa sila ng Ice cream na parang di naman natutunaw. Tumambay sa isang park.

Medyo late na ng bumalik sila sa Belgium at sa hotel.
Nag-dinner date sila sa hotel pero si Vice na ang sumagot.

Pagbalik nila sa kwarto, nag-bonding lang sila sa panonood sa iPad ni Vice.

They had fun on their anniversary. It was simple. Walang magarbong pasabog pero sobrang masaya sila sa bawat araw ng bakasyon nila.

Next destination: Paris, France. :)





The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon