Back to Work

31.2K 223 14
                                    

Pagkarating nina Vice at Karylle sa airport ay sinalubong na sila ng driver ni Vice. Pinasakay na ni Vice si Karylle sa sasakyan at sila na ng driver ang nag-ayos ng mga bagahe nila. Inihatid muna nila si Karylle bago siya umuwi. Napagod din ang dalawa sa biyahe. Si Vice binigay naman niya ang mga pasalubong na binili niya para sa mga kabarkada niya. Si Karylle naman, pagkatapos i-unpacked ang bagahe niya ay pumunta siya sa Mommy niya para rin i-deliver ang pasalubong niya sa mga ito.

Sari-sarili munang lakad ang dalawa. Gumimik si Vice kasama ang mga kaibigan nito. Lumabas din si Karylle kasama ang daddy niya at mga pinsan.

Ring.Ring.Ring.Ring

Vice Calling...

Karylle: Hello, Babe?

Vice: Haloo... sa'n ka?

Karylle: Nandito sa bahay ng mga cousins ko. Bakit?

Vice: Ahh di ka kasi nagpaparamdam.

Karylle: Ay sorry. Alam ko kasi busy ka rin eh.

Vice: Hindi naman masyado. Gusto ko lang i-check kung okay ka pa diyan.

Karylle: Oo. okay naman ako. Siguro miss mo na ako agad 'no?

Vice: Ayy grabe... hindi naman masyado.

Karylle: Medyo lang?

Vice: Haha. I love you, Karylle. See you tomorrow.

Karylle: Uy tawagan pa kita mamaya pag-uwi ko ha.

Vice: ako na lang tatawag.

Karylle: Bakit ayaw mo akong tumawag?

Vice: Wala lang.. Pero sige na nga.

Karylle: Baka may ginagawa kang kalokohan diyan, Pogi ha.

Vice: Grabe naman magduda oh...

Karylle: Ikaw ha. Behave ka diyan.

Vice: Lagi naman akong behave. Sobra 'to haha.

Karylle: Mabuti nang sigurado.

Vice: Sa 'yo lang ako, K.

Karylle: Dapat lang haha.

Vice: I love you.

Karylle: I love you. So. Much.

Pinatay na nila ang linya.

...

Sunday.

Schedule nang pagpapalabas ng trailer ng movie ng Showtime Love teams before ASAP.

"What If We Could Happen"

Sa Airport dumating si Vice. (A man who never gets defeated by love.) Hanggang makilala niya si Karylle sa isang ballet show at sa unang tingin pa lang may iba ng mararamdaman si Vice. Ipapakita si Anne bilang isang superstar, shining in front of the cameras but behind her every smile and glamour is a devastated lady dahil sa scandal na nagkalat. Magkakakilala sina Anne at Vice dahil sa isang malaking project. Liligawan at susuyuin naman ni Vice si Karylle dahil plano nitong isama siya sa project na gagawin niya. Si Vhong naman ay isang hamak na security guard sa studio kung saan nagtatrabaho si Anne. Sa kwento nina Anne at Vhong, sila ang medyo nasa comedy dahil si Vhong ay makulit at mahilig magpapansin kay Anne. Si Anne naman sa una ay medyo naiirita kay Vhong. Sina Vice at Karylle nasa pormal na tema ng love story pero si Karylle ang tipo ng babae na magpapabago ng pananaw at puso ng isang tulad ni Vice. And she made him fall for her... for love. Ibang karakter nina Vice, Karylle, Anne at Vhong ang makikita sa pelikulang ito.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon