Past is past

26.5K 316 52
                                    

Friday Night: Nakipagkita si Vice sa kaibigan niya noong college pa at nakatira na ngayon sa Canada. Umuwi lang iyon sa Pilipinas para magbakasyon ng halos isang buwan. Nagkita sila sa isang hotel kasama ang ilan pa nilang kaibigan.

Jay: Kamusta ka naman, Vice? Big time na big time ka na ha.

Vice: Uyy grabe, nabibiyaan lang naman ng kaunti. Ikaw nga 'tong umaariba sa negosyo.

Jay: Naswertehan lang din.

Vice: Tignan mo, echosera ka rin! Haha.

Jay: Balita ko ikakasal ka raw sa babae?

Vice: *uminom ng alak* Oo.

Jay: Ano yan showbiz? *uminom din ng alak*

Vice: Timang! Totoo yun...

Jay: Di nga?

Vice: Oo nga. Di showbiz yun 'no! Nagkataon lang na parehas kaming artista kaya gano'n.

Jay: Kung gano'n, hinahayaan mo talagang makasama ng girlfriend mo 'yong ex niya? Di ba naging sila noong isang singer ng banda. Kilala ko lang sa mukha 'yon eh.

Vice: *medyo natuliro sa sinabi ng kaibigan* si Yael?

Jay: Oo siya nga yata. Nakita ko sila nang minsan sa Cavite no'ng dinalaw ko 'yong Lola ko. *uminom ng alak* Magkasama sila. Though parang magkausap lang naman sila pero okay lang ba talaga sa 'yo ang ganoon? 

Vice: *hindi na alam ang irereact* Ahh joke time ba 'yan?

Jay: Sira! Kilala kita 'no! Di naman kita lolokohin sa mga lovelife mo. So, hindi mo 'yon alam?

Vice: *umisip na lang ng palusot para naman di mapasama sa kaibigan niya si Karylle* Iniisip ko, nasabi ni Karylle 'yan sa akin. Aksidente lang yata silang nagkita noon sa kasi may gig 'yong banda ni Yael sa lugar kung saan nagpunta 'yong mga kaibigan ni K.

Jay: Ahh. Baka nga aksidente silang nagkita. Pero ha, ang ganda ng girlfriend mo!

Vice: Naman!!! Magpapakalalake na lang ako, siyempre dapat sa maayos na babae na 'no.*napainom na lang ng maraming alak*

Inabot na ng madaling araw ang bonding nina Vice.

Hanggang sa makauwi siya kahit medyo may tama na siya ng alak na nainom niya, hindi pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. Kung totoo man na nagkita sina Yael at Karylle, bakit hindi iyon kinuwento ni K sa kanya?

Kinabukasan sa studio, sa loob ng dressing room nina Karylle ay tahimik na nakaupo lang si Vice. Nag-iisip pa rin. Pero ayaw niyang pagdudahan agad ang mahal niya kasi mas malaki pa rin ang tiwala niya kay K. Pero kilala rin naman niya si Jay, alam nga niyang hindi ito magbibiro ng ganoon. 

Tinabihan siya ni K.

Karylle: You okay?

Tumingin lang si Vice kay Karylle.

Karylle: What's wrong?

Hindi pa rin sumagot si Vice. Hinawakan ni Karylle ang kamay niya.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon