Sample Vow

38.9K 256 7
                                    

Sunday morning, naisipan nina Vice na mag-Road Trip. Wala kasi silang maisip na specific na puntahan.

Provincial hopping na lang. :)) [please don't be very particular with the term]
Hanggang sa makarating sila somewhere in Laguna.

Nag-food trip sila.
Kumain ng espasol…
Halo-halo...
Bibingka...
Buko Pie...

At dahil nasa isang probinsya sila, mas maraming natuwa na makita sila.

Di maiiwasan ang Picture.Picture.

Palipat lipat sila ng lugar.
Maya-maya nagutom na naman sila.

Vice: K, may Minute Burger do'n oh.. *turo sa kabilang kanto*
Karylle: ayy tara kain tayo..
Vice: hahaha baka magtae na tayo nito... Pero bet ko ulit matikman yan!

Paglakad nila, lahat nakatingin sa kanila as usual. Kahit di pinapansin ni Vice at Karylle alam nila na kinukunan sila ng Stolen Shots.

Pagpunta sa stall ng Minute Burger, nakangiti ng malaki 'yong tindera sa kanila.

Karylle: Hi ate!
Vice: ate, anong available niyong burger diyan?
Ate: Ayy si Karylle at Vice Ganda nga!!!! *tuwang tuwa*
Vice: hahaha ate, di ka naman masyadong masaya.
Ate: nakakatuwa naman nandito kayo.
Karylle: ate, pabili ng Cheese Burger.
Vice: ako rin Cheese Burger.
Ate: *hawak sa pisngi niya* grabe talaga... Kasaya ko eh.
Karylle: haha mas natuwa kami makakain ulit ng Minute Burger.

Aligagang naghanda si Ate ng gagawing burger sa kanila.
At dahil sila Vice Ganda at Karylle ang nandoon ay nagsilapitan na ang mga tao.

Vice: ayyy kaloka!!! Dinumog ka na, Ate!

Tumingin si Vice.
May lumapit na batang Vice. Alam na... J

Natuwa si Vice.

Vice: ayy... Anong pangalan mo?
Bata: Nikka *malanding tono*
Vice: hahaha ang lande!!!

Kumembot yung bata sabay hawi ng hair. At kinindatan si Vice.

Vice: ang harot harot mo! *slight kurot sa tagiliran ng bata* pero di nga anong name mo?
Bata: Nikka nga, bingi lang teh, paulit ulit?

Natawa si Karylle.

Karylle: Vice, grabe ikaw na ikaw lang. *natawa*
Vice: hahaha shunga ka rin! Nikka ba nakasulat sa birth certificate mo?
Bata: bert sertipikeyt? Ano 'yon?

Tumawa ng malakas si Vice.

Vice: hahaha puro ka lande kasi!!! Pa-lipstick lipstick ka pa diyan! Haha.

Maya-maya tapos na 'yong burger nina Karylle.

Natuwa rin si Karylle sa bata.

Karylle: ate, paki gawan mo na rin ng burger si Nikka. Haha.
Vice: oh ayan, lilibre ka ni Ate K mo ha. Upo ka na dito sa tabi ko. Haha. May bago na naman akong little pony. Haha.
Bata: di nga, ano ba yung 'bert sertipikeyt'?
Vice: yoon yung papel na katunayan na pinanganak ka ng nanay mo haha.
Bata: ahh baka ampon ako kaya di ko alam yan.
Vice: hahaha charotera tong baklitang ito eh! haha uyy wag kang ganyan.
Karylle: atsaka hindi naman ganun, Nikka. Masyado ka pa lang bata para malaman ang mga ganyang bagay.

Pagkatapos nila kumain ay nagpapicture muna silang dalawa sa mga tao lalo kay Ate.
Personal din naman nagpapicture si Vice kay Nikka. Tuwang tuwa kasi siya rito. Nagpakuha rin naman si Karylle kay Nikka with warm hug pa at kiss sa cheek.

Pagkatapos ng Minute Burger ay nag-drive ulit si Vice. Hanggang makarating na sila sa Majayjay. Napadaan sila sa isang lumang simbahan.

Karylle: baby, stop over tayo diyan. *turo sa simbahan*
Vice: sige, di na rin ako masyadong nakakasimba eh.

Pagkapark ay pumasok na sila.
Tahimik. Iilang tao lang ang nasa loob. Pumwesto naman sila sa harap.

Tahimik silang naka-upo at magka-holding hands. Tapos nagkatinginan sila. Sabay na rin silang lumuhod at nagdasal.

Karylle: *nakapikit at nagdadasal sa isip lang* Lord God, this is the first time na makabisita po ako sa simbahan na ito. First time ko rin po siyang makasama sa simbahan. Masayang masaya po ako ngayong araw na 'to. Lord, sobrang thank you dahil sa buhay ko, siya na lang ang kulang. At nandito siya kasama ko ngayon. Salamat dahil binigay mo siya sa 'kin. Salamat dahil mahal niya ko. Lord, sabi nila magsabi ng 3 wishes kapag first time na makapasok sa isang simbahan... Lord sobrang simple lang ang wishes ko. Una, sana maging healthy and happy ang family ko lalo na si Mama. Pangalawa, sana magpatuloy pa ang magandang career ko. At pangatlo... *huminga siya ng malalim* sana si Vice na ang makasama ko habang buhay. Sana wag na siyang mawala sa akin dahil handa na ko magkaroon ng pamilya kasama siya. Salamat po sa lahat, Lord. Amen.

Vice:  *nakapikit at nagdadasal sa isip lang* Diyos ko, sobra-sobra na po ang biyaya na binibigay mo sa akin. Tulad nga yung linya sa isang pelikula, humingi lang naman ako ng burger noon pero binigay mo with cheese at fries pa. Maraming maraming salamat po. Diyos ko, hindi ko alam kung anong mayroon ako at biniyayaan mo ako ng ganito. Masayang masaya ako. Masayang masaya akong kasama siya dito ngayon. Ipinagdadasal ko rin po ngayon ang pamliya ko lalo na si Nanay na sana mapasaya ko pa siya. Salamat sa mga kaibigan ko na mahal ako. Sa lahat ng iyon wala na 'kong mahihiling pa. Pero Lord, may isa na lang pala... Kung sakali mang makakapag-asawa ako pagdating ng tamang panahon, wala na akong nais na makasama habang buhay... Si Karylle lang. Kung hindi man siya ang para sa akin, okay na po akong Single for life.


Pagkatapos nilang magdasal, lumibot sila sa paligid ng simbahan at nagpicture.

Habang naglalakad, nakahawak si Karylle sa braso ni Vice.

Karylle: baby...
Vice: hmmm?

Huminto sila.

Karylle: *tumingin kay Vice* kung sakali... *napayuko* kung sakaling magkahiwalay tayo.
Vice: Karylle... Anong hiwalay? >.< *pinatingin si K sa kanya*
Karylle: kung sakali lang, ayaw mo na sa 'kin... *naluluha*
Vice: Karylle.... Ba't ganyan ka magsalita?

Karylle: teka pakinggan mo muna ko. *hinawakan ang kamay ni Vice* kung sakali lang na di tayo ang magkatuluyan gusto ko lang malaman mo... Na sa simbahang ito... Pinagdasal ko na sana.... *tumulo ang luha* na sana....

Vice: baby naman *naluluha na rin* ayoko ng malungkot tayo.

Karylle: *lumunok* Vice, gusto ko lang malaman mo na hiniling ko kanina na sana tayong dalawa na... *napayuko ulit* sana hindi ka na mawala sa akin. Kasi… *tingin kay Vice* I'm ready to spend the rest of my life with you.

Naluha na rin si Vice at niyakap ng mahigpit si Karylle.

Vice: di ako mawawala sa 'yo, K... Hinding hindi… Sisikapin ko na maging tayo na habang buhay.

Karylle: mahal na mahal kita.
Vice: mahal na mahal din kita.

Nag-kiss sila saglit lang kasi baka may makakita.

Tahimik lang muna silang nanatili sa lugar na 'yon ng magkasama.

Maya-maya naisipan na nilang umuwi.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon