Second StopOver

35.1K 209 2
                                    

Vice: Kuya, kain muna tayo ng Lunch. Hinto mo muna diyan sa may Urdaneta.

Kuya: Sige po, ser.

Lumiko muna ang driver sa may mga kainan at naghanap ng Parking.

Nanay Rosario: Nak, di ba kayo dudumugin ng mga tao rito ni Karylle?

Karylle: Okay lang po 'yon, Tita.

Vice: Kaya na namin i-handle yan, Nay.

Pinagbuksan naman ni Kuya ng pinto si Nanay Rosario at inalalayan siyang makababa. Maya-maya sumunod si Vice at inalalayan din si Karylle.

Pagbaba pa lang may mga tao ng nakatingin. Nag-shades si K. Sinuot naman ni Vice ang Snapback na bigay ni Karylle sa kanya at nag-shades din. Umakbay si Vice sa Nanay niya. Si Karylle, nasa gilid naman ni Kuya.

Vice: Nay, anong gusto mong kainin?

Nanay Rosario: Kahit ano wag lang sa fast food.

Tingin-tingin si Vice. Si Karylle naman nagtetext.

Vice: Ikaw, babe, may gusto ka bang kainin?

Karylle: Basta may rice, baby.

Tingin-tingin ulit si Vice. Hanggang sa napalingon si Vice sa may bandang kanan niya. May mga grupo ng mga bakla na palapit sa kanila.

Beki 1: Hi Vice!!! *todo smile*

Ngumiti lang si Vice. Nakatingin lang din si Karylle.

Beki 2: Ayy kasama ang jowa na gurlaloo... totoo pala na kayo ha.

Vice: Bakit? Mukha ba kaming fake? Haha. Papapiktyur ba kayo mga, bakla?

Beki 1: Ayyy bet namin yan!!!

Beki 3: Uy sa tabi ako ni Vice...

Beki 2: Gusto ko sa tabi ni Karylle...

Beki 4: Hoy, sandali naman... kaninong camera ang gagamitin?

Beki 3: Bruha, edi sa 'yo!!

Beki 4: Sinong kukuha?

Beki 1 & 2: Edi ikaw!!!

Vice: Uy, ang harsh niyo sa kanya ah... *tumingin kay Beki 4* Don't worry, girl, magpipicture ka solo with me.

Beki 3: Ayy ako na lang ang kukuha.

Beki 2: Ako na lang!

Vice: Hahaha, di na game na at Tom Jones na si Madir!

Picture.Picture.

Karylle: Oh kayong lahat, ako muna kukuha.

Vice: Ayy hindi... *hatak kay K sa kamay* Dito ka lang.

Inutusan na lang ni Vice si Kuya.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon