Tell Me

35.4K 238 12
                                    

Isang araw sa Sine Mo 'To, kinailangan maghanap sa madlang pipol ni Vice ng isang senior citizen  upang gumanap na isang empleyado na kailangan ng mag-retire. Sa paghahanap niya, may sumalubong sa kanyang matandang lalaki na nakatungkod pa. Napatitig lang siya dito at napahawak sa dibdib. Nahalata naman nina Jugs at Kuya Kim ang kaganapan kaya bumack-up sila para kilatisin ang madlang senior citizen. Bumalik naman ng stage agad si Vice tumalikod saglit at huminga ng malalim. Nilapitan siya ni K.

Nakuha ang madlang senior citizen na iyon na maging artista. Pag-akyat naman sa hagdan nito, inalalayan siya ni Vice na lalong nagpalungkot sa kanya. Pagka-akyat ng matanda ay hindi na napigilan ni Vice ang maluha, kaso imbis na kay Karylle siya noon lumapit ay kay Anne na lang siya napayakap. 

Nagsilapitan ang mga hosts kay Vice at niyakap nila ito for few seconds. Maya-maya ay pinilit ng huminto ni Vice at tuloy lang ang show.

Nang magbibigay na ng premyo sa madlang pipol, si Vice mismo ang lumapit para kausapin si Lolo.

Vice: Hi Lolo. *ngiti* Ano pong pangalan nila?

Madlang Senior: Ismael Hermoso

Vice: Ismael. Ilang taon na po kayo, Lolo Ismael?

Madlang Senior: 87

Vice: 87 whew *huminga ng malalim*

Billy: Kaya pa, kuys? *tapik sa balikat ni Vice*

Vice: Keri... *tumingin kay Lolo* Lo, pwede ba kitang mayakap? *malungkot na boses*

Yumakap naman si Lolo Ismael kay Vice.

Vice: Sige, Lo tignan na po natin kung magkano ang nakuha mong premyo ha.

P15, 000 ang nakuha ni Lolo with Starmobile Hit.

Pagkatapos ng Showtime, hindi na makatiis si Vice. Dali-dali na siyang nag-ayos at nagmamadaling umuwi. Naabutan naman siya ni Karylle. Sinamahan niya ito hanggang sa bahay.

Pagdating sa bahay, dumiretso si Vice sa kwarto. Sinundan siya ni K. Nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Vice, emo talaga.

Karylle: Vice, kailangan mo i-let go 'yan.

Tumingin lang si Vice kay K.

Karylle: Kausapin mo 'ko. Sabihin mo sa 'kin 'yong nararamdaman mo.

Wala pa ring reaksyon si Vice.

Karylle: Baby.... Ano na ba talaga ha? Ano na bang nangyayari sa 'yo?

Vice: K... *malungkot na boses* Pag nagsabi ba 'ko ng nararamdaman ko sa 'yo maiintindihan mo ba ko?

Karylle: Siyempre naman. Girlfriend mo ko, Vice. *hinawakan sa mukha si Vice*

Vice: Bakit no'ng tinawagan kita dati, simple lang naman 'yong pagkakasabi ko na kailangan kita di ba... pero bakit di ka dumating?

Hindi nakasagot si Karylle.

Vice: Mag-isa lang kasi ako noon... *tumulo na ang luha* Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa 'yo ako lumapit eh kasi pakiramdam ko, ikaw lang ang makakapagpatatag ng loob ko no'n pero wala ka. Di ka dumating.

Karylle: Baby kasi... *naluha na rin* hindi ako pinayagan ng school na umalis agad dahil naka-kontrata ko sa kanila. Pero pinilit kong...

Vice: Hindi mo na kailangan magpaliwanag... Wala na rin naman mangyayari. Wala na rin kasi akong maramdaman. *umiyak na talaga* ubos na ubos ako, K. Manhid na ako. Walang natira.

Karylle: Anong ibig mong sabihin? *umiiyak na rin*

Vice: Hindi na kita kayang mapanindigan. Wala na kong maramdaman sa sobrang sakit. Hindi ko na kayang magmahal. I'm sorry... I'm so sorry.

Karylle: Are you... Are... *nahihirapan bigkasin ang tamang kataga* are you...breaking up with me?

Hindi na sumagot si Vice. Umiyak na lang siya.

Karylle: Vice, hindi mo man lang ba tatanungin kung ano ang nararamdaman ko?

Vice: Nararamdaman mo? *napatayo na silang dalawa* Bakit, Karylle, ikaw ba naisip mo kung ano 'yong nararamdaman ko nung nagmamakaawa akong umuwi ka tapos hindi ka dumating? Hindi naman di ba? Minsan lang ako humingi sa 'yo... Minsan lang akong lumapit sa 'yo... pero di mo ko pinakinggan. Minsan lang 'yon, K... Minsan lang...

Karylle: 'yon na nga, Vice... minsan lang... minsan lang din akong nagkulang sa 'yo pero binibitawan mo na 'ko. Hindi mo man lang ako binigyan ng chance para bumawi at tulungan kang makarecover.

Natahimik silang dalawa hanggang si Karylle na ang naglakas loob na magtanong.

Karylle: Hindi mo na ba ko mahal, Vice?

Vice: I need space, K. *malungkot*

Karylle: *naiyak na talaga* if you think, this is what you need naiintindihan ko. Pero Vice, for the last time gusto kong sabihin sa 'yo... Mahal na mahal na mahal kita. Hindi na magbabago 'yon.

Umalis na si K.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon