Reconciliation

34.8K 199 6
                                    

Pagkabato ni Vice ng M&Ms may tinamaan na baso, narinig ng mga kaibigan niya ang kalabog sa loob kaya papasok na sana sila kaso lang biglang lumabas si Vice. Tumatakbo. Hahabulin niya dapat si Karylle kaso lang hindi niya alam kung nasaan ito. Nagpunta siya sa kaliwa... sa kanan. Bumaba sa stairs pero hindi na niya makita si K. Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot. 

Vice: Shit, gago ka talaga, Vice! *sabi sa sarili habang hinihintay pa rin sumagot si K sa phone

Sinubukan niya sa parking, sakto nakita niya ang sasakyan ni Karylle na umaatras at palabas na. Tumakbo ito palapit at pumunta sa harap ng kotse. Bigla naman napapreno si K.

Nagkatinginan silang dalawa habang humihingal pa si Vice. Lumapit siya kay K at kinatok sa bintana.

Vice: Please, usap muna tayo. *humihingal pa rin*

Binaba ni Karylle ang bintana.

Vice: Please... K....

Pero dahil nainis na rin talaga si K, medyo masungit siyang sumagot.

Karylle: Huwag na muna, Vice. Magkakasagutan lang tayo lalo dahil mainit pa ang ulo ko sa 'yo.

Vice: Sorry na Karylle.

Karylle: Sige na, marami nang nakakakita sa 'tin.

Pinaandar na ni K ang kotse. 

Bumalik si Vice sa KTV kasama ng mga kaibigan. Imbis na fun naging seryosong usapan sila. Usapang babae. Nakatulong din naman 'yon kay Vice kasi sa totoo lang hindi niya alam kung paano talaga dapat patakbuhin ang relasyon sa babae. Nagbigay ang mga kaibigan niya ng tips. At dahil mahaba-habang usapan 'yon naging mahaba rin ang oras ng inuman.

Pagkauwi naman ni Vice sa bahay niya, kahit tinamaan na rin siya ay hinihintay niya pa ring mag-text si K sa kanya, kaya lang mukhang tinotoo niya ang sinabi niya kay Vice. Sinubukan niyang tawagan si Karylle pero hindi siya sumasagot.

...

Pagkauwi naman ni Karylle ay mainit din talaga ang ulo niya kaya pumasok siya agad sa kwarto. Nagpalipas muna siya ng pagkainis. At dahil sa mga nangyari hindi na siya nakakain at maaga na rin siya nakatulog kaya naman hindi na niya namalayan ang tawag ni Vice ng gabi na 'yon.

...

Kinabukasan, maaga pumasok si Vice at bumili siya ng bulaklak para kay Karylle. Inasar naman siya ng ilang staff sa ABS. Pagdating nina Billy, nang-asar din sila siyempre at hindi siya nakaligtas kay Anne. Nakwento na ni Vice na nag-away nga sila at dahil doon kinausap na siya nina Billy ng seryosohan dahil na-guilty din sila.

Maya-maya pa dumating na si K. Nagtinginan sina Anne at lumabas na muna ng Dressing Room.

Iniabot ni Vice sa kanya ang bulaklak. Pormal na tinanggap ito ni K. Hindi niya pa rin pinansin si Vice.

Vice: K, kausapin mo naman ako.

Karylle: Wala naman ako sasabihin. *pormal na sagot*

Vice: *hinawakan sa kamay si K* Please, baby, sorry na. Hindi na 'ko magseselos ulit kay Jason. Naiinsecure lang naman talaga ko. I'm sorry kung nakagalitan kita. 

Nakatingin lang si K kay Vice at wala itong reaksyon.

Vice: Kausapin mo na 'ko. Miss na kita eh. Sorry na, K.

Umiwas ng tingin si K. Hinarap naman siya ni Vice at nagtitigan sila.

Vice: Sorry na... Please...

Karylle: Sige na... 

Vice: Eehh galit ka pa.

Karylle: Di na.

Vice: Tignan mo ohh tipid pa rin. Bati na tayo. Di na mauulit.

Karylle: Okay na, Vice. Okay na nag-sorry ka. Sorry din nainis ako sa 'yo. Sorry din sa inakto ko kahapon. Naging insensitive din siguro ako.

Vice: Okay na tayo?

Karylle: Hindi rin naman kita matitiis, baby. Mahal kita. 

Vice: *niyakap si K at kiniss ng mabilis* Sorry ha. Mahal kita. Mahal na mahal kaya ako nagselos ng ganoon.

Karylle: Baby, mahal kita. Sapat ka na sa 'kin, okay. Huwag ka na magseselos masyado.

Vice: Opo.

Pagkatapos ng panunuyo ni Vice ay nagkaayos na sila. 

Kasama naman talaga sa relasyon ang minsang sigawan at sagutan dahil tulad ng sabi ko dati ang relasyon na puro pa-sweet at kulitan lang ay hindi makatotohanan. Dahil sa away nilang 'yon, lalong naging sweet si Vice kay K. Nag-sorry din sa dalawa sina Billy.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon