ViceRylle Offcam

36K 245 20
                                    

Isang araw, bago magsimula mag-taping si Vice para sa GGV ay pinatawag siya ng manager niya na si Tim. Kaya nagpunta muna ito sa office nito. Pagpasok pa lang sa opisina, medyo hindi na maganda ang aura ng kanyang manager.

Vice: Sir Tim? May problema po ba?

Manager: Vice, mabuti dumating ka na. Pinapalitan mo na naman daw ang konsepto ng susunod na concert mo. Pati date pinabago mo.

Vice: Sir Tim, kasi may mga parte sa buong production ang hindi naman babagay sa akin. Baka mabagot ang mga audience kung gano'n pa rin ang tema.

Manager: Vice, sana rin naman i-consider mo 'yong mga tao na nagtatrabaho rin para sa 'yo.
Vice: Sir, wala pa namang final plan di ba? Naka-draft pa lang naman lahat. Pwede pang baguhin 'yon.

Manager: Vice, alam mo lahat na ng gusto mo sinusunod namin. For once naman, ikaw ang sumunod sa akin. Ingatan mo ang mga ginagawa mo kasi sa industriyang ito, kapag hindi mo inisip ang mga tao sa paligid mo, babagsak ka. Gusto mo ba 'yon?

Medyo napikon si Vice sa sinabi ng kanyang manager pero nagpigil na lang siya ng sarili niya.

Vice: so gusto niyo pong ituloy 'yong konsepto ng concert?
Manager: oo. Di ba, ikaw din naman noon ang nakaisip no'n?
Vice: pero paano 'yon? May girlfriend na ko.
Manager: bakit kasama ba sa kontrata mo si Karylle? Vice, labas ang personal mong buhay dito. Sa concert mong ito, walang ViceRylle. At hindi buong buhay mo umiikot sa Showtime.
Vice: okay. Kayo na lang ang bahala.

Lumabas na si Vice na medyo bad trip. Hindi na niya mabago ang aura ng mood niya. Bad vibes na. Kaya sa taping ng GGV medyo sumasablay na rin siya. Nasisita na rin siya ng director.

Pagkatapos ng kanyang trabaho sa buong araw, sobrang drained siya na parang kahit paglakad hindi na niya kayang gawin. Hindi naman na siya kinakausap nina Archie at Buern dahil alam nilang masama ang timpla ni Vice. Kaya tahimik lang silang lahat sa sasakyan. Maya-maya tumawag sa cellphone si K.

Vice: hello.
Karylle: hi baby, how was your day?
Vice: okay lang naman. *malamya ang tono*
Karylle: ba't parang hindi naman okay?
Vice: pagod lang ako, baby.
Karylle: pauwi ka na ba?
Vice: oo.
Karylle: o sige, matulog ka na agad pag-uwi mo ha.
Vice: oo matutulog talaga ako agad.
Karylle: sure ka, okay ka lang?
Vice: yes, baby.
Karylle: sige. Babye. Love you.
Vice: love you.

Pagputol ng linya tumingin lang sa bintana si Vice. Naiinis talaga pero nalulungkot din. Malapit na sila noon sa bahay nito nang maisip niyang pumunta kay Karylle..

Vice: kuya, paki daan mo nga sandali sa condo ni K.
Kuya: sige.

Hindi na umimik sina Archie.

Pagdating sa unit ni K, medyo late na noon, 12 midnight na. Nakatulog na si K kaya medyo natagalan siyang buksan si Vice.

Karylle: ohh... Vice. *bagong gising*

Biglang na lang yumakap si Vice ng mahigpit kay Karylle.

Karylle: bad day?

Hindi nagsalita si Vice.

Karylle: hey.. *bumitaw para tignan si Vice* what happenend?
Vice: twice akong napagalitan today eh.
Karylle: bakit? *hinawakan sa mukha si Vice*
Vice: makulit kasi ako.
Karylle: makulit ka? Alam na ng lahat yan.
Vice: matigas din ng ang ulo. *nakatitig lang kay K*

Hindi na nag-react si K. Hindi kasi siya sure sa dapat sabihin.

Karylle: you can stay here, tonight.

Umiling si Vice.

Karylle: how do you want me to comfort you and make you smile again?
Vice: hinihintay din nila ko sa sasakyan eh. Gusto lang talaga kitang makita at mayakap.

Niyakap ni Karylle si Vice ng mahigpit. Yumakap din si Vice. Tama ang naisip niya na si Karylle ang kailangan niya para bumuti ang pakiramdam niya. Tumagal din ng ilang minuto ang pagyayakapan nila. Maya-maya bumitaw na si Vice.

Vice: salamat sa hug.
Karylle: basta ikaw. *hinawakan ang kamay ni Vice* okay ka na ba?
Vice: *ngumiti na* yes, baby. Mas okay na 'ko kaysa kanina.
Karylle: mabuti.
Vice: uwi na ko.
Karylle: sige.. Sure ka ayaw matulog dito?
Vice: siyempre gusto kaya lang may mga kasama ako sa baba na naghintay na sa akin.
Karylle: okay.
Vice: I love you, K.
Karylle: I love you more. *hinalikan si Vice sa lips.*


...


Pagkababa ni Vice, nagpost ng picture si Karylle na may yakap na unan sa instagram at twitter. Nakatag si @PraybeytBenjamin. Naguluhan si Vice tapos binasa niya ang tweet.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon