First Stop Over

35.1K 215 5
                                    

Nagising ang Mama ni Vice dahil naiihi na siya.

Kaya huminto sila sa Petron Service Station along North Luzon Expressway. Napalingon naman si Nanay Rosario. Nagising din si Karylle.

Karylle: ayy *bagong gising na boses* ahmm hello po.

Nanay Rosario: Karylle, kasama ka na pala namin dito. Pasensya ka na iha at nakatulog ako kanina.

Karylle: Naku wala po 'yon.

Napansin ni Karylle na parang bababa ang mommy ni Vice.

Karylle: MagC-CR po ba kayo?

Nanay Rosario: Oo sana at para makainat din. Nakakangalay pag nakaupo lang.

Karylle: Sige po, samahan ko na po kayo.

Nanay: Ayy sige mabuti pa nga.

Ginising naman ni Karylle si Vice para makatayo siya. Inalalayan ni K si Nanay Rosario pababa ng sasakyan hanggang papunta sa banyo. Dahil alam naman ni K na walang tissue sa loob ng CR doon siya na ang nagbigay para kay Nanay Rosario.

Si Vice naman, bumaba na rin para magbanyo. Bumili na rin siya ng mirienda nila pagkatapos.

Pagkatapos mag-CR nina K at Nanay Rosario ay nagkausap naman sila habang naglalakad. Nakahawak si Nanay Rosario sa braso ni Karylle.

Nanay Rosario: Natutuwa akong makita kayo ni Tutoy kanina na magkayapos sa sasakyan habang natutulog. Mabuti naman at nakasama ka sa amin.

Karylle: Gusto ko rin po kasi personal na makilala ang Lolo ni Vice at siyempre po para rin po mas magkasama po tayo.

Nanay Rosario: Masaya ako, Karylle, para sa inyo ni Tutoy. Salamat at minahal mo siya.

Karylle: Hindi naman po mahirap mahalin si Vice.

Nanay Rosario: Napakabait na bata talaga niyan ni Tutoy. Mapagmahal at maalaga sa amin.

Karylle: Mahal na mahal din po niya talaga kayo.

Maya-maya lumapit si Vice na may bitbit na pagkain.

Vice: Nay *abot ng inumin at sandwich* para po sa inyo. Nakaihi ka na, Nay?

Nanay Rosario: Oo. Salamat dito kay Karylle at sinamahan niya ko. *kinuha ang bigay ng anak*

Nagtinginan naman sina Vice at K. Kumindat si Vice at nag-smile naman si K.

Kinuha na ni Karylle ang mga bitbit ni Vice para si Pogi na ang umalalay sa Nanay nito. Kumain muna sila at nagkwentuhan bago sumakay ulit. Pagkatapos naman ay nangulit na si Vice kay K.

Karylle: Vicey, may cream ka sa taas ng labi mo. *tinuro niya*

Vice: *nag-pout* kiss mo ko dali para mawala hahaha

Karylle: Ano ka ba, Vice!? *hinampas si Vice tapos sumenyas na nakatingin sa kanila si Kuya at Nanay Rosario.*

Vice: Hahaha nahihiya ka kay Nanay? *malakas ang boses sabay inom sa kape*

Karylle: Ewan ko sa 'yo? >.<

Vice: Hahaha, okay lang yan baby kay Nanay. *lalong dumami ang cream sa labi*

Karylle: Ako na nga magpupunas. *kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig ni Vice*

Vice: *tingin sa Nanay niya at ngumiti* Nay, sweet ng girlfriend ko 'no?

Napailing lang ang nanay niya.

Karylle: Ang kuliiiiit *kurot sa pisngi ni Vice* kuliiit mo!!!!

Vice: Araaayy!!! >.< *lumapit sa Nanay na parang nagsusumbong* Nay oh, nananakit na naman si Karylle.

Nahiya si K bigla at tumingin ng masama kay Vice pero biro lang naman.

Nanay Rosario: Nagsimula ka na naman sa kaharutan mo, Tutoy.

Vice: Hahaha *lumapit na kay Karylle at inakbayan ito* joke lang, baby. Nilalambing lang kita. * kiniss niya si K sa hair*

Pagkatapos ng kainan at saglit na stop over ay sumakay na ulit sila sa sasakyan. Inalalayan ni Vice ang Nanay niya para makaupo ng ayos at tumabi na ulit kay Karylle.

Tuloy lang ang mahabang biyahe... :)

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon