Chapter 77

1.4K 6 0
                                    

Malalim na rin ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ni Eunice tumatatak pa rin sa isipan nya ang ipinagtapat sa kanya ni Sabrina.....Ngayon alam na nya ang dahilan kung bakit nagagawa nyang lokohin si Patrick yun ay para pagbayarin si Lucas sa kasalanan nito sa kanya....Paano kung nalaman ni Patrick ang totoo na pagpapangap lang ang lahat ng namamagitan kina Lucas at Sab ...Mababago ba ang pagtingin nito sa asawa ?Paano nga kung mapatunayan ni Patrick na totoong si Lucas ang ama ng bata na sana ay pingbubuntis ni Sabrina pero ang lahat ng iyon ay nagawa ni Sab dahil sa pagmamahal nito sa kanya..maiintindihan ba sya ni Patrick?? May posibilidad ba na maayos ang lahat sa pagitan nina Patrick at Sabrina..May biglang kumurot sa puso ni Eunice sa puntong yon....

Nasasaktan na naman sya dahil may part ng puso nya na umaasa pa rin na sila pa rin ni Patrick  bandang huli......At doon ay muling nagflashback ang nangyari sa kanila ni Patrick sa kubo sa Hacienda nina Lucas ang mga sinasabi nito na sila pa rin bandang huli...

Hindi na rin napigilan ni Eunice ang sobrang antok at kusa na rin napapikit ang kanyang mga mata.....Bukas haharapin na naman nya ang bagong yugto sa kanyang buhay....

"Kamusta naman yung stay mo sa hacienda?'usisa ni Ivy isang hapon na nagkita sila matapos ang duty ni Eunice sa hospital...

Alam na ni Ivy ang lahat ng nagyayari wala syang kahit ano na nililihim dito......Mas gumagaan ang pakiramdam nya once na iiopen up nya sa bestfriend ang lahat ng kanyang problema...

At doon na nagsimula ang kwento ni Eunice wala syang iniwan na details mula nung moment na nasa kubo sila ni Patrick at ang mga pingusapan nila...Ang pagkahuli nya kina Sabrina at Lucas at ang huli ang pagamin sa kanya ni Sabrina sa totoong dahilan kung bakit lihim syang nakikikpagrelasyon kay Lucas Sta. Maria....

"OMG!!!Eunice....masyado naman yang mga revealations mo.....Muntik na akong mahimatay dito...Wait ask ko lang ano naman ang reason  ni Sabrina kung bakit gusto na gantihan si Lucas..."

At muli ay ikinuwento ni Eunice ang ginawa ni Lucas kay Sab noong gabi ng bridal shower nya ..

"You think nagsasabi ng totoo si Sabrina....Baka naman alibi nya lang ang lahat dahil nahuli mo sila ni Lucas ...."

"Ivy...,ay part na naniniwala ako kay Sabrina.......Dahil the day na nakunan sya okay naman sya bago  sya nagpaalam na uuwi na sya....Kakacheck up ko nga lang sa kanya the day before and the baby was fine....And then unexpected yung miscarriage nya kung walang matinding dahilan na nagtrigger para makunan sya....Mybe totoo yung sinasabi nya na She was raped ....dahil sobrang lakas ng bleeding nya that night...."

"May point ka girl.....So anong plano mo that you trapped in that situation..Sasabihin mo ba kay Patrick ang totoo..."

"Sabi ni Sab sya na ang magpapaliwanag kay Patrick ng lahat......Hhihintayin nya lang na magkaganti sya kay Lucas dahil sa ginawa nito sa kanya..."

"Alam mo girl..Kinakabahan ako dyan huh..masyadong nagiging complicated ang situation....Punong puno ng surprises ....Basta sis....Kung ano man ang mangyari tibayan mo ang loob mo huh...Sa tingin ko ngayon pa lang nagsisimula ang lahat......"

Nagpaalaman na rin ang dalawa...Dumeretso na si Eunice pauwi ng bahay ....Nagulat na lamang sya kung sino ang naabutan.."PATRICK"sambit nya..

"Hi..Eunice"tugon ni Patrick...

"Anong ginagawa mo dito huh.....?"

"bakit masama bang dumalaw sa isang kaibigan?"

"Ano bang pinagsasabi mo huh....Pwede ba?'

Unti unti ng lumalapit si Patrick kay Eunice......"Masanay ka na Eunice....sooner or later mapapatunayan ko na ang tungkol sa affair ni Lucas at Sabrina...And once na mangyari yon hihiwalayan ko na si Sabrina..Kaya now pa lang nililigawan na kita...para naman wala ng magattempt pa sayo na pumorma"

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon