Chapter 27

2.1K 6 0
                                    

Hindi malaman ni Eunice kung paano pa dadalhin ang patong patong na sakit na nararamdaman..Bakit sa isang iglap nangyayari ang lahat ng ito..Hiyang hiya sya kay Divina dahil sa pagpapaasa nya kay Derek.Tama ang lahat ng binitawan nitong salita kanina at kahit anong tangi nya sa katotohanan kahit kailan ay hindi nya pwedeng lokohin ang tunay na nararamdaman.

Biglang bumalk sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya ang pagtatagpo ng kanilang mga mata na animo'y parang hinihigop ang kanyang lakas..Ano ba ang gustong palabasin ni Patrick sa mga titig na yon.

"NO!IT doesn't mean anything Eunice....balewala ka lng kay Patrick..wala syang interest sayo..Atnever ka nyang minahal dahil niloko mo lang sya dati......Hindi ang katauhan mo ang minahal nya,, minahal ka nya dahil sa pagaakalang ikaw ang asawa nya.."sigaw ng isipan ng dalaga...

Nagpaalam na rin sya kay Derek tungkol samedical mission nya sa QUezon...nagalok pa ito na sumama pero tinangihan ito ni Eunice ayaw nyang mabinat ang kasintahan..

Friday ngumaga ang nakuha nyang flight kaya gabi pa lang ng huwebes ay nagiimpaken na sya Lunesna ng hapon ang balik nya sa Manila...

Every 6months ay gumagawa sya ng medical mission sa iba't ibang probinsya masaya syang naiaabot ang serbisyo nya sa mga taong walang sapat na kaalaman sa tamang pangangalaga kapag buntis at iba pang problemang pangkalusugan ng mga kababaihan...

"Kayo na po muna bahala kay Abby..."bilin nito sa kanyang ina.

"Sige Anak,,wag mo kami alalahanin dito,,ikaw ang magingat dun..Bakit naman kasi hindi ka pa pumayag na kasama si Derek..Sa twing may Medical Mission ka lagi mo syang kasama kaya hindi ako masyadong nagaalala..." sabi ni Eloisa.

"Kakagaling lang po sa sakit nung tao,, baka mapasama pa sa kanya kung sasama pa sya sakin..?sobrang aligaga pa naman yung taong yun..gusto nyasya lahat..kawawa naman baka mapagod, ,at magkasakit pa lalo"

"O sya...Basta magingat ka huh.balitaan mo ako palagi para hindi ako masyadong mag alala.."bilin ng ina nito..

"Yes Ma..."tugon nito..sabay yakap nito sa ina.

Tulog pa si Abby ng oras na yun pero nagpaalam naman si Eunice kagabi sa anak..Kahit alam niya na hindi pa ganun kalawak ang isip ng anak nakakaramdam pa rin sya ng guilty sa twing iiwanan nya ito para magtrabaho...Buti na lang nandyan ang kanyang ina para minsan punan ang pagkukulang nya...

Maikli lang naman ang naging biyahe patungong Quezon....Sa isang sikat na hotel nagcheck in ang doctora.... Inalalayan sya ng bellboy hanggang sa makarating sya sa kanyang kwarto..

"Salamat"sabi nya sa bellboy sabay abot ng pera para sa tip nito..

"Your welcome. .Enjoy your stay"!nakangiting tugon ng bellboy....at ibinaba na nito ang maleta ni Eunice.

Hindi naman kalakihan ang kwarto tamang tama lang ito para sa kanya.....lumapit sya sa may bintana at bunuksan ang blinds kaagad bumungad sa kanya ang kulay asul na tubig ng dagat.....may biglang nAgflash back sa kanyang isip ang alaALa ni Patrick...At doon ay parang may sumundot na naman sa kanyang puso...kailan ba sya titigilan ng alaala ng nakaraan bakit unti unti na naman itong bumalik sa kanyang sistema..

Kaagad na lang nya inihiga ang sarili sa kama....gusto nyang I clear ang kanyang isip hindi sya pumhnta dito para mag emote....Pinikit nya ang kanyang mga mata at doon ay tuluyang nahimbing na kahit man lang sa pagtulog ay mawaglit sa isipan nya si Patrick.

Napahaba rin pala ang tulog nya halos madilim na rin ng tumanaw sya sa bintana sabagay halos wala rin syang tulog kagabi dahil sa paghahanda papubta dito,kumakalam na din ang tyan nyasa biyahe pa sya nung huling kumain..buti na lang nagpasobra sya ng isang araw bago mag medical mission para naman may time pa syang maka pag relax

Lumabas sya ng kwarto nabangit din ng receptionist na maraming restaurant sa resort....may mga bars at may mga happenings din twing gabi...

Napakalamig ng simoy ng hangin ang dumampi sa kanyang pisngi ng makalabas sya ng hotel at maglibot libot sa kabuuan nito...Nakakita na rin naman sya kaagad ng kakainan...Medyo madilim sa loob sa tingin nya ay isa itong bar kasi tumambad sa kanya ang bar na may nakaupo sa tapat nito at umiinom ng alak..meron pang bartender na umeestima sa mga ito..Gutom na gutom na sya hindi lang naman siguro alak ang meron dito sa isip isip nya....wala na syang lakas para maglakad..

Umupo na lamang sya sa may bakanteng upuan....kinuha nya ang menu sa mesa.napangiti sya dahil kahit paano ay meron syang maoorder..ng makapili na sya kaagad nyang sinenyasan ang waiter...

Seafood pasta at iced tea ang kanyang inorder....hindi naman nagtagal ay dumating na ang order nya...Marami rin namang tao ang kasabay nyang kumakain....Masarap din naman ang food kaya ok na rin sa kanya..kaagad nyang tiningnan ang kanyang relo lagpas pa lang alas syete pero bakit ang dami ng umiinom ng alak..

Pero biglang nanginig ang buo nyang katawan halos masamid na sya sa kinakain nya.Sigurado sya sa nakikita....kahit medyo madilim sa may bandang bar ay sigurado sya sa nakikita....

"Patrick"bulong nya sa sarili. .halos lumubog sya sa kinauupuan.gusto na nyang tumayo pero pakiramdam nya wala na syang lakas...lalo pa syang nagulantang ng may lumapit dito na magandang babae at hinalikan sya nito...feeling nya katapusan na ng mundo...hindi nya alam kung anong mararamdaman...bakit hindi nya magawang iwalay ang paningin nya dito..

Kaagad ng tumayo si Patrick kaakbay ang babae napagawi ang mga mata ng binata sa kanya sigurado si Eunice nagabot ang paningin nila..

Papalapit na si Patrick kung saan sya nakaupo nakapwesto kasi sya malapit sa pinto ng labasan ng bar..Napapikit na lamang sya hindi nya alam kung anong susunod na mangyayari.ilang saglit din syang nakapikit pero walang Patrick syang naramdaman.Pagmulat ng kanyang mata tuluyan na ring nawala si Patrick..Sigurado sya nakilala sya nito..pero bakit parang hangin lang sya.

"Ano pa bang inaasahan mo Eunice.lalapit sya sayo makikipagkwentuhan..makikipagtawanan na parang walang nangyari three years ago...pero sabi ni Derek ok naman na ang lahat para sa kanya..Bakit hindi man lang sya lumapit at nag HI" kausap nya sa sarili....

Marami pa rin gumugulo sa isip nya bakit may kasama syang babae gayong ikakasal na sya kay Sabrina sa isang buwan...At anong ginagawa nya dito..Bakit para na namang sinasadya ang lahat....

Hindi muna dumeretso si Eunice sa hotel wala rin naman syang gagawin naglalakad lakad muna sya sa tabi ng dagat...Pabalik balik sa isipan nya ang nakita nya kanina sa babae at kay Patrick.Nasasaktan sya at naiinis sya sa sarili nya dahil alam nyang wala syang karapatan na masaktan...Bakit lumuluha na naman sya hindi naba mauubos ang luha nya para kay Patrick.Hindi na ba matatapos ang sakit na idudulot ng pagmamahal nya para dito...Nagulat na lamang sya ng may boses mula sa kanyang likuran sigurado sya na kay Patrick..

"May naaalala ka ba twing minamasdan ang dagat"sabi ni Patrick..

Hindi sya tumugon...pero malinaw sa kanya ang sinasabi ni Patrick..lumuha pa rin sya pinupunasan na nya ng kamay ang kanyang luha pero patuloy pa rin ito sa pag agos..

Lumapit sa kanya si Patrick at iniharap sya nito...

"Hindi ko alam kung sinasadya ng pagkakataon na magkita tayo dito,,,o sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana para sa atin.Eunice...sa tagal tagal na panahon sa pagconvince ko sa sarili ko na wala akong nqraramdaman sayo para ko na rin niloloko ang puso ko sa katotohanang mahal na mahal kita..Hindi dahil nakita ko sayo si Lorraine kundi ito talaga ang nararamdaman ko kahit sino ka pa"

Tama ba ang nangyayaring ito si Patrick na kaharap nya ngayon at nagsasabing mahal sya nito gayong kakakita lang nya na may kahalikang babae kanina at ikakasal na sa susunod na buwan...aPinapaikot ba sya nito....

-DONE

forever in my heartWhere stories live. Discover now