Chapter 70

1.5K 5 0
                                    

  Tama bang paunlakan pa ni Eunice ang invitation ni Lucas baka lalo pa syang maipit sa situation..... At sa isip isip nya kung bakit inimbitihan ni Lucas si Patrick at Sabrina kung meron talagang namamagitan sa kanila at bakit ang kompanya pa ni Patrick ang pinili nya para humawak sa mga projects na balak nitong itayo.....Diba kung meron nga silang relasyon ni Sabrina ay hindi nya hahayaang mapalapit kay Patrick...Hindi nya alam naguguluhan pa din sya......

Palabas na sya ng clinic ng makita na nagaabang sa may parking lot si Patrick...gusto sana nyang umatras pabalik pero tila na magnet ang kanyang paa sa kinatatayuan hanggang hindi nya namalayan na nasa harapan na nya ito....

"Pwede ba tayong mag usap Eunice...'sabi ni Patrick...

Iniwasan nya ito na animo'y walang narinig....dere deretso sya sa paglalakad pero sinundan pa rin sya ni Patrick hanggang sa nahawakan nito ang kanyang braso tila may kuryenteng dumaloy sa buo nyang katawan ng maramdaman ang pagkakahawak ni Patrick....

"Please......."pakiusap nya....

"Anong paguusapan natin?"hindi man lang nitong magawang tingnan si Patrick.....

"Ang nangyari sa inyo ni Derek.....Bakit hindi ka nya sinipot sa araw ng kasal ninyo?'

"Hindi ko alam Patrick...."

"Pwede bang hindi mo alam......"

"Bakit may mababago dahil hindi natuloy ang kasal namin ni Derek....Kung malaman mo ang dahilan....."

" Meron Eunice.....may mababago sa ating dalawa....siguro ang tadhana na ang may kagustuhan ng nangyari....Ang lahat ng natuklasan ko kay Sabrina ang panloloko nya sakin.....Paraan na rin yun para matapos sa min ang lahat..."

" Hindi mo pa napapatunayan na niloloko ka ng asawa mo.....Puro ka lang hinala at pagdududa.....Kung iniisip mo na talagang niloko ka ng asawa hindi yun sapat para hiwalayan mo sya Patrick..Minsan may nagagawa natin lokohin ang taong mahal natin para maibigay dito ang kasiyahan ng gusto nito....Tandaan mo Patrick,,,kung tama man ang hinala mo na niloloko ka ng asawa mo hindi mo rin ba naisip na mas matagal mo na syang niloloko...Na hanggang ngayon ay wala pa rin syang alam tungkol sa atin ang tungkol kay Abby.....Kaya Patrick wag puro sarili mo lang ang iniisip mo.....wag puro ang kamalian ng iba ang intindihin mo..Tingnan mo ang sarili mong pagkakamali at baka magdalawang isip ka na i judge ang pagkakamali ng asawa mo..'

"Ayaw mo na ba sa konting pag asa na pinanghahawakan ko may posibilidad na maging tayo pa ring dalawa Eunice....dahil ako dito sa puso ko umaasa pa rin ako na ikaw at ako pa rin..ang pagmamahalan pa rin natin ang mananaig sa lahat..kaya ginagawa ko ang lahat ng paraan para mangyari yon"

"Hindi ko alam ..... Hindi ko na iniisip ang mga bagay na yan Patrick....Dahil ayoko ng umasa ... dahil alam kong wala ng sigurado pagdating sa pagmamahal.....Minsan ang buong akala mo kayo na,,,,then hindi pa pala...."

"Please dont let go..Eunice......."unti unti ng tumutulo ang luha sa mga mata ni Patrick,,,,,

"Kailangan Patrick......"

Kaagad niyakap ni Patrick si Eunice....ramdam na ramdam ng bawat isa ang sakit.....Pilit na ring kumawala si Eunice sa pagkakayakap sa kanya ni Patrick......baka hindi nya mapigilan at muli syang magpadala sa emosyon.......Binuksan na nya ang pinto ng kanyang kotse pigil na pigil ang luha na kanina pang gusto lumabas sa kanyang mata....Pinaandar na nya ang kanyang sasakyan tanaw na tanaw nya mula sa side mirror na nakatayo pa rin si Patrick.....Minamasdan sya papalayo...

Saglit nyang itigil ang kotse dahil pakiramdam nya ay sasabog na ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman......At tuluyan na nga nyang pinakawalan ang kanina pang pinipigilan na emosyon..Tuloy tuloy ang kanyang pagiyak......Bakit ba sa tagal tagal na panahon ay ganito pa rin ang sakit dulot ng pagmamahal nya kay Patrick....Bakit hindi pa rin nababawasan ang hapdi....pakiramdam nga nya lalo pang bumabaon ang sugat sa kanyang puso......

Ramdam na ramdam na ni Sabrina ang pagkabaliw sa kanya ni Lucas Sta. Maria.......Kabaliwan dulot ng pagmamahal nito sa kanya.....Malapit na rin nya itong pagbayarin sa kasalang ginawa nito sa kanya na sa paraang hindi nito inaasahan.....

"Saan naman tayo pupunta ?"tanong ni Eunice kay Ivy

"Basta....Birthday ko ngayon kaya wag ka ng mag complain..Ok?"

Sa isang sikat na Bar pumunta ang kaibigan......May iilan ding inimbitahan si Ivy para makicelebrate sa kanyang birthday.......May kadiliman nga lang ang bar at medyo crowded.....

"Enjoy lang tayo dito girl.......Kalimutan mo muna ang lahat ng problema mo"

"Wala naman akong problema huh"

"Ako pa lokohin mo....Alam kong meron...that up to now sugatan pa rin yang puso mo"

"Loka Loka..."

Nagpaalam muna si Eunice para pumunta sa rest room......At sa di kalayuan ay may natatanaw syang familiar medyo madilim nga lang kaya hindi nya masigurado....Pero ng tumapat ang konting ilaw dito sigurado na sya kung sino ito...

"Sabrina"bulong nya sa sarili.....Sa tingin nya ay meron itong hinihintay.......

Lalapitan sana nya ito para kamustahin  ng may dumating na lalaki sigurado sya na hindi ito si Patrick......Kundi si Lucas Sta.Maria...Kaagad naghalikan ang dalawa.....at inalalayan na ni Lucas na tumayo si Sab at nagtungo sa labas ng nasabing bar.....Lihim nya itong sinundan....

Nang makasakay ng kotse ay kitang kita nya na muling naghalikan ang dalawa.....Gumaganti si Sabrina sa bawat halik na itinutugon ni Lucas...Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso naisip nya na totoo pala ang hinala ni Patrick sa asawa.....

Talaga bang may relasyon ang dalawa......pero naikwento sa kanya ni Eunice kung ano tlaga ang namagitan sa kanila ni Lucas...Na ginamit lang nya ito para mabigyan ng anak si Patrick.....Na si Patrick ang totoong mahal nya....Pero bakit ngayon sa nakita nya parang totoong may namamagitan sa kanila...Nagsisinungaling nga lang ba si Sabrina..Na during the time na nasa Hongkong si Patrick ay nagawa nya iton lokohin.....At nung nabuntis sya ni Lucas pinalabas nito na si Patrick ang ama ng kanyang dinadala.....Dahil alam ni Sabrina na maghihinala si Patrick na hindi sya ang ama ay balak nitong pumunta sa Amerika at doon manganak para pag uwi nya ay dala na nya ang baby.....Naka set na ang lahat sa utak ni Sabrina pero hindi inaasahan ay namatay ang batangpinagbubuntis nito.....Ngayon ay lalo itong nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pakikipagrelsyon kay Lucas....

Hindi na alam kung dapat bang makarating kay Patrick ang lahat ng nakita nya.....na kailangan na syang magsalita tungkol sa nalalaman na ang tunay na ama ng namatay na bata ay tlagang si Lucas Sta. Maria na tma ang kanyang hinala......Hindi nya alam kung anong hakbang ang gagawin...

Dahil marami pa ring tanong ang kailangan nyang hanapan ng kasagutan....Ang gabing nakunan si Sabrina na si Lucas ang kasama nito..Alam nyang may nangyari sa sa pagitan ng dalawa.....At bakit sa iisang hotel lamang naganap ang lahat na nandoon din si Lucas Sta. Maria....nalilito sya..Hindi sya pwedeng magsalita ng walang kasiguraduhan..Maraming bhay ang masisira....Ang katotohanan ay sa naganap ng gabing yon ay tanging si Sabrina at Lucas lamang ang nakakaalam..

Pero hindi nman sya pwdeng maupo at wala man lang gawin.......gagawa sya ng way para malinawan din ang lahat......kung ano man paraan ito kailangan nya itong pagisipang mabuti..

Sa ngayon ay iisang bagay ang kanyang dapat simulan yun ay kung saan nagsimula ang lahat sa pagitan nina Lucas at Sabrina.....

Tinangap nya ang invitation ni Lucas para makicelebrate sa birthday ng mama nito.........At doon sya magsisimulang alamin ang lahat lahat....At kung ano man ang matuklasan nya kailangan syang maging handa.......

Wait for my next update>>>>>>>

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon