Chapter 40

1.9K 3 0
                                    

Tanaw na tanaw ni Patrick na papalayo na si Eunice.....At simula sa oras na ito kahit kailanman ay hindi na ito magiging sa kanya...Kung mali man ang pakawalan ang taong tunay mong minamahal mas mali siguro ang manakit ng taong tunay na nagmamahal sayo..

Buti na lang ay may naghihintay sa kanyang driver sa may grahe para ihatid sya pauwi ibinilin ito ni Divna dahil alam nyang magkakalasingan ...

Nang makasakay na sya sa kotse doon na bumuhos ang kanyang emosyon....doon na rin nya inilabas ang lahat ng sakit na kanina pa nakakulong sa kanyang puso pakiramdam nya ay wala na itong katapusan....

"Tama lang na pakawalan natin ang isa't isa Patrick....At tangapin na imposible sa atin ang lahat kahit gaano kasakit kahit gaano kalalim ang sugat kung handa akong tiisin sa ikakatahimik lang ng lahat"bulong ng kanyang isipan..

Magiging tahimik nga ba ang lahat matapos ang maraming bagay na natuklasan o lalo pang magiging komplikado ang sitwasyon ng bawat isa dahil sa mga nalaman....

Biglang sumagi sa isipan ni Patrick ang nangyari kanina ang mga bagay na sinabi ni Derek...

"Sino ang tinutukoy nitong Abby?"dahil sa bilis ng kaganapan kanina hindi na naiopen up ni Patrick ang tungkol dito.....Biglang bumilis ang tibok ng puso nya sa pagiisip na nagkaanak si Eunice kay Derek.."imposible"bulong ng kanyang isipan dahil alam nya at sigurado sya na mahal sya ni Eunice at imposibleng pumayag ito na magkaroon ng anak kay Derek....

Mabilis rin na nakarating si Eunice sa kanyang bahay pagod na pagod na ang buo nyang katawan pero tila hindi napapagod ang kanyang puso...Patuloy pa rin ito sa pagiyak......ramdam na ramdam pa rin nito ang lahat ng sakit......

Kusa na rin siguro sumuko ang katawan ni Eunice kaya nakatulog na rin ito.......

Kinabukasan maaga rin sya nagising sana panaghinip na lang ang nangyari kagabi sa isip isip nya pero ng biglang bumalik ulit sa kanyang alaala ang lahat ysaka sya natauhan na totoo ang lahat ng naganap..Ngayon iba na ang buhay na kanyang haharapin sigurado sya na marami ang mababago matapos ang nangyari kagabi....Bigla nyang naisip si Derek kung paano nito madadala ang lahat ng sakit na dinulot nya.....

Nagulat na lamang sya sa biglang pagring ng kanyang cp sa pagaakala na si Derek ang tumatawag sa kanya...SABRINA ang nakaregister sa phone kaagad nya pinindot ang answer key..

'Hello..Eunice..What time ka nasa clinic?Diba ngayon ang labas ng results?"tanong ni sab mula sa kabilang linya,,Bigla syang nanibago sa tono ni Sab..Napakamalumanay na ng boses nito unlike dati na parang galit ito sa mundo everytime nagkakausap sila..

'Ah oo nga pala....Nagreready na ako siguro na clinic ako one hour from now'tugon ni Sab..Nawala sa isip nya ang tungkol dito sa dami na siguro ng laman ng kanyang isip wala na mapaglagyan ang iba....

'Sige,,,See you there"

nagready na rin sya papuntang clinic ...Tinext na rin sya ni Rizza na dumating na ang results...

"Sige Ma..Ill go ahead...kayo na bahala kay Abby huh"bilin nito sa ina....

"ok hija....magiingat ka huh"

"Be a good girl huh..Wag mo masyado pahirapan sina lola at yaya"bilin di nya sa anak sabay halik dito..

'Yes mom"tugon ng bata sa ina....

Kumakaway pa si Eunice sa kanyang anak ng pasakay na ito ng kotse bigla ulit nya naisip yung nangyari kagabi......Ang pagbangit ni Derek tungkol kay Abby..Bakit walang naitanong si Patrick sa kanya tungkol dito...

Siguro nawala na rin sa isipan nito kagabi dahil sa bilis ng pangyayari at sa dami ng natuklasan pero hindi rin dapat sya ma kampante baka maaalala ni Patrick ang tungkol dito at tsaka sya tanungin....Hindi nya alam kung anong isasagot nya,,,,Na sya ang ama ni Abby...."NO!!"sigaw ng isipan nya lalo lang magugulo ang lahat....At doon ay naisip nya si Sab at ang magiging resulta na malalaman mamaya maya.... Paano kung wala na talagang pag asa na magkaanak si Sabrina..

"Ano na naman iniisip mo Eunice,,,,,Aasa ka na magiging happy ending kayo ni Patrick dahil alam mong may posibility na iwanan nya si Sabrina once malaman nito na hindi sya kaya nito bigyan ng anak"Sigaw ng kanyang isipan.....

Nakarating na rin si Eunice sa clinic........dumeretso na sya sa kanyang opisina napaaga pa sya ng 15mins sa usapan nila ni Sabrina....

"Pasok"ng marinig nya ang pagkatok sa pinto..Si Rizza ang bumungad sa kanya dala dala ang isang folder na panigurado nya na naglalaman ng resulta,,

Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso ng iabot ni Rizza ang folder,,,,,,, Kailangan na nya itong buksan at malaman ang resulta may mga kailangan pa kasi syang i finalize dito..

Hindi nya alam kung anong mararamdaman matapos basahin ang results.....Naramdaman na lamang nya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata......

May biglang kumatok ulit sa kanyang pinto at nagmamadali nyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.....Si Rizza.....

"Mam nandyan na po si Ms.Sabrina"sabi ni Rizza..

Huminga muna sya ng maluwag.......Hindi sya pwedeng magpahalata na naapektuhan sya..

"Let her in,,Rizza"utos nito sa sekretarya..

Ilang saglit pa lang ang pumasok na si Sabrina.....

"Ano Eunice...anong resulta?magkakaanak pa ba ako"sunod sunod na tanong nya sa Doktora...

"Maupo ka muna Sabrina....."

"I cant wait to hear the results"at doon naupo na si Sabrina sa harap ni Eunice..

" I have a good news for you tama ang desisyon mo to asked for a second opinion and according sa ginawa kong series of test theres a 95% possibilities na magkaanak ka.....yung about sa nadiscover kong konting problem it can be treated may mga medications lang ako na ipeprescribe sayo and You need a regular check up para ma sure natin na maging okay na ang lahat..."masayang balita ni Eunice kay Sabrina....

Hindi makapagsalita si Sabrina tanging ang luha ng kaligayahan ang nagsasabi kung gaano sya kasaya sa lumabas na resulta......

"Im happy for you Sabrina,,,,I know you deserve it....And Im sure magiging mabuti kang ina sa magiging anak nyo ni Patrick"lumapit na si Eunice kay Sabrina,,,Hindi man ito magsalita ramdam na ramdam ni Eunice ang kaligayahan nito..

Iaabot na sana ni Eunice ang kanyang kamay ng nagulat sa na bigla syang niyakap ni Sabrina..

"Thank you very much Eunice,,,Utang ko sayo ang kaligayahan na ito,,,,,At ang magiging dahilan para mabuhay kami ni Patrick na masaya na buo ang pamilya"sambit ni Sabrina kay Eunice...

Wait for my next update..

THE WEDDING>>>>>>>>>>

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon