Chapter 55

1.7K 6 3
                                    

Dumeretso na sa kanyang kwarto si Eunice at dumapa sa kanyang kama..gusto nyang sumigaw at pakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman ng kanyang puso pero tila naubos na yata ang kanyang lakas ..Wala ng lumabas na kahit ano mula sa kanyang bibig....tila ubos na rin ang luha sa kanyang mga mata....pagod na pagod na sya sa lahat ng nangyayari sa kanya...napakasama ba nyang tao para pagdaanan ang lahat ng ito...aang ganitong klaseng sakit ang ganitong klaseng pagsubok sa kanyang buhay...

Tuluyan na ngang napapikit ang kanyang mga mata na sana sa pag gising nya panaghinip lamang ang lahat.....

Hindi pa rin dalawin ng antok si Patrick buhay na buhay pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kanina....Kung paano nya nakikita na nasasaktan si Eunice pero wala syang magawa hindi nya ito magawang protektahan..."Patawarin mo ako Eunice,,na hindi ko kayang punan ang sakit na nararamdaman mo"bulong ng kanyang isipan.......Hindi nya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Derek..hindi nya alam kung hanggang saan aabot ang galit nito sa kanila ni Eunice...

Kinaumagahan gumising si Eunice na ang biglang pumasok sa isipan nya ay ang nangyari kagabi totoo ang lahat na sana ay panaghinip lang nya naramdaman na naman nya ang pagkirot na kanyang puso....Pero hindi sya kailangan magpatalo kailangan nya harapin ang buhay gaano man kasakit ang dulot nito sa kanya....

Pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na ito kay Abby at sa kanyang Mama....papasok na sya sa clinic doon na lamang nya itutuon ang kanyang atensyon at sa kanyang anak....Pilit na lamang nya babalewalain ang kanyang personal na pinagdaraanan,,,,kung ganon lang kadali masanay sa sakit dulot ng pagmamahal sana mangyari na yon sa kanya...pero bakit hindi nagbabago ang sakit lalo pa itong lumalalim....

Habang nagaalmusal sa mansion ng mga Eusebio.....

"Gusto ko sana magkaroon ng engagement party this Saturday para sa amin ni Eunice"sabi ni Derek....

"Is it too fast kakapropose mo lang kay Eunice right.."si Divina ang unang nagsalita..

'Mom,,I just want the whole wide world to know that me and Eunice were getting married soon ayoko ko na magaksaya ng panahon...But before that mamanhikan muna tayo sa Mama ni Eunice"nakangiting tugon ni Derek

"Sige anak mamanhikan na tayo kina Eunice kung yon ang gusto mo"

"Bro ayoko mawala kayo ni Sab sa pamamnhikan ko kina Eunice huh.....Aasahan ko na susuportahan nyo ako sa bagay na ito"sambit ni Derek na nakatingin sa kapatid ....hindi naman sya magawang tingnan nito pero kitang kita naman ni Derek sa  mukha ng kapatid na hindi nito nagustuhan ang kanyang binalita...

"Oo naman Derek..We're family sino pa ba ang susuporta sa isat isa"si Sabrina na ang nagsalita...

"Ok ...the the day before the engagement party...i will send out my invitations to our close friends and relatives..Mom kayo na po bahala sa iba pang kamag anak natin huh pati na rin yung sa side ng papa..I just want a big celebration for this..And tomorrow night na tayo mamanhikan kina Eunice wag nyo kakalimutan gusto ko kasama kayong lahat especially ikaw Tol"

"Sure Bro..kung yon ang ikakaligaya mo eh"sagot ni Patrick na may pilit na ngiti sa kanyang labi..

Pero ang ikinababahala nito na baka matuklasan ng kanyang mama at ni Sabrina ang tungkol kay Abby.....Kailangan malaman ni Eunice ang lahat ng ito para naman makapaghanda ito sa isip isip nya......

Pero kailangan din nyang makausap si Derek..Kaya matapos ang agahan ng masigurong sila na lamang ang nandoon dahil umalis saglit ang kanyang mama at si Sabrina ay nagpaalam na may pupuntahan lang saglit...

"Derek"tawag ni Patrick palabas na sana ang kapatid.....

"Bakit?"

"Alam mo ba ang pinagagawa mo?"

forever in my heartWhere stories live. Discover now