Chapter 26

2.1K 4 0
                                    

Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ni Eunice dahil sa muling paghaharap nila ni Patrick.. Bakit hindi nya maconvince ang sarili na ok na kay Patrick ang lahat bakit ramdam pa rin ni Eunice na parang dala dala pa rin ni Patrick ang nangyari sa nakaraan...

Hindi nya muna inisip ang mga bagay na yun ang importante ngayon ay malaman nya ang kalagayan ni Derek....Pakatok pa lamang sya ng bumukas ang pinto si Divina ang papalabas ng kwarto.

" Good evening po tita..."bati ng dalaga

" Good evening din hija....."tugon ng ginang

Napansin ni Eunice ang ibang pakikitungo sa kanya ni Divina....Hindi man lang ito ngumiti ng batiin sya gaya ng dati na napaka aliwalas ng aura nito ngayon ay parang may malaking problema itong dinadala.....

" kamusta po si Derek?"tanong nya...

" Ok naman sya..simpleng lagnat lang naman..."sagot ni Eloisa..

"Mabuti naman po..Pwede ko po ba sya makausap?"

" Sige.....ikaw na muna bahala sa kanya"at doon ay umalis na si Divina..

Pumasok si Eunice sa kuwarto ng kasintahan naabutan nya si Derek na nanunuod ng TV.....na naksandal sa headboard ng kama..Mukhang ok nman ito...

"Eunice..What are you doing here?"pagtatakang tanong ng binata na mabungaran sya sa may pintuan...

Ayaw nya talagang ipaalam kay Eunice na may sakit sya ayaw nya kasi itong maabala simpleng lagnat lang nman at pananakit ng ulo ang nangyari sa kanya

"Masama bang dalawin ka?Hindi ka kasi sumasagot sa text at tawag ko syempre nagaalala ako sayo...Kaya tumawag ako dito at sinabi sakin ni Patrick na may sakit ka daw kaya dumeretso na ako dito to know if your'e ok....."

"Nagkausap kayo ni Patrick?"hindi maiwasan ni Derek ang mangamba alam naman nya ang naging ugnayan ng dalawa.....syempre kahit paano ay nakakaramdam pa rin sya ng insecurities sa kapatid..

"Sya ang nakasagot ng tawag ko eh......"

"Ok.....Pasensya ka na huh..ayaw ko lang namn maabala ka.....Ok naman na ako....."

Lumapit na si Eunice sa kasintahan........At may inabot itong maliit na kahon......

"Happy birthday...Im sorry about yesterday hindi ko sinasadyang makalimutan...sobrang dami lang kasi akong iniisip...."

"shhhh..I understand Eunice.....Hindi pa naman ako ganun ka sensitive eh...Alam ko namn ang line ng work mo very unpredictable ng oras...."malambing na tugon ni Derek sabay abot sa kahon na inabot ni Eunice....

Ngiti lamang ang tinugon ni Eunice.....Bakit ganoon na lang ipinaparamdam ni Derek kung gaano sya nito kamahal lalo tuloy sya naguiguilty ... Lalo tuloy nyang binibigyan ng dahilan ang sarili nya na pagaralan na mahalin ang binata......Pero bakit kahit anong piga at pilit ng kanyang puso blangko pa rin ang nararamdaman nya para dito.........

Mahigit isang oras ding nanatili si Eunice sa piling ni Derek......At nagpaalam na ito

"Paano Ill go ahead....Medyo late na rin...Magpahinga kang mabuti huh....take a lots of fluids"bilin nya sa may sakit na kasintahan.....

"Opo Mam.....Para sayo magpapalakas ako....Ikaw lang namn ang gamot ko eh.....'nakangiting tugon ni Derek sa dalaga.....At kinuha nito ang kamay ni Eunice at dahan dahang hinalikan...

"Ikaw talaga.........basta sundin mo bilin ko huh....."iniba na ni Eunice ang usapan hindi nya kasi alam ang isasagot sa huling sinabi ni Derek....Ayaw namn nya dagdagan pa ang pagpapaniwala dito na mahal nya ito......kaya mas mabuti ay hindi na lamang sya tumugon....

Palabas na sya ng pinto..

" I love you ...."pahabol ni Derek......

Napangiti na lamang ulit sya.....Bakit hindi nya magawang bigkasin ang salitang i love you too kahit man lamang pagpapangap.......Ang hirap para sa kanya bitawan ang salitang yun.....

"Eunice,,,alam kong hindi mo ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal na ipinaparamdam ko sayo.......pero sapat na sakin na nandyan ka at si Abby......Hindi ako bibitaw sa pagmamahal ko sayo Eunice....Mamahalin kita hanggang sa kaya kong ibigay....."sigaw ng isipan ni Derek....

Sinasadya nyang bilisan ang kanyang paglalakad gusto na nyang iwasan na makita sya ni Patrick...Pero bakit parang sinasadya ang lahat ng matanaw nya ang binata sa na nagswiswimmimg...at bigla naman na parang na magnet ang kanyang paa sa kinatatayuan....biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso....ng magaabot ang kanilang paningin ni Patrick......Gusto na nyang tumakbo papalayo pero bakit hindi nya magawa.......bakit ganoon na lamang makatitig si Patrick tagos tagos hanggang kaluluwa nya.....at bakit hindi nya magawang iwasan ang tingin nito.....para silang na engkanto....

" Do you still love my son?"boses mula sa likuran......mula ito kay Divina..

Tsaka lamang sya natauhan........parang tuluyan ng mauubos ang kanyang lakas.....Anong isasagot nya sa ginang .... kahit sigurado sya sa sarili nya na  hanggang nagyon ay mahal nya pa ri si Patrick

" Alam ko na lahat Eunice......Na minahal mo si Patrick nung panahon na nagpapangap ka na si Lorraine.....Hindi kita masisisi tao ka lang na may nararamdaman...Pero iba na ngayon...Iba na ang buahy na kinakaharap nyo...Si Derek na tunay na nagmamahal sayo bakit hindi na lamang sya ang mahalin mo....Marami ng beses sayo na naprove ni Derek how much he loves you..."

"Alam ko po yun tita,hindi ko po sasaktan si Derek....Kung ano man po ang nararamdaman ko kay Patrick matagal ko na pong ibinaon yun....Totoo pong minahal ko sya pero napakalaking pagkakamali na naramdaman ko yun....kaya po hindi ko na po pwedeng ibalik ang pagkakamaling yun.....'"

" Eunice hija.....pwede mo lokohin ang lahat ng tao pero hindi ang sarili mo,,,ayaw kong pangunahan ang lahat ang sakin lang ay sa pagkakataon na ito ay magpakatotoo ka lang tama na isang beses ng pagsisinungaling at pagpapangap dahil baka bandang huli kahit sarili mo hindi mo na makilala dahil punong puno na ito nang pagpapangap at pagkukunwari.......kaya sana maging totoo ka lang lalo na sa tunay mong nararamdaman para hindi lahat ay masasaktan"

" Kung hindi ko man po magawang mahalin si Derek alam ko na matutunan ko rin pong mahalin sya......."

"Tama nga ang iniisip ni Derek na hindi mo sya mahal pero dahil sa sobrang pagmamahal nya sayo wala na syang pakealam ang importante lang sa kanya ay nandyan ka at tangapin ang pagmamahal nya kahit hindi mo ito kayang suklian...bulag lang si Derek sa pagmamahal nya sayo...Eunice alam mo namang hindi ka na iba sakin napakalaki ng utang na loob ko sayo pero ina ako na ang tanging gusto ay ang ikakaligaya ng aking mga anak.....pero nagyon pa lang alam ko na pasakit na ang ibibigay mo kay Derek sa pagpipilit sa sarili mo na mahalin sya kahit alam mong imposible dahil tanging iisa lamang ang nagmamayari ng puso aminin mo man o hindi Eunice si Patrick pa rin ang mahal mo"

Tumutulo na ang luha ni Eunice dahil ba may katotohanan ang mga sinabi ni Divina..Naiintindihan nya ang Ginang alam nya na doble ang sakit ang nararamdaman ng ina once nasasaktan ang anak....

Walang lumabas na salita mula sa kanyang bibig..blangko ang kanyang isip at sa pagkakataon na ito hindi na nya maitago sa ginang ang nararamdaman...

'Hindi mo na pwedeng ipagkaila sakin ang totoo kitang kita ko na sa mga mata mo ang totoo Eunice"

"Im sorry po...."nanginginig na sagot ni Eunice.....

Kaagad namn syang niyakap ni Divina.."wala kang kasalanan sa akin Eunice,,,tanging sa sarili mo lang ikaw magkakasala kung ipapagpatuloy mo pa ito"

Tumakbo na ng palayo sI Eunice ng makitang papalapit na si Patrick...Dala dala nya lahat ng sakit na parang ikakasabog ng kanyang puso.......hindi na nya pwedeng itago ang tunay na nararamdaman kahit mismo si Derek ramdam pa rin nito na si Patrick pa ri ang mahal nya,,,,,dagdag mo pa dito si Divina...Gusto na nyang maglaho para matakasan ang lahat ng ito.....

Napaka unfair ng mundo para sa kanya......

~done

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon