Chapter 49

1.8K 7 2
                                    

Halos isang taon na nga ang lumipas pero nasa puso pa rin ni Derek ang sugat ng nakaraan....Lumayo sya para siguraduhin na sa pagbabalik nya ay handa na syang harapin ang lahat ng buong tapang.....Minahal nya ng higit pa sa kanyang sarili si Eunice ng ang buong akala nya ay hindi mapapagod ang puso nya na masaktan dahil sa pagmamahal nya dito....Pero tama pala na kapag sobra ka na palang nasaktan bandang huli ay mauuwi ito sa galit at tuluyan ng mamanhid ang iyong puso.....Ngayon buo na ang kanyang plano ang balikan si Eunice sa pagkakataon na hindi nito inaasahan at iparamdam dito ang lahat ng sakit na binigay nito sa kanya.......At kung paano nya guguluhin ang buhay ng kanyang kapatid....Sigurado sya na aayon sa kanya ang pagkakataon.....

Ilang araw na lamang mananatili si Eunice sa clinic kailangan nyang ayusin ang lahat bago sya umalis patungong ibang bansa.......Importante sa kanya ang clinic na ito  pero mas importante ang ikakatahimik ng buhay nilang magina....

Pasakay na sya ng kotse ng makita nya si Patrick na naghihintay sa kanya sa hindi kalayuan kung saan naka parada ang kotse nya...Kaagad nyang binuksan ang pinto ng sasakyan pero naging mas mabilis si Patrick na pigilan sya,,,

"Eunice,kailangan kitang makausap?"

Tama kailangan na rin nila magusap ni Patrick alam nyang hindi sya titigilan nito hindi naman pwede na lagi nya itong iiwasan.....sumakay na sya sa kotse nito....

Walang nagsasalita sa loob ng kotse,,,hindi naman kasi alam ni Eunice kung saan magsisimula...Sinimulang paandarin ni Patrick ang kanyang sasakyan....

"Saan tayo pupunta?pwede naman tayong magusap ng nakitigil ang sasakyan...?"Takang tanong ni Eunice..

"Marami tayong paguusapan ....."matipid na tugon ni Patrick....

"Ano pa ba ang gusto mong marinig huh..."

"Mamaya tayo magusap Eunice....ayokong makipagusap habang nagdidrive,,,,"

Familiar kay Eunice ang daan kinakabahan sya at sigurado sya kung saan sya dadalhin ni Patrick....Sa resort sa Batangas.....Gusto nyang bumaba ng kotse pero bakit may kung anong bagay ay pumipigil sa kanya....Bakit babalik na naman sila dito?natatandaan nya noong huli nilang punta ay kapwa nila pinakawalaan ang pagibig sa isat isa....

"Patrick,ano na naman ba ginagawa natin dito huh?"

Hindi tumugon si Patrick....hinawakan sya nito sa kamay....at dinala papasok sa loob ng rest house....Pilit syang kumakawala sa pagkakahawak dito....pero mahigpit ang kapit nito sa kanya hanggang nakapasok na sila ng rest house...Wala pa ring pinagbago ang kabuuan ng bahay kahit saang sulok nya ito tingnan punong puno ito ng masasayang alaala....Napaluha sya ng maalala ang lahat ...ang umpisa kung saan una nyang naramdaman ang pagmamahal nya kay Patrick..

"Eunice....Hindi ko kayang mawala ka......ang buong akala ko kaya kong pakawalan ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo na sa isang taon na kasama ko si Sabrina ang akala ko mabubura ka sa isip at puso ko.......mahal na mahal kita at sa pagkakataon na ito hindi ko hahayaang mawala ka"

"Naririnig mo ba kung anong sinasabi mo Patrick o talagang ganyan ka na ka selfish....Hindi lang tayo ang tao sa mundo...naisip mo ba yung pamilya mo,,,naisip mo ba ang mararamdaman ni Sabrina....Lalayo ako para sa ikakabuti ng lahat lalong lalo na ng anak ko....Hindi na tayo pwede Patrick alam mo yon dati pa....kahit gaano man natin kamahal ang isat isa imposible na sa atin ang lahat...Tama ng nasaktan natin si Derek dahil sa pagmamahal dito sana naman wala ng masaktan pa"

Lumapit na si Patrick sa kanya halos isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mukha....Hinawakan nya ang pisngi ni Eunice....tinitigan nya ang mga mata nito...."kaya mo ba talaga akong iwanan huh.....Kaya mo ba talagang lumayo at hindi na ako makita habang buhay..."mahinang sabi ni Patrick....

forever in my heartWhere stories live. Discover now