Chapter 33

2K 6 1
                                    

Nagtatalo pa rin si Derek at Eunice nagpupumilit na ang dalaga na ihatid sya nito ....

Hindi pumayag si Derek..Kailangan masaksihan ni Eunice ang mangyayari ngayong gabi  kaya kaagad nya itong hinawakan sa kamay at hinila para lumabas..Mahigpit ang pagkakahawak ni Derek gusto nyang kumawala pero mauubusan lamang sya ng lakas...Kaya naging sunod sunuran na lamang sya dito...

" Hindi na ako magpupumilit na umalis Derek...Pero please wag mo namn akong hilahin na parang tuta..Nasasaktan na ako eh "reklamo ng dalaga......kaagad naman bumitaw si Derek..

Hindi na ito muling nagsalita.....Hindi na nga umalis ang dalaga kahit inis na inis na sya pinilit pa rin nya mag stay ayaw na man nya gumawa ng eksena sa party....Party na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya alam kung para saan....

Tumayo ang dalawa sa may harapan ng stage....Naabutan nila si Divina sa may entablado na may hawak ng mikropono..

"First of all I just want to thank my two sons Patrick and Derek for putting this party to celebrate my Birthday...I didnt expect na ganitong kalaki ang handaan na ibibigay nila sakin Im just expecting a simple dinner na palagi naming ginagawa...Masaya ako sa time and effort na binigay ng dalawa kong anak for this...And second I want to thank all of you for coming to celebrate my special day...And sa presence ng future daughter in law ko na si Sabrina na next month ay magiging official part na ng aming family as wife of my eldest son Patrick...'

BOOOM!!!parang pinasabugan ng granada ang puso ni Eunice gusto na nyang tumakbo papalayo kailangan ba ganito pa isampal sa mukha nya ang sakit....

Doon ay napatingin sya kay Patrick kasama nito si Sabrina.....Napansin ni Derek ang  lihim na pagsulyap ni Eunice sa kapatid,,,At kitang kita nya sa itsura ni Eunice na nasasaktan ito sa mga sinabi ng kanyang mama....Mas doble yata ang sakit na nararamdaman nya lalo nat nahuhuli nya ang paminsan minsan na pagaabot ng tingin ni Patrick at Eunice.

"Thank you also to Eunice for coming into Derek's life.....You brought so much happiness to him..Ngayon ko lang nakita sa mga mata ng anak ko simula ng dumating ka sa buhay nya..Marami man tayong pinagdaanan in the past alam ko na ngayon ay pare pareho na tayong nakapag move on..And now were all happy and contended with our life..Patrick with his future wife and Derek with Eunice....Ang kasiyahan nyo lang mga anak ko ang makakapag pasaya din sakin..Sana patuloy kayong magmahalan"dagdag pa ng ginang..

Sinasadya ba ni Divina na pasakitan sya dahil alam naman nito kung sino talaga ang nilalaman ng kanyang puso...Para na syang preso na walang magawa kundi makulong sa isang katotohanan na kahit kailan ay hindi na sya pwedeng makawala pa....Gusto na nyang lumubog sa kinatatayuan pigil na pigil ang kanyang mga luha parang ilang sandali na lamang ay sasabog na ang kanyang dibdib....

"Excuse me..."paalam nya kay Derek...Nakita namn ni Derek na dumeretso ito sa loob ng kanilang bahay...Panigurado nito dideretso ito sa CR para pakawalan ang sakit na nararamdaman...Kanina pa nya pinagmamasdan si Eunice alam nyang sobra na itong nasasaktan...

"Im sorry Eunice...ito lang ang way ko para magtauhan ka na sa kabaliwan mo kay Patrick...."bulong ng kanyang isipan....Kailangan nya itong gawin baka sakali na sa sobrang sakit na maramdaman ni Eunice ay tuluyan ng mamanhid ang puso nito at hindi na makaramdam ng pagmamahal kay Patrick....

Kitang kita din ni Derek na sinundan ng tingin ni Patrick ang kasintahan..."Hayop ka Patrick...tigilan mo na si Eunice....Kahit kailan hindi sya magiging sayo,,,Kaya pareho lang tayo magdusa ikaw sa kapiling ang babaeng hindi mo mahal at ako kasama ang babaeng hindi ako mamahalin...Pero hindi ako kailanman magpapaubaya sayo......"sigaw na isipan ni Derek..

Sa loob na ng CR kumawala ang sakit na nararamdaman ng dalaga..feeling nya wala ng paglagyan ang puso nya ng lahat ng sakit.....Umaapaw na ito sa sobrang sakit na nararamdaman.Tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang luha..

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon