Chapter 72

1.5K 7 0
                                    

"By the way kung gusto nyo mamasyal,,,maraming magagandang tanawin  dito...Diba Sabrina..?"alok ni Lucas sa kanila ng matapos silang kumain.....

Biglang napatingin si Sabrina kay Lucas......At napa OO na lang ito......" By the way nakausap ko na ang papa sinabi ko na nandito tayo sa Sta. Elena....Kaya mamaya uuwi na rin tayo Patrick...."sabay tingin nya sa asawa..

"HuH....Hindi kayo dito sa bahay tutuloy...Pinaghanda ko pa naman kayo ng matutulugan"

"Hindi na Lucas...Minsan lang naman kasi din ako lumuwas dito syempre gusto ko nman kahit paano makasama ang papa..Salamat na lang"tugon ni Sabrina na halos hindi makatingin ng deretso kay Lucas..

"Sabrina,,maiintindihan naman siguro ni papa kung dito tayo magstastay kay Lucas tutal sya naman ang naginvite satin dito....Dadalaw naman tayo kay Papa...."sabad ni Patrick..

"Oo nga naman sinabi ko pa naman kina Mama at Papa na dito kayo sa bahay magstastay..."malungkot na sambit ni Lucas..

Alam ni Eunice na sinasadya ni Patrick ang lahat na magkasama sama sila sa iisang bahay tatlo para mas may mapatunayan sya tungkol sa namamagitan kina Sabrina at Lucas.....Nahalata din naman ni Eunice ang pagiwas ng tingin ni Sab kay Lucas sa twing magaabot ang kanilang mga mata...

Walang kaalam alam si Sabrina sa tunay na intensyon ni Patrick at Eunice yun ay mapatunayan na may affair nga sila ni Lucas Sta. Maria....

Wala ring nagawa si Sabrina si Patrick din ang nasunod...Itinuro na ni Lucas ang lugar kung saan ang kanilang kwarto....Isang malaking guest room para kina Patrick at Sabrina....At isa naman maliit pero komportableng kwarto para kay Eunice sa tapat kung nasaan ang kwarto ng magasawa..

"Pasensya na Eunice kung medyo maliit yung kwarto huh"sabi ni Lucas ng ihatid sya nito sa silid..

"Ano ka ba Lucas?ayos lang to noh..magisa lang naman ako....tsaka tingnan mo naman ang ganda ng view tanaw tanaw ko ang buong hacienda nyo....Hmmm..at ang presko pa ng hangin"sabay langhap nya ng sariwang hangin galing sa labas.....

"Sariwa talaga ang hangin dito sa hacienda lalo na kung nasa labas ka pa...mas lalo mong malalanghap kung gaano ka fresh ang hangin dito"

"Sige...mamaya konti maglalakad lakad ako...."

"Sabihin mo lang para may makasama ka naman"

Ngumiti lang si Eunice....Kung tititngnan naman nya si Lucas ay mabait naman ito at magalang....kaya magdadalawang isip ka na magagawa nitong makipagrelasyon sa babaeng may asawa....

Hindi pa sapat ang lahat ng nakita nya sa bar kung saan nahuli nyang naghahalikan ang dalawa mas may gusto pa syang patunayan...Hindi nya alam kung bakit nya ito ginagawa pero yun ang iniuutos ng kanyang puso....Pero paano kung dumating ang araw na nalaman ni Sabrina ang tungkol sa kanila ni Patrick na mas matagal na syang niloloko ng mga ito..kaya ba nya itong harapin.......

Nahiga si Eunice sa kama sa pinikit ang kanyang mga mata.......Hanggang sa tuluyan na syang nahimbing.....

" Patrick ...Bakit ka naman pumayag na dito tayo magstay ang laki laki ng bahay namin......."

"Dahil sya ang nagimbita satin dito at kung ano man ang gustuhin nya wala namang masama kung susundi natin diba?and what's wrong bibisita naman tayo kay papa.....May problema ba na parang iniiwasan mo na magstay tayo dito"

"Wala namang problema..."hindi na natapos ang sasabihin ni Sabrina ng magsalita ang asawa

"Oh wala naman palang problema ..."at doon natapos ang usapan ng dalawa ng lumabas ng kwarto si Patrick......

"Damn it!!!!ano ba talaga ang gusto mo Lucas?"sigaw ni Sabrina ng makalabas na ng kwarto ang asawa....

Hindi rin nagtagal ay nagising na rin si Eunice,,,,medyo maliwanag pa sa labas ng tingnan nya ito sa bintana.....Lalabas muna sya para maglakad lakad.....

forever in my heartWhere stories live. Discover now