Chapter Forty-Seven

27.2K 369 35
                                    

A/N: Unedited po ito. Pasensya na.

=================================

Kinaladkad ako ng mga bodyguard ni Rage papunta sa companya nila sa NY. Ayaw kong sumama kaya pilitan nila akong isinama roon. Narating namin ang 72nd floor ng companya.

Binuksan nila ang pinto ng CEO office.

Kinakabahan ako at the same time galit ang nararamdaman ko.

Agad nila akong pinapasok doon at umalis na sila saka isinarado ang pinto. May malaking sofa, T.V, isang table, at isang conference table malapit sa nasa loob ng sliding door.

Humarap sa ‘kin  ang nakaupo sa table. It was Rage Mondragon. My fist clenched. Ang walanghiya!

“Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko?!” Sigaw ko na siyang umalingawngaw sa buong opisina nito.

Iniabot niya sa ‘kin ang isang folder. “Ano yan?” Tanong ko.

“Look for it.” Aniya sa seryosong  boses. Nanginginig ang mga kamay ko ng kinuha iyon. Binuksan ko at nanlaki ang mga mata ko. I-It was a DNA Test. At Positive ang nakalagay doon. Pakiramdam ko ay guguho na ko.Nabitawan ko ang givenchy kong bag.

“R-Rage...” Sabi ko sa nagmamakaawang boses.

Ngumiti siya sa ‘kin. Pero ibang ngiti. Yung ngiting kakaiba. Parang may sarcasm.

“Kukunin ko ang anak ko at hindi ko siya ipapakita sa ‘yo.” Napaluhod na ko ng tuluyan. Tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak sa ‘king pisngi. “No... Rage please. Maawa ka sa ‘kin. W-Wala ng meron ako. Anak ko nalang. Please... Siya na lang ang meron ako. ‘Wag mo naman siyang kunin sa ‘kin. Iniwan mo ko noon. Pero dahil sa kanya... Nakayanan ko. Please, Rage? Maawa ka...” Pahikbi-hikbi kong sabi.

Agad niya kong nilapitan at niyakap. “Hush. Hush, baby. Please, don’t cry. Don’t cry.” Aniya. Then he kissed my forehead.

Agad akong humiwalay sa yakap niya. “Rage, maawa ka sa ‘kin.” Sabi ko saka ako tumayo.

“Alam ko na marami kang magagaling na abogado. Kayang-kaya mong kunin ang anak ko by hook or by crook. Pero please... H’wag naman...” Nanginginig kong sabi.

“On one condition,” Nabuhayan ako sa pagpayag niya. “You will stay at my house. With our son... and do the wifely duties.”

Halos gumuho ako sa kinatatayuan ko ng sinabi niya yon. Naalala ko ang mga pangyayaring masasakit na sinabi niya sa ‘kin. Tapos ito ang igaganti niya? It’s so unfair.

“What?! Sinaktan mo ko. Tinaboy mo na ko noon. Bakit kailangan mo pa tong gawin sa ‘kin?” Maluha-luha kong sabi dahil sa galit.

“Because I love you. And I want you back...”  Halos mapatawa ako dahil sa galit sa sinabi niya. Lumang linya na yan. Hindi na papatok.

“Ilang beses mo na bang sinabi ang mga katagang yan, Rage? H’wag mo na kong lokohin. Dahil hindi naman ako maniniwala sa ‘yo kahit ilang beses mo pang sabihin yan.” Sabi ko. Totoo naman, e. Ilang beses na ba niyang nasabi yan sa kin noon? Hindi na uso ang linyang yon. Nakakagalit lang.

“Rage, pa’no kung ayoko?” Tanong ko sa kanya. His jaw clenched. “Simple. Hindi mo na makikita ang  anak natin kahit kailan.”

Pero dahil mahal ko ang anak ko, papayag ako sa kondisyon niya. Kahit labag sa puso’t-isip ko.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil flight namin mamaya pabalik ng pilipinas. Humagalpak ng tawa si Adrian ng sinabi ko ang buong detalye ng usapan namin ng hayop na yon. Boto daw siya kay Rage aniya. E masahol pa sa hayop ang sama ng ugali niya.

Hindi ko pa nasasabi kay Dylan ang totoo.

Pinaliguan ko na ang anak ko at binihisan. “I need to tell you something, sweetheart.” Sabi ko sakanya. Hindi parin niya alam ang flight namin mamaya pabalik ng Pilipinas.

“What is it, mom?” Masaya niyang sambit.

Agad may bumusinang sasakyan sa labas. It was Rage. Mabuti ng siya nalang ang magsabi kahit labag sa puso’t-isip ko.

“Hey, sir Rage!” Aniya sa bagong dating na si hayop saka nagsalute dito. Agad siyang lumapit doon at nagpayakap. Kinarga naman siya ng tatay niya.

Si Adrian ay tuwang-tuwa. Matagal na niyang gustong mangyari ito.

“Okay. So, baby. About what I said earlier...” Sabi ko sakanya. Bumaba naman siya kay Rage at lumapit sa ‘kin.

“Yes, mom?” Sambit niya sa masiglang boses.

“You don’t need to call Adrian a ‘daddy’.” Sabi ko. Alam narin ni Rage ang tungkol kay Adrian. Nakahinga naman ng maluwag si Adrian. Pero ang bata maluluha na.

“W-Why?” Anang anak ko.

“Because... Rage is y-you’re real dad.” Sabi ko. Nakita kong sumama ang hitsura niya. “Mom, your joking right?” Aniya. “No, baby. It’s true.”

Agad niyang binitawan ang pagkapit sa kamay ko. “Why didn’t you tell me before?” Nagtatampo niyang sambit. “Because—“

“Mom! You lied to me! You said that my real Dad is dead before you gave birth to me... I hate you, mom.” Aniya saka siya tumakbo palayo.

“Dylan!” Sabi ko. Tumulo ang mga iilang luha sa ‘king pisngi. Nasasaktan ako. Napakagat-labi ako.

Susundan ko na sana siya ng pigilan ako ni Rage. “I’ll get him.” Aniya saka umalis.

“Alam mo, Gab. Masaya talaga ako para sa ‘yo. Pero dapat hayaan mo muna ang anak mong magpahupa ng galit. Bata yon. Maya-maya wala na sakanya yon.” Anito saka tinapik ang ulo ko.

“Masaya ka na niyan dahil hindi ka na tatawaging daddy ni Dylan para makaporma ka na ng libre sa mga babae?” Humagalpak siya ng tawa.

“May Dianne na ko.” Aniya saka kinuha ang cellphone niya. “Check ko lang kung tumawag na sa ‘kin yun, ah?” Saka siya nakangiting lumabas ng bahay habang nakatingin sa phone niya. Psh. Natamaan. Sino kaya ang Dianne na yon? Maganda kaya? I wanna know her. I’m proud for Adrian.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon