Chapter Forty-Four

25K 362 9
                                    

“Hush. Hush. Calm down...” Sabi ni Adrian sa ‘kin habang nakaluhod siya sa floor at hawak ang mga kamay ko. Hindi ko siya pinakinggan at tumayo ako. Kinausap ko ang head sa CCTV ng hotel. “Did you see my son in there?” Turo ko habang iniiscan nila ang mga files ng CCTV.

“Not yet ma’am. But I’m sure we’ll find him.” Aniya ng nakangiti. Hindi ako nagbigay ng reaksyon at umalis sa harapan niya. Ipinihit ko ang pintuan upang makalabas. “Gab! Sa’n ka naman pupunta?”

“Hahanapin ko ang anak ko, Adrian. Hindi ako makakalma hangga’t di ko siya nahahanap.” Wika ko. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. “O sige. Dito nalang ako at papanuorin ko sila sa pag-iiscan sa CCTV. Tatawagan nalang kita pag may balita na.”

I faint a smile. “Salamat.” Sabi ko at tinalikuran na siya.

Umalis ako sa elevator ng marating nito ang ikaapat na palapag ng hotel. Madali kong kinuha ang picture ng anak ko sa ‘king wallet.

“Hey, did you see my son?” Tanong ko sa isang foreigner na lalaki at iniharap ang picture ng anak ko. “No.” Pailing-iling nitong sabi saka ito umalis.

Nagtanong-tanong pa ‘ko pero ni isa sa kanila walang alam kung nasa’n ang anak ko.

Nangilid ang mga luha sa ‘king mga mata. Inumpisahan na naman akong gapangan ng kaba ko. Nakaupo ako sa isang bench sa labas ng Hotel nang magvibrate ang cellphone ko.

“Gab,  nakita na sa CCTV ang anak mo.” Aniya. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko.

“Talaga?!” Masaya kong sambit. “Oo... Pero may kasama siya sa CCTV... and it was Rage.” Napawi ang sayang naramdaman ko. Ginapangan ako ng matinding takot at kaba. “A-Asan daw sila?” Nauutal kong sambit.

“Sa penthouse daw sila ng hotel tumuloy ayon sa CCTV—“

Agad kong pinatay ang cellphone ko at tumuloy sa penthouse ng hotel. Alam kong mga authorized person lang ang pwede do’n pero wala akong pakialam. Kailangan kong makuha ang anak ko. Namuo ang matinding galit sa puso ko ng maalala ko na naman ang mga pangyayari noon... Ah, no. I need to get my son over their. Yun ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.

Agad akong umibis sa elevator ng marating ang palapag ng pent house.

“Ma’am, I’m sorry but—“

Natigilan ang isang babaeng receptionist ng masipat ang LV kong bag. “Sorry, ma’am.” Anito saka ako pinadaan. Porke nakita niyang mamahalin ang bag ko pinadaan na niya ko. People nowadays.

Agad akong nagdoorbell sa penthouse. Dali-dali ay pinagbuksan ako ng pinto ni Rage. Gumapang ang halo-halong emosyon sa ‘king dibdib. Galit, poot, kaba at takot.

Mukhang nabigla siya sa pagdating ko. He’s wearing a trubenized collar shirt. Hindi ko siya pinansin at tumuloy sa loob. “Dylan?!” Sigaw ko. Pero walang sumasagot. Ginapangan ako ng matinding kaba.

“Asan ang anak ko?!” Diretso kong tanong sa kanya. “H-He’s in my room. He’s playing his PSP.” Anito. Inirapan ko siya. “Nasa’n ang kwarto mo?” Tanong ko. “Over there.” Turo niya sa kanang bahagi ng penthouse. Agad akong pumasok doon at nakita ko ang anak ko. Napawi ang pag-aalalang namuo sa king dibdib kanina pa.

“Mom!” Aniya saka ako niyakap. “I missed you mom.” Aniya na para bang wala na ang nagyari kanina.” Lumuhod ako para maging pantay kami. Then, I cupped his face. “I missed you, too sweetheart. Don’t runaway again, okay?”

“You scared me to death!” Sabi ko saka ko siya niyakap. “Oh! Hi, sir.” Kumalabog ang puso ko dahil sa kaba ng sambitin ni Dylan ang mga katagang yon.

“Mom! Come here. This is Sir Rage. He’s kind mom. And for my observation a while ago. I think he’s my ultimate look-a-like!” Saka bumungisngis ang anak ko.

Ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko. 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon