Chapter Twenty-One

18.1K 215 1
                                    

Maraming nag-ayang sumayaw sa ‘kin pero umayaw lang ako. Nakikipagkwentuhan pa kasi si Dashna sa ‘kin. Hindi naman kami masyadong close nito, e. Yun bang para may kakwentuhan lang. Ganun lang. 

“Parang wala ata akong nakikitang boyfriend mo? Are you single?” Tanong ko at lumingon-lingon ako sa paligid to check if she invited a guy. Pero wala. 

“Ah. Oo. Pero nagkaboyfriend na ‘ko. But we broke up. Long years ago.” Ah. 

“Tell me about him. Ano yun? Di ka pa nakakamove-on?” Tinakpan ko ang bibig ko sa sinabi ko. Masyado na ‘kong nadulas. “Sorry.” I said. 

Tumawa siya. “No, it’s okay. I mean I moved on.Nagbreak kami nung mga eighteen ako nun. I think di talaga kami para sa isa’t-isa ni Rage.” Okay. “Teka, ilang taon ka na ba?” I asked out of the blue. Kasi sa tingin ko talaga magkasingedad lang kami. “Twenty-nine.” I was shocked. “I thought your just twenty-five.” 

“Oh, c’mon!” Sabi niya na para bang akalang nagbibiro lang ako. 

“No, really. I really thought that your just 25 years old.” 

“Ikaw ba? Ilang taon ka na? Eighteen?” Whaaat? 

“Binobola mo ba ko? 25 na ko.” Siya naman ang napanganga. Sabi rin ng mga iba na mukha daw akong eighteen. Di daw ako mukhang beinte singko anyos. 

***

Alas onse na ng gabi nung makauwi ako sa condo ko. Grabe. Nagmagic sing pa sila. Marami rin naman akong kapit-bahay na filipino, e. Pero mostly american. Nakakapagod ang araw na ‘to... 

***

“San ka magsusummer?” Tanong ni Athena sa ‘kin. Filipino rin siya at office-mate ko. “Maybe sa Philippines.” Sabi ko. Yep. Napag-isipan kong magbakasyon sa Pilipinas. I know that I don’t have the reason to stay their pero nakakamiss din pala ang bansang ‘yon. Kahit two weeks lang siguro ako dun. 

“Wow. Buti ka pa. Ang mahal ng plane ticket e.” Gastadora kasi ang isang ‘to e. 

“Mag-ipon ka kasi.” Sumimangot siya sa ‘kin. 

“Ayoko nga. Nakakaakit ang chanel, louis vuitton, burberry, gucci, dolce & gabbanna, prada, armani—“ 

“Okay. Okay. I get it.” Saka ako umiling-iling sa kanya. 

***

Nagleave ako at pinayagan ako sa opisina. Bale pangalawang leave ko palang ‘to kaya naman pinayagan ako. Una ay yung namatay ang parents ko two years ago. Hindi na ko nagleave nung kinasal ang ate ko dahil independence day ng america non at walang pasok. Sabi nga ng boss ko, masyado daw akong workaholic. Nagdiwang pa nga ang mga office-mates ko dahil first time daw akong maglileave para sa sarili ko. Tinawanan ko na lang sila. 

Naimpake ko na ang mga dapat kong dalhin. Isang maleta lang naman ang dala ko e. Mamaya na ang flight ko kaya naman nagmadali akong sumakay sa taxi. Chineck ko na ang passport ko, plane ticket, etc. kung nandito na. Andito naman na lahat. 

Siguro tutuloy na muna ako sa Manila Hotel pagkarating ko sa Pilipinas. Ni hindi ko na nga alam kung buhay pa ba si Hera e. Masyado kasing mabilisan ang paglipat namin sa States noon. Hindi narin ako naging active sa social network dahil nga mahirap mag-aral dito sa America. Maraming kakompitensya. Nidelete ko lahat ng account ko sa facebook at sa mga iba’t ibang sites noon. Hanggang sa mawalan na ko ng koneksyon sa kanila. Kasi ang alam ko nun, hindi na talaga kami magkikita pa. 

***

Sa wakas! After 7 years, nakatapak na rin ako sa lupa ng pilipinas. How I missed this country. 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon