Chapter Forty-Six

27.2K 360 9
                                    

 

Binuhat ko ang anak ko papasok sa kwarto niya ng makarating kami galing restaurant. Medyo malayo-layo  rin kasi ang byahe kaya nakatulog siya sa sasakyan kanina.

Pinagmasdan ko ang mukha niya saka ko yon hinawi.

Hinding-hindi ko kakayanin pag nawala ang anak ko sa ‘kin. Natatakot ako sa mga pinagsasasabi ni Rage kanina. Alam kong tototohanin niya yun. Kaya dapat ko nang paghandaan. Wala akong balak lumipat ng bahay dahil hindi sulosyon ang pagtakas. Mahahanap at mahahanap niya rin ako panigurado pag ginawa ko yun.

Bakit kasi kailangan pa’ng magkrus ang landas naming dalawa? Masaya na ko sa buhay ko. Bakit kailangan niya pang bumalik? Siya ang nagtaboy sa ‘kin noon tapos ngayon ganun siya? Ang kapal talaga ng mukha niya. No words can describe how much I hate him. Kayo ba? Kung mangyari sa inyo ang nangyayari sa ‘kin, ipapakilala niyo ba si Dylan kay Rage bilang tatay nito? Ako kasi hindi. Tawagin niyo na kong makasarili pero wala akong pakealam. I raised my son. Ako ang nagtaguyod at nagpanganak sa kanya ng walang tulong sa ama nito. Hinding-hindi ko siya ibibigay sa tatay niya.

Narinig ko ang makina ng sasakyan ni Adrian kaya naman umalis na ko sa kwarto ng anak ko at bumaba sa hagdanan.

“O, ba’t namumugto ang mga mata mo?” Tanong niya sa ‘kin. Umiyak kasi ako kanina sa sasakyan hanggang sa makatulog na ang anak ko.

Namuo na naman ang mga luha sa king mga mata ng maalala ko ang sinabi ng walanghiyang yon sa kin kanina.

“Nagpunta si Rage sa restaurant ko kanina,” Rehistrado ang gulat sa kanyang mga mata ayon sa sinabi ko.

“May hinala na siya na anak niya si D-Dylan.” Nanginig ang boses ko sa huling salitang aking nasambit. Napaiyak na ko.

“Adrian, natatakot ako. He’s a billionaire. Kayang-kaya niyang kunin ang anak ko sa kin ng walang kahirap-hirap. Hindi ko siya kayang labanan dahil hindi sapat ang pera ko. Wala pang katiting sa kinikita ng companya nila sa isang araw ang kabuuan ng pera ko.” Saka ako mas lalong naiyak.

“Galit ako, Adrian! Bakit ganun? Ako ang kinawawa niya. Tapos kukunin niya pa sa ‘kin ang anak ko? Napakawalanghiya niya.” Sambit ko.

Agad niya kong niyakap at hinawi ang buhok ko sa likod ko. “Hush. Hush.” Aniya.

“Adrian, hindi ko talaga kakayanin pag kinuha niya sa ‘kin si Dylan.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumunta sa Alswere. Yun ang restaurant namin sa Texas. Sinabi ko kay Adrian na siya na muna ang mag-alaga kay Dylan. Ganyan naman talaga ang routine naming dalawa. Siya ang mag-aalaga kay Dylan pag ako ang wala. Ako naman ang mag-aalaga sa anak ko pag siya ang busy.

“Ano? Alis na ko, huh?” Sabi ko sakanya. Tinanguan lang niya ko. Pumunta ako sa anak kong nasa kama na malambing na natutulog. I kissed his forehead. “Bye. I love you.” I almost murmured that word dahil baka magising siya.

“Alis na ko.” Sabi ko. “Oo, sige. Ingat.” Aniya.

“Opps. Wait. Yung sinabi ko sa ‘yo. Pag nagpunta si Rage dito sabihin mo wala si Dy—“

“Gab, wala ka namang magagawa sa bagay na yan e. Kahit na ilang beses mo pang itago si Dylan at kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, si Rage parin ang tatay niya.” That shoot my heart. But I don’t care. Kahit siya ang tatay niya, wala siyang karapatan sa anak ko. Tinaboy niya ko noon at may Dashna na siya. Gumawa nalang siya ng sarili niyang anak kasama ang babaeng yon at ‘wag na niya kaming guluhin.

Bumaba na ko sa king SUV nang marating ko ang Alswere. Nagulat ang mga iilang waiter at staff nang makita ako. Hindi kasi ako usually’ng nagpupunta dito. Si Adrian ang madalas na narito.

Itong restaurant na ‘to ay kadalasang mga elite costumer ang kumakain. Formal Service Restaurant kasi ito.

Agad akong pumunta sa kusina. “Is everything alright?” Tanong ko. “Yes, ma’am!” Sagot nilang lahat ng nakangiti.

Tinikman ko ang iba’t-ibang putaheng niluto nila ngayon kung papasa ba sa taste ko. Pag minsan kasi sa mga ibang resataurant, kung anong sarap ng kahapon ganun naman kapangit ang lasa kinabukasan.. So I just want to make sure na masarap ang pang-ngayon.

Tinikman ko lahat ng yon at pasado naman sa taste ko. Nagthumbs-up ako sa kanilang lahat at nakita ko ang saya sa mata ni Lara at Friel— Ang dalawa naming head chef dito.

“Thank you, ma’am.” Chorus na sabi nilang dalawa. “You don’t have to thank me, guys. It’s really delicious.” Sabi ko.

“Three Bouillabaisse over here!” Sigaw ng mga empleyado ko. Nakita kong sobrang busy nilang lahat kaya ako na ang nagkusang kumuha nun.

Isinerve ko yon sa isang round table. Mukhang business meeting ang pinag-uusapan ng mga ito. Sinerve ko ang tatlong  Bouillabaisse.

“So as I was saying, sir Rage. The investments—“

“Ellizandrea?” Nanginig ang mga tuhod ko ng lingunin ko ang siniserve kong mga bachelors. And of them is Rage. Shit!

Agad inilagay doon ng isa pang waiter ang maraming slice ng mille-feuille pastry. Umalis agad ako doon.

Agad akong pumunta sa kusina. “Uhmm... Lara, Friel. I’ll have to go.” Sabi ko. “Oh, bye ma’am! See you again.” Tinanguan ko lang ang dalawang yon at mabilis na umalis sa Alswere.

Papunta na ko sa parking lot ng sasakyan ko ng may humigit sa braso ko. “Ellizandrea... Hanggang kailan ko ba sasabihin sa ‘yo na hindi mo ko matatakasan?” Inalis ko ang braso ko sa kanyang kamay. “You son of a bitch! Stay away!” I said at the highest pitch of my voice.

“No, Ellizandrea. I will never stay away from you. Keep that on your mind.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. “Rage bakit? Wala ba si Dashna kaya ka nagkakaganyan? Gusto mo bang ako pa ang maghanap sa kanya para sa ‘yo para lubayan mo na ‘ko?” Lumungkot ang hitsura niya sa sinabi ko. O kathang-isip ko lang yon?

“Nagkakamali ka, Ellizand—“

“Oh, c’mon. Don’t deny it.” Then I smirked.

“And please, Rage. Please... stay away from me.”  Saka ko siya tinalikuran at pinaharurot ang sasakyan paalis sa Alswere.

Sana hanggang dito nalang ang huli naming pagkikita. Sana... 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon