Chapter One

68.2K 539 29
                                    

Yes! Makakalipat na rin kami. Makakalimutan ko narin si Adrian. Finally! Lilipat na kasi kami ng bagong subdivision ng family

ko. Dati kaming nakatira sa Laguna. Dun kasi nagtatrabaho si Papa as a manager pero nilipat siya sa Main Branch dito sa Maynila as a manager parin.

About Adrian pala. Yes, I said na makakalimutan ko na rin si Adrian. He's my crush. Pero hindi LOVE. Crush lang. Pero nung nagimpake na kami at nasimulan ko nang malaman na lilipat na pala kami e nawala na yun. Siguro dahil hindi ko na siya makikita. I don't know. Isa pa, hindi ko naman siya kailangan e. Hindi naman niya ko crush. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya na crush ko siya. Dahil natotorpe ako. Nakakahiya kaya yun. Pag umamin ka. Urrrgh. Pero I'm not that girl na iiyak at sasabihing 'He didn't like me! *Sob* *sob* *sob*' Sabi ko kasi sa sarili ko nun, hinding hindi ako iiyak para lang sa isang LALAKI. Ewan ko ba! Nayayamot ako sa mga babaeng umiiyak dahil sa lalaki. For me, it's a turn-off. Kung hindi ako crush ng isang tao, edi wag. Di siya kawalan. Ang daming lalaki d’yan. Pero syempre tao rin ako. Minsan hypocrite. Minsan lang naman.

Masasaktan rin ako pag nalaman kong di niya rin ako gusto. Sino ba namang hindi? Bato nalang siguro yun.

Natigil ako sa pagkatulala nang huminto na ang makina ng sasakyan. Tumingin ako sa side mirror ng Innova namin.

"Ito na ba yung subdivision, ate?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Oo. Ang ganda nga 'no?" Namamanghang wika niya.

Oo nga. Tama si ate. Pang elite nga itong subdivision na to. Ang totoo hindi naman talaga kami mayaman. Nasa gitna lang. Kumbaga, neutral. May kaya. Yun ang estado namin sa buhay.

Nainip ako sa loob ng sasakyan kaya bumaba ako. Nagpasya akong tulungan yung mga boys na inarkila namin para magbuhat ng mga gamit namin sa isang malaking truck.

"Kuya, tulungan ko na po kayo." Sabi ko nang akma ko nang bubuhatin yung isang drawer box.

"Naku, bunso. 'Wag na. Kaya na namin 'to. 'Nu kaba? Para san pa't inarkila kami ng Papa mo?" Hindi nalang ako kumibo at umalis na. Natuwa ako nang mapukaw ang atensyon ko sa kaharap kong bahay. Ang laki. Two storey rin naman ang bahay namin sa Laguna pero hindi ganito kalaki. Hamak na mas malaki 'to. Agad naman akong pumunta sa loob. Gusto ko kasi talaga siyang tignan. Nakakaexcite!

"Oh, hija, bawal ka dito. Nag-aayos pa kami ng mga gamit at linilinis pa yung itaas. Mamaya ka nalang pumunta." Sabi ni Manang Inday. Siya kasi ang katulong namin simula nung pinagbubuntis pa ko ni Mama at simula nung baby pa si Ate.

Hindi lang naman siya yung katulong namin e. May dalawa pa. Kasi hindi naman kaya ni Manang Inday kung siya lang ang mag-isang maglilinis ng bahay namin at mag-aasikaso sa min araw-araw e. Dahil matanda narin siya.

"Naku. Ellie! Halika nga dito at samahan mo ko sa Jollibee." Bakit ako?

"Bakit, ate?"

"Bibilhan natin ng pagkain sina Papa at pati na yung mga nagbuhat  ng mga gamit natin." Ah.

"Ganun? E panu tayo?" Naramdaman ko pa naman ang paghapdi ng tiyan ko dahil sa gutom.

"Syempre, kakain na tayo dun. Tara na!" Tumakbo naman ako papunta sa Ate Dani ko.

Nakarating na rin kami sa Jollibee. Dinrive ni Ate yung Innova. Tutal daw, naibaba na lahat ng gamit namin dun.

"What's your order ma'am?" Bungad sa min nung nasa counter na kami.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon