Chapter Thirteen

16.1K 214 2
                                    

Pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung nahuli kami o hindi. Nakatulog na kasi ako. Ala sais na ng umaga. Maaga palang pala. Agad kong tinupi ang kumot ko. Pagkatapos ay nagpunta ako sa banyo.

Naligo ako at nagbihis na. Narito parin ako sa c.r. Hindi ako tanga para hindi malaman ang nararamdaman ko. I’m inlove with him. Napakabilis ng pangyayari. Bakit sa kanya pa? Hindi ko alam kung bakit ako kabilis na-fall-out kay Eros. Or maybe infatuation lang ang naramdaman ko sa kanya? Hindi ako pwedeng mainlove kay Marco. Ayoko. How come na sa kinaiinisan ko pang tao? Sana ibang tao nalang. Ayoko talagang mainlove sa kanya dahil hindi pwede. Masasaktan lang ako. Sasaktan niya ko. Kailangan ng maalis ito. Aalisin ko ‘to. I need to unlove him. Tama, iiwasan ko siya at di papansinin. Makakatulong kaya ‘to?

As usual, nagklase na at pagkatapos non ay kumain ako sa KFC. Hindi ko inaya si Hera. Wala akong gana. Wala na rin akong pakealam sa ThunderStorm Band na yan. Simula ngayon, wala na kong gagawin. Hindi na ko makikialam pa sa mga activities ng banda na yan. Ayoko na. Siguro naman, sa laki ng campus hindi na kami magkikita ni Marco right? Madali lang sigurong mafall out sa kanya. Iisipin ko na lang ang mga nakakaturn off na bagay sa kanya. Tama. Babaero siya. Playboy. Yun dapat ang isipin ko. Pero bakit parang di naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya? I really hate myself.

Pagkatapos kong kumain ay nagliwaliw ako sa mall. Mamaya pa naman ang klase ko. Maaga pa at eleven pa lang.

Pumunta ako sa H&M store. May pera naman ako kaya napagpasyahan kong magshopping muna. Sa ganda ng mga damit ay wala akong napili. Na kay Marco na naman kasi ang atensyon ko. Ugh! Utang na loob, Marco. Please get out of my head. Pumunta ako sa World of Fun para malibang ko ang sarili ko at nagbabakasakali ako na maalis si Marco sa isip ko.

Sa tagal ko dun, nakaipon ako ng ticket. Pinili kong bilhin ang isang malaking teddy bear na kulay puti. Haha. Dahil dito masaya na ko. Oo, mababaw lang ang mga kaligayahan ko.

Time check, 11:30 pa lang. Kaya pumunta ako sa F21. Nakapili ako ng isang flower dress sabrina style na above the knee. Binayaran ko na. Pagkatapos ay nagpunta ako ng Bershka at nakabili naman ako ng dalawang blouse. Ngayon lang naman ako naglulustay ng pera kaya lubos-lubisin ko na ngayon.

Pagkatapos kong magshopping ay bumalik ako sa dorm para ilagay ang mga pinamili ko sa aking locker room. Baka kasi nakawin e. Tapos agad akong pumunta sa klase ko.

**

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon