Chapter Forty-Three

25K 316 7
                                    

A/N: Pasensya na unedited ulit.

==============================================

Pagod na pagod ang anak ko kaya natulog na ito. Kakatapos lang kasi naming magpunta sa Universal Studio. Si Adrian ay nagpahinga na din. Naawa nga ako  sa tao dahil siya ang kumarga kay Dylan simula at hanggang matapos ang lakad namin sa Universal Studio. Natulog na rin ito dahil sa pagod.

Pumunta ako sa sala upang manuod ng T.V. Alas tres pa lang naman ng hapon. Chineck ko ang Iphone ko para tignan kung anong araw ngayon. Napapiltik ako ng daliri nang maalala na birthday nga pala ni Adrian sa susunod na buwan. Siguradong magiging busy ako sa susunod na buwan at baka hindi na ko magkaroon ng oras para mabilhan siya ng regalo kaya naman nagpunta ako sa isang room at dun nagbihis. Kinuha ko ang givenchy bag ko at umalis na.

Ibinigay ko kaagad sa taxi driver ang bayad nang makarating ako sa Ion Orchard Store. Agad akong pumasok sa entrance ng mall.

Last year kasi... Gamit sa kusina ang iniregalo ko sakanya. Hmm... Maiba nga ng iregalo. Nagpunta ako sa Burberry pero wala akong napiling damit. Ang katapat naman nun ay Dior kaya agad akong nagpunta roon.

“Good afternoon, Ma’am.” Tinanguan ko lang ang salesman nila. Masyado akong mapili sa damit dahil nga pihikan sa damit ang maarteng yon. Baka hindi niya magustuhan pagka bigla-bigla nalang akong magdampot ng damit dito.

 Again, wala ulit akong napili kaya nagpunta ako sa TopShop.

Kasalukuyan akong namimili ng damit ng biglang naramdaman kong nagvibrate ang Iphone ko. “Hello?” Sagot ko sa tawag ni Adrian. “Asan ka? Hinahanap ka ni Dylan. Alam mo naman yun pag bagong gising. Gusto tayong dalawa ang nasa tabi niya. E wala ka daw.” Napapiltik ako. Hindi ko naman pwedeng sabihing ‘bumibili ako ng ipanreregalo sa ‘yo’ dahil nga mabubuking ako.

“Nasa Ion Orchard ako. Nagshohopping.” Half-life kong sabi. Napapaltak siya. “O sige. Susunod kami d’yan. Baka umiyak ang bata. Kawawa naman.” Aniya saka ako pinatayan.

Wala parin akong napili kahit isa kaya naman nagpunta nalang ako sa Calvin Klein. Ugh. Pagod na ko kakalakad.

Napahawak ako sa isang belt na nakita ko. Siguro pure leather ‘to. Sobrang kinis e. Parang di mababalatan kahit itago ng ten years. Hinaplos-haplos ko yon at pinaglaruan. Chineck ko kung may damage ba pero wala. Kumuha ako ng dalawang piraso at inilagay sa counter.

Pagkatapos ay nabayaran ko na.

Napukaw ng atensyon ko ang isang  black Rubber Graphic Print Polosa bandang gilid. Kung bilhin ko rin kaya ito? Kaya lang ang mahal. $250.00 ang presyo. Chineck ko ang dala kong pera at kasya pa naman pag bili ko to at may sukli pa—“

“E-Ellizandrea, is that you?..”  Kumalabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Napahigpit ang mga kamay ko sa hanger ng Polo. Walang tumatawag sa ‘kin ng ganong pangalan sa US.

Dahan-dahan akong napalingon sa tumawag sa ‘kin. It was him... Unti-unting namuo ang galit ko sa ‘king dibdib. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. For what?! Guilty ba siya?! Wala siyang rason para maging guilty sa ginawa niya sa ‘kin.

Napalingon ako sa kasama niya and it was Dashna. I don’t care at all. Natatakot ako...

Hahakbang na sana siya palapit sa ‘kin nang—

“Mommy!” Natuyo ang lalamunan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Natatakot ako...

“Hey, Daddy! I found mom! Where’s my price?!” Masayang sambit nito kay Adrian na papalapit na sa akin. Hindi niya alam kung anong hitsura ni Rage dahil hindi ko naman sinabi yon sa kanya.

“Grabe, Gab! Buti nalang nadaan kami dito. Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hindi ko tuloy alam kung sa’n ka hahanapin.” Then he tsk-ed. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ng anak ko.

“Ellizandrea—“

“I-It’s nice meeting you, again... Mr. Rage Mondragon.” I said na siyang ikinagulat ni Adrian. Pinilit kong maging matapang ang hitsura ko kahit na sasabog na sa takot at kaba ang puso ko.

“Baby, sweetheart... Let’s go?” Kuno ay sabi ko kay Adrian. Mukhang nakita niya ang awa sa mga mata ko kaya sinakyan niya ko. “Okay!” Saka niya kinarga si Dylan paalis ng CK.

Mabilis ang lakad ko hanggang sa makasay kami sa taxi. Ang bilis parin ng pntig ng puso ko. What if he found out about my son? I’m gonna breakdown kung mangyayari yon.

“Gab, kamukhang-kamukha niya si Rage.” Seryoso nitong sabi. “No! Shut-up, Adrian!” Malakas kong sigaw. Nagulat si Dylan sa sinabi ko. “M-Mom, D-Dad? A-Are you fighting?” Paiyak na sabi ng anak ko. Hinalikan ko sa noo ang anak ko saka ko siya niyakap. “No, baby.” Sabi ko saka ko hinaplos ang buhok niya. Adrian tsk-ed.

Pagkarating namin sa hotel ay naglaro ng PSP ang anak ko at pumunta sa kwarto niya. Sinarado ko yon para di niya marinig ang pag-uusapan namin ni Adrian ayon sa ‘ming reaksyon.

“A-Adrian... N-Natatakot ako.” Sabi ko sakanya ng maibuhos ko ang hinaing ko sakanya. May mga luhang pumatak sa ‘king mga pisngi. “A-Adrian... He left me. Wala siyang k-karapatan kay Dylan. Ako lang ang meron dahil sakin siya lumaki...” Sabi ng nanginginig ang aking boses.

“Kamukhang-kamukha niya ang bata, Gab. May posibilidad na makahalata—“

Agad ko siyang tinalikuran at pumunta sa kwarto ni Dylan. Kinuha ko ang maleta namin at inilagay doon ang mga gamit namin.

“Mom... What are you doing? You said that we will stay here until weekend. Mom?..” Sabi ng maluha-luha kong anak. I cupped his face. “Baby, please understand me? We need to go home now.” Sabi ko na siyang mas lalo niyang ikinabigla.

“M-Mommy?!!” Aniya ng umiiyak. Pumunta ako sa sala upang kunin ang Iphone ko at magpabook ng ticket. Nakita ko si Adrian sa terrece.

Agad akong bumalik sa kwarto ng anak ko.

“No, Dylan Fernandez. That’s a warning.” Sabi ko sakanya habang patuloy parin siya sa pag-iyak.

Agad siyang bumangon sa kama niya at tumakbo paalis sa kin. “Hey! Comeback here.” Sabi ko. Sinundan ko siya at laking gulat ko ng umalis siya sa hotel room. Agad akong kumaripas ng takbo papunta roon. Tinignan ko ang bawat sulok ng labas ng pintuan ngunit wala na siya roon. Ginapangan ako ng kaba.

Agad ko siyang hinanap pero wala siya. No...

Tinawagan ko si Adrian habang tumatakbo. “A-Adrian... nawawala si Dylan.” Sabi ko habang tumutulo ang luha sa ‘king pisngi. “What?!  Okay, calm down. Calm down... I’ll be right their.”

Paano kung mawala ang anak ko ng tuluyan? Pa’no kung din ko siya makita ngayon?... Mas lalo akong napaiyak sa naisip ko.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon