Prologue

68.7K 834 65
                                    

Ilang araw na niya akong di kinakausap at di pinapansin. 

Syempre, asawa ko siya kaya DAPAT kong malaman kung anong problema namin. Mas mabuti pang saktan na niya lang ako kesa wag niya akong kausapin. 

"Hon, ano bang problema?" Tanong ko sa kanya. DI NA ba niya ko mahal? Ano ba talagang problema? Gusto kong malaman pero natatakot ako sa sasabihin niya. 

"Si Dashna..."  He said coldly. 

Dashna? Sinong Dashna? Anong meron? 

"Andito na ulit siya sa Pilipinas."  Sino nga yon? 

"S-Sino yun?" Kinakabahan kong tanong.

"I loved her, eversince. Hindi ko naman alam na babalik yung pagmamahal ko sa kanya-"  I slapped him. His jaw clenched.  Ang sarap magmura. May luhang pumatak sa pisngi ko. 

"Gago ka. Babalik pala, ah? Utang na loob. Minahal mo ba ko, ha? O si Dashna parin?" Kahit masakit nasabi ko yun. 

"Yung totoo? Hinde. Hindi kita minahal. I tried pero hindi kita kayang mahalin. I don't know. Akala ko hindi na babalik si Dashna kaya ikaw na ang pinakasalan ko."  Ngayon para na akong nauupos na kandila. Hindi ko na kaya ang pinagsasabi niya sa 'kin. Pero kailangan ko tong harapin. P-Pero paano?...

"Pero bakit ka parin nakikipagtalik sa kin sa loob ng dalawang taon kung ganun?" Maluha-luha kong tanong. His face grinned. An evil grinned. 

"Simple. Lalaki ako. And besides, merong time na habang nakikipagsex ako sa 'yo ay si Dashna ang nasa isip ko."  Napaupo ako sa harap niya. Ang sakit. Ang sakit sakit. 

"So I guess, let's divorce." Parang wala lang sa kanya yun habang sinasabi niya ang mga katagang yon. Ako naman, para nakong masisiraan ng bait. Parang tinutusok-tusok ang puso ko. 

And with that, umalis na siya ng kwarto namin..... 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon