Chapter Forty-One

25.3K 323 15
                                    

“Mom! I missed you!” Utas ng anak ko saka ako nilapitan. “Is that your kid?” Tanong ng babae sa aking restaurant. “Yes.” Walang alinlangan kong sagot. “You looked like eighteen years old and a model. Your so sexy. You looked like Miranda Kerr.” Napangiti nalang ako sa sinabi ng costumer ko. “Thank you for the compliment.” I just said. Nginitian naman niya ko.

It’s been four years simula ng manganak ako kay Dylan. Na-inspire ako sa best friend slash brother kong si Adrian para magkaroon ng isang restaurant at para maging isang chef. Business partner kami sa isa naming restaurant sa Texas. Nagkakasunod naman kami sa panlasa namin e.

“Mom, I wanna eat.” Sabi ng anak ko. “Okay, baby. What do you want?” Tanong ko. “Pasta.” Sabi niya ng nakangiti. “Collin, can you make an Italian Pasta please?” Sabi ko sa headchef ko. “Sure, ma’am. Anything for Dylan!”

“Thanks!”

“Daddy!” Sabi ng anak ko saka mabilis na niyakap si Adrian sa may front door ng restaurant. Yes. Daddy ang tawag niya kay Adrian. Simula nung una siyang makapagsalita e kami lang naman ni Adrian ang nasa tabi niya kaya tinawag niyang daddy ito. Sabi ko nga sakanya noon e Tito ang itawag niya kay Adrian pero ayaw niya. Tatawagin lang daw niyang Tito si Adrian pag binuhay ko ang totoo niyang daddy. Yes. I said na patay na ang daddy niya bago ko siya maipanganak. Wala akong balak sabihin sakanya ang tungkol sa totoo niyang tatay. Never in a million years.

“Let’s watch captain america, later. What do you think?” Aniya sa anak ko. Nag-lighten up ang hitsura ni Dylan. “Yehey!” Aniya. “I love you, Daddy!” Saka niya ito niyakap sa leeg dahil nakakarga siya kay Adrian.

“Here’s your pasta.” Bigay ko sakanya nang ibinigay sa ‘kin ng waiter ang pasta. “Thanks, uncle collin!” Anang anak ko. “Anything for you!” Sigaw ni Collin dahil nga nasa malayo siya. Lumingon naman sa ‘kin ang anak ko. “And ofcourse,  thank you mom! Your the greatest mom in the universe!” Natawa naman ako dun. “Your welcome.” I simply said.

“Hoy, Adrian! Hindi ka pa ba mag-aasawa? Ang tanda mo na, hoy!” Sabi ko. Tinignan ko si Dylan na kumakain parin sa pasta nito. “I’m not yet ready. May girlfriend naman ako e.” Aniya. Psh.

“Ikaw? Hindi ka ba mag-aasawa?” Tanong niya. Napaubo naman ako sa sinabi niya. “Ano ka ba? Si Dylan na ang priority ko ngayon. Wala na kong balak.” Sabi ko ng diretso.

“Mom! Daddy! I really can’t understand what you ‘two’ talking about. Stop that alien language please.” Natuwa kami ni Adrian sa sinabi ng anak ko. Oo, hindi niya alam magtagalog. English lang ang alam niyang lengwahe. Hindi ko siya tinuruang magtagalog para kapag may pinag-uusapan kaming importante ni Adrian ay wala siyang alam.

“Okay. We’ll stop.” Sabi ni Adrian. “I’m done.” Anang anak ko saka ininom ang tubig na nasa harap niya. Hindi ko siya pinapainom ng softdrinks madalas. “By the way, Mom, Daddy. Let’s go to the cinema and let’s watch Captain America!” Masayang sabi ng anak ko.

---

Mag-isa ako sa sala habang nanunuod  ng Ellen. Kasama rin naming nakatira dito si Adrian tutal pamilya na ang turing namin sa kanya simula ng mabuntis ako.

“Mommy?” Agad akong nakita ng anak ko at tinabihan. Humiga siya sa hita ko. “Hey, baby.” Usal ko. “Mom, I have a secret to tell you.” Saka siya humagikgik. Natuwa naman ako. “What is it?”

“Hmmm... I’m shy!” Mas lalo akong natawa. “Did you tell your mom about your secret?”

“Not yet, Dad.” Tinabihan kami ni Adrian sa sofa.

“Tell her now, baby.” Utas ni Adrian. “Okay.”

“Mommy, can you buy me a small guitar? I wanna learn how to play a guitar. And to write a song in the future!” Nanigas ako sa kinauupuan ko. M-May pinagmanahan ba siya sa hobby niya? Ah, no. Wala. Ni hindi ko na nga maalala ang mukha ng gagong Rage na ‘yon. Wala siyang pinagmanahan. Gusto lang niyang matuto dahil gusto niya. Tapos.

Ngumiti ako sakanya. “Sure!” Sabi ko ng nakangiti. “Hey, Gab! That’s a faint smile.” Bulong ni Adrian sa ‘kin. Alam rin kasi niya kung anong meron si Rage dahil sinabi ko sakanya lahat-lahat ng kinikimkim kong galit noon. Pero hanggang ngayon narito parin ang galit na ‘yon.

Inantok na si Dylan kaya naman umakyat na siya sa kwarto niya at natulog. “Sabi ko sa’yo Gab, e. Nasa genes yon.” Utas ni Adrian.

“Stop it, Adrian. ‘Wag mong pakuluin ang dugo ko.” Sabi ko at ifinocus ko ang mata ko sa telebisyon.

“Pero, Gab. It’s been four years. May karapatan—“

Agad kong pinatay ang telebisyon at humarap sa kanya. Lagi nalang itong topic na ‘to ang lagi naming pinag-aawayan.

“No. Wala siyang karapatang malaman ang tungkol sa anak ko.” Sabi ko saka ko siya tinalikuran at umakyat papunta sa kwarto ko upang matulog.

Sa apat na taong nakalipas... Masaya na ang buhay ko. Ayaw ko ng may gumulo pa. 

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon