Chapter Three

26.3K 305 10
                                    

Dahil loka-loka si Hera, dinedate niya ngayon si Ethan. Ang drummer ng banda. Gwapo rin ito at matangkad. Sabi nga niya, magkakaroon pa raw ako ng benefits. Dahil inaaya daw siya ni Ethan na manuod ng practice ng banda sa bahay nila. Halos tumili ako sa tuwa ng malaman ko yun. Pero syempre, nahiya rin ako. Halos sapakin na nga ako ni Hera nun e. Dapat daw, grab it na dahil andyan na. Yes, si Hera lagi ang nagpapalakas ng loob ko.

“Ano ready ka na?” Tanong ni Hera sa kin.

“Hindi pa e.” Weekend kasi ngayon at nandito kami sa bahay namin.

“Bakit, aber?” Saka tumaas ang isa niyang kilay.

“Wala akong ano... maisuot.” Agad na kumaripas siya ng takbo sa loob ng walk-in closet ko. Habang nakarobe lang ako. Samantalang siya, bihis na bihis na.  Totoo naman kasing wala akong maisuot e. Hindi ko alam kung anong isusuot ko.

“How about this one?” Tanong ko sa kanya.

“Ano ka ba? Masyadong reaveling. Kita ang likod at ang cleavage mo. Baka mamaya niyan pag-uwi natin, buntis ka na.” Hinampas ko naman ang braso niya. Kahit mahal ko si Eros, di ko inisip na magpabuntis sa kanya, no! I’m not that cheap. Atsaka ano bang pinag-iiisip ko? Urgh.

“Joke lang.”  Natatawang sabi ni Hera habang may V sign sa daliri nito.

“E ano nga?” Nagtatrantums kong sabi. Di ko talaga alam kung anong isusuot ko.

“Ito na lang, oh.” Sabi niya sabay kuha sa isang burberry dress kong 3-inch above the knee na kulay aqua blue sleaveless at hindi reaveling. Binigay niya yun sa kin at nagpalit na ko.

“Ano, okay lang ba?” Bungad ko sa kanya paglabas ko ng walk-in closet. And she had a big ‘O’ on her mouth.

“Wow. Ang ganda mo.” Sabi niya. Alam ko naman yun e. Na kahit wala akong make-up, maganda ako.

Sinuot ko nalang ang chanel close shoes ko.

May dalang sasakyan ang bruha. Ako na ang nagdrive. Yep. I know how to drive. Tinuruan ako ng Daddy ko when I was 14.

Mabilis din kaming nakarating despite sa pagiging kaskasera ko. Atat lang talaga akong masilayan ang gwapong Eros ko. Echos. ‘Ko’ Nag-assume na naman ako.

“Here we are.” Sambit ni Hera nung nasa tapat na kami ng gate nila Ethan. Shocks. Naghuhumerantado ang puso ko sa kaba.

“Hera, alis nalang kaya ako?” Sumama ang hitsura ni Hera.

“Sapakin kaya kita?!” Okay. Di nalang ako kumibo.

Kinakabahan talaga ako lalo na nung nagdoorbell na si Hera. Naku! Parang ayoko ng pumasok. Masaya na kong makita lang si Eros sa malayo.

“Hoy!” Pinitik ni Hera ang daliri niya sa mukha ko. Tulala daw ako.

“Halika na.” Sumunod naman ako kay Hera papunta sa bahay nila Ethan.  Maganda ang bahay nila. Wala daw kasi ang parents niya. Nasa business trip daw or something. Ako naman, nagdirederetso sa bahay nila. Gosh. Ilang ulit ko bang sasabihing kinakabahan ako?

“Sino sila?” Tanong ni Daniel. Yung nagpiplay ng electric keyboard. Gwapo rin ito at matangkad. As in, silang lahat!

“Uhmm... Eto yung girlfriend ko tapos yung kaibigan niya.” Pakilala ni Ethan sa min. Parang shungaers lang yung Daniel ha? Di ba niya kami nakita sa may canteen noon?..

*

Ilang sandali pa’t dumating din ang pinakahinihintay ko. Si Eros. Gosh. Ang hot niya talaga. At ang gwapo pa! Pero napansin kong di pa sila nagpapraktis.

One Sided Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon