Chapter 21

38.6K 770 48
                                    

Chapter 21

Attachment

The one whole week of training felt like a dream. It passed by like a blur and now it felt like we were back to reality. Sighing, I picked up my bag and walked out of the room when the class ended. Ever since I became the manager of the basketball team, the classes seemed so boring. May times na gusto kong mag-stay na lang sa gym habang pinapanood silang mag-training o kaya makipagkulitan sa kanila.

Coach Carandang gave me a week off to focus on my academics. Paparating na ang exam kaya naman kailangan kong mag-aral. Ang basketball team naman ay patuloy pa rin sa training. Wala naman silang magiging problema dahil simula ngayon ay magiging hands-on na sa kanila si Coach. Ang focus nila ngayon ay para maghanda para sa Intercollegiate Sports Competition na gaganapin isang buwan mula ngayon.

"Oh? Ba't ganiyan ang itsura mo? Miss mo na ang mga alaga mo?" tanong ni Tamara.

Mabuti na lang kakaunti ang tao sa cafeteria. Ayoko nang masyadong crowded. Sa sobrang daming estudyante rito ay kapag nag-breaktime nang sabay-sabay ay napakasikip na. Pinipili namin 'yong oras na wala gaanong tao.

Humalumbaba ako sa lamesa. Kumuha ako ng isang pirasong fries. "Ang boring lang. Ang tahimik ng buhay ko kapag hindi ko sila kasama."

Tumawa si Yvonne. "Nasanay ka na sa gulo nila, 'no?" Kumuha siya ng fries sa 'kin.

"But it's fine, next week balik na ulit ako sa pagiging manager."

"Malapit na nga pala ang competition, 'no?" tanong ni Jelyn at tumango kami sa kaniya. "Sa tingin mo, mananalo sila?"

Napangiti ako. Naisip ko ang naging laro nila noong practice game. "Yeah, they'll definitely win."

Tiningnan ako ni Tamara na para bang nang-aasar. "Akalain mo nga naman na 'yong mga kinaiinisan mo dati, kasundong-kasundo mon a ngayon."

"Well, who would have thought that they're just kids inside those huge bodies?" Natawa sila sa 'king sinabi. "And I'm really thankful for them. They stood up for me against Paul."

"Especially Gio," nakangising sabi ni Yvonne. "Siguro nabago na ang impression mo sa kaniya. Maging kami ay hindi makapaniwala sa ginawa niya."

Hindi lang ako ang nagbago ang paningin kay Gio. Nang sabihin ko sa kanila ang nangyari sa training camp ay para na rin silang nakaganti kay Paul. Nagalit pa nga sila sa 'kin dahil hindi ko sinuntok. Dapat daw ay nakaisa man lang ako.

I've thought about it. I wanted to punch the living daylights out of him before but when I was finally in front of him, I couldn't bring my hand down on him. I don't want to waste my energy by doing that. Hurting him physically won't solve the problem so I chose not to.

"Ano nga pala ang plano mo next semester?" Tamara sipped on her buko shake. "Hindi ba't start na ng practice teaching mo?"

It's something I really look forward to. Nakaplano na ang gagawin ko next semester at alam ko na rin kung saan ako magpa-practice teaching.

"Yeah, I already made plans." Inalog ko ang binili kong milk tea para pumunta sa ibabaw ang mga pearls. "After ng Intercollegiate this November, magagampanan ko pa rin ang pagiging manager ko until December. Starting January, magsisimula na ako sa practice teaching."

Yvonne took the milk tea from my hand after I took a sip. Uminom siya mula rito at ngumiwi. "Gah! This is too sweet!" reklamo niya. "Who will manage them while you're gone?"

Nagkibit-balikat ako. "We haven't talked about it yet," sagot ko. "They'll need a new manager next semester since another competition will be held in March."

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon