Chapter 17

35.5K 826 63
                                    

Chapter 17

Win with me

The atmosphere around us was dark and gloomy. I could still see the anger in their faces. Walang makapag-joke sa kanila. Wala ring nagkukulitan. Gustuhin ko mang i-lift ang mga mood nila ay hindi ko naman alam kung paano. Maging ako'y hindi magawang makagalaw sa kinauupuan ko.

Hindi ko ine-expect na makikita ko kaagad si Paul at ang masama pa nito, kasama pa niya si Anastasia. Silang dalawa ang nagbigay sa 'kin ng hindi magandang karanasan noon. Gusto ko na lang umuwi pero kapag ginawa ko 'yon, parang ipinakita ko sa kanila na ako pa rin 'yong Lian na niloko nila noon.

"Lalampasuhin namin sila bukas, Mabebs." Napatingin kaming lahat kay Adam. "We'll make sure they'll gonna eat sand."

"That fucking mouth..."–Jin gritted his teeth–"...he won't be able to use it again to talk shit about you."

Erzo sighed. He was balling his fist until his knuckles turned white. "That piece of shit will learn his lesson in the practice game."

Tipid ako napangiti habang pinapakinggan ang kanilang sinabi. Handa silang ipagtanggol ako kahit ano'ng mangyari. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang alam nila kung sino si Paul at kung ano siya sa buhay ko. Ayokong isipin na pina-imbestigahan nila ako o ano.

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "May alam ba kayo sa nangyari sa amin ni Paul?"

Kumabog nang malakas ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa magiging sagot nila. Magagawa ko bang magalit? Dapat ba akong magalit?

Dumaan ang ilang minuto pero walang sumasagot sa kanila. Nakaiwas sila ng tingin sa 'kin at kitang-kita ang konsensya sa kanilang mukha.

"I just guess," Gio finally answered. Sumandal siya sa couch at humalukipkip. "I asked them to keep an eye out of those bastards whatever happens."

Wala akong masabi. Ang nagawa ko lang ay titigan si Gio.

Who hurt you, Solis?

I could feel my heart beating fast and loud like it wanted to get out of my chest. I didn't know he was paying attention. I didn't know he was thinking about this ahead.

"During our practice game, we already had a hint that they did something bad to you," sabi ni Adam. "And Gio told us, if one of them approached you again, we have to do something to protect you."

"Shut up, dude," sabi ni Gio habang nakaiwas ang tingin.

Tumawa si Lloyd. "That's what you exactly told us, Gio."

Binato ni Gio si Lloyd ng throw pillow. Nagsimula na silang asarin si Gio hanggang sa bumalik na ulit sila sa pagiging makulit at maingay. Pinanood ko sila habang nagkukulitan. Bigla na lang tumulo ang luha sa 'king mga mata. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Hindi ko mapigilang mapahikbi.

Pinaghalong saya, lungkot at sakit ang nararamdaman ko ngayon ngunit nangingibabaw ang saya dahil nandito sila ngayon. Kung mag-isa kong hinarap sina Paul at Anastasia ay baka natalo ako. Hindi ko pa sila kayang harapin nang mag-isa. Mahina pa ang loob ko. Kung haharapin ko man sila, gusto ko'y buo na ang loob ko at makakaya ko na silang labanan nang mag-isa.

"You don't have to fight alone." Napatingin ako kay Gio. Nakalahad ang kaniyang kamay na may panyo. "There are fights that you think you should fight alone, that being helped by someone is a kind of weakness. It's not bad to face it head-on with the help of everyone. We'll win the practice game for you."

Tinapik-tapik ni Rex ang aking ulo. "Don't worry, Mabebs! Poprotektahan ka namin!"

A sob escaped from my lips. "Thank you."

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon