Chapter 9

41K 848 76
                                    

Chapter 9

Nightmare

"How is she?"

"Her fever gone down."

"Thank, God. Akala ko kung ano na ang nangyari kaya napatawag ka."

Bahagyang napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng nag-uusap. Hindi ko kaagad maimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. What happened yesterday was just a dream. It's impossible for Paul to be here. Naramdaman ko na naman ang bigat sa 'king dibdib. I thought I'm over him. I thought I'm fine. It just happens that I'm good at distracting myself.

"I think she's waking up." I heard an unfamiliar voice of a girl.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumangon. I'm in an unfamiliar room. Nang tumingin ako sa gilid ng kama. Nakatayo roon si Gio kasama ng isang magandang babae na kahawig niya.

"Good morning!" masiglang bati sa 'kin ng babae. "Are you feeling ok? You had a fever. Tinawagan ako ni Kuya Gio para bihisan ka kasi basang-basa ka ng ulan," aniya. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang aking noo.

Nahiya naman ako bigla. Pilit akong ngumiti. "Pasensya ka na, naabala ka pa. Hindi ko alam na nilagnat ako." Sumulyap ako kay Gio. "Where am I?"

"In my condo," sagot ni Gio. "It's closer to the mall so I decided to take you here. Kung iuuwi pa kita sa dorm, baka wala kang makasama dahil may date ang mga kaibigan mo."

Tumango na lang ako. Masama talagang nababasa ako ng ulan dahil napakasakitin ko.

Panaginip lang ang nangyari kahapon. Ipinaalala lang sa 'kin ang sakit na naramdaman ko noon. Napabuntong-hininga ako. Akala ko'y nandito si Paul. Bakit ko pa lolokohin ang sarili ko?

"Iwan ko muna kayo," sabi ng kapatid niya. "Nga pala, I'm Ashley. It's nice meeting you, Ate Lian."

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you, Ashley."

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Gio.

Umupo siya sa one-sitter couch sa tabi ng kama. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin habang nakakunot ang noo. "You mistook me for someone else last night."

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. I grabbed someone and prevented them to leave. I thought he was Paul. Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kahihiyan. I even cried!

"A-ah, I have to go home," pag-iiba ko ng usapan. Tumayo na ako mula sa kama. "Nasaan ang mga damit ko?"

He sighed. Itinuro niya ang lamesa kung saan may nakapatong na paper bag. "I brought it to the dry cleaners. You can wear it now."

Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang paper bag. "Thank you." Nagtungo na ako sa banyo para magbihis.

Hindi ako komportableng sabihin sa ibang tao ang mga nangyari sa 'kin noon. Takot na akong magbukas ng pinto at ipakita sa kanila kung sino talaga ako. Minsan ko nang binuksan ang aking pinto para sa ibang tao pero sinira nila ako. Sinira nila ang tiwala ko at higit sa lahat, ang puso ko.

Nang makalabas ako ay nandoon pa rin si Gio. Hawak niya ang kaniyang cellphone at seryosong nagtitipa. Tumingin siya sa 'kin nang makitang kalalabas ko lang ng banyo.

"I'll drive you home," aniya at inilagay sa kaniyang bulsa ang cellphone.

"H'wag na. Magta-taxi na lang ako." Inilapag ko ang paper bag na naglalaman ng suot ko kanina sa lamesa. "Masyado na kitang naabala."

Umirap siya sa kawalan. "I'll drive you home," he repeated with finality in his voice.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang wala akong magagawa kung ipilit ko pa ang gusto ko. Willing naman siyang ihatid ako kaya hahayaan ko na. Makakatipid pa ako sa pamasahe.

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon