Chapter 23

33.5K 698 30
                                    

Chapter 23

Obsessed

"Is the rumor true?"

"What rumor?"

"That Gio Andrei Dela Vega is dating Lian Isabelle Solis from the Education Department?"

"If it's true, they won't last long anyway."

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking sling bag. Sa bawat sulok ng campus ay nadidinig ko ang pinag-uusapan nila. Napapikit ako nang mariin. Dinala ko 'to sa sarili ko. I just blurted out those things without even thinking and now I couldn't back out!

"How about telling the girls who will flock over you that you're dating me so they'll stop pestering you?"

"I'm an idiot," bulong ko sa 'king sarili.

"Yeah, you are."

Napatingin ako sa 'king tabi at nagulat nang makita si Gio na sumasabay sa 'kin sa paglalakad. Nakasuot siya ng itim na sleeveless shirt, board short at running shoes. Sa kaniyang balikat ay nakasabit ang kaniyang sports bag. Kumunot ang noo ko dahil sa inis. Ayaw ko mang aminin pero ang guwapo niya talaga.

Malapit na kaming makarating sa gym ngunit sinalubong kami ng isang babae. Kahit sino'y mapapanganga sa ganda niya. Pang-model ang kaniyang tangkad at idagdag pa ang light golden blonde niyang buhok. Ang kaniyang mga mata ay kulay asul na parang sa dagat. Mukha siyang barbie!

"Gio, is it true?" Naluluhang tanong niya kay Gio.

Gosh?! Ang ganda ng accent!

"What is?" tanong ni Gio habang walang emosyong nakatingin sa magandang babae. 

Nawala sa isip ko na hindi katulad si Gio ng ibabang lalake na nagpapaapekto sa ganda ng babae. Kahit gaano ka pa kaganda, kung ayaw niya sa 'yo, wala kang magagawa.

"That you're dating this...this ugly bitch?!"

Napanganga ako nang magbago ang mala-anghel niyang mukha. Her face twister in anger that made her looked menacing. She looked like she'll attack me any minute. Ilang babae pa ba ang kailangan naming makasalamuha para tantanan na nila si Gio? Kasalanan niya 'to, eh! Kung hindi ba naman siya paasa at nagde-date ng kung sino-sino, hindi mangyayari 'to!

"What did you do to him, huh?" Dinuro niya ako. "You gave him a love potion or something?"

She tried to get closer to me but I held my hand out to stop her.

"So what if I'm dating him?" I looked at her straight in the eyes. "It's not my fault he fell for me." I dropped the bomb and smirked at her.

Mas lalong sumama ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Pakiramdam ko'y gusto niya akong sugudin ngunit dahil nasa school grounds kami ay hindi niya magagawa.

"I won't believe it until Gio says so!" Humarap siya kay Gio. "Tell me the truth, Gio! We were having a good time! How could this happen?"

He brought this upon himself. Paano siya titigilan ng mga babae kung siya mismo ang gumagawa ng dahilan para lapitan siya? When I told him I'll pretend to be his girlfriend, he still hangout with girls and drop them when he's already bored. Gaya nang babaeng ito. Maybe she's one of the girls he met at parties and thought Gio will fall for her.

Naramdaman kong may pumatong sa 'king balikat. Inakbayan ako ni Gio habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng umiiyak na ngayon. "Yes, I'm dating her," sagot niya. "And stop acting like we have a relationship. We just had a few drinks. It doesn't mean I'll date you."

Lumakad na kami paalis at nilagpasan namin ang babae. Nang makarating kami sa gym ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Marahas kong inalis ang kaniyang kamay sa 'king balikat.

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon