Chapter 22

30.3K 713 46
                                    

Chapter 22

Welcome to the Club

"Seriously?" bulong ko habang pinapanood si Gio na pinapalibutan na ngayon ng tatlong babae. They looked pretty and sophisticated while wearing signature bags and expensive-looking jewelries. Wala talagang pinipiling lugar at oras ang appeal niya. Kahit saan talaga dalhin ang tukmol na 'to, hindi puwedeng walang lalapit sa kaniya para hingin ang number niya o kaya'y makipagkilala sa kaniya.

Ipinagpatuloy ko ang pag-inom sa binili kong cookies and cream frappe. I don't have to say anything because even if I do, they'll just ignore my presence completely. Nang lumapit nga sila'y ni hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin.

Girls are scary indeed.

Even though I'm one, I just can't summon that kind of courage to approach a stranger just because they're my type.

"You're all annoying."

I flinched when I heard Gio's annoyed voice. Tumingin ako sa kanila. Ang tatlong babae ay mukhang nagulat sa sinabi ni Gio. Si Gio naman ay ni hindi man lang sila tinatapunan ng tingin. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagkain.

"If you don't get out from my sight, I'll call the security."

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil lahat ng tao rito sa café ay nakatingin na sa amin. Ba't ba ang lakas ng magnet niya sa mga babae? Kahit na ayaw niya'y hindi maiiwasang may lumapit sa kaniya.

Hindi pa rin gumagalaw ang tatlong babae. Taas-noo pa rin sila kahit na halata na sa mukha ni Gio na ayaw na niyang mag-aksaya ng oras sa kanila.

Tumingala si Gio. Maging ako ay kinilabutan sa kaniyang tingin. Kapag ganito siya, talagang hindi mo magagawang magsalita. "Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?"

Walang nagawa ang tatlong babae kundi ang umalis. Kung magpupumilit pa rin sila ay siguradong sila lang ang mapapahiya. Napakadali ngayon na sumikat gamit ang iba't-ibang paraan. Subukan nilang mag-eskandalo, isang kuha lang ng video at upload sa social media ay kaagad sila magte-trending.

"Finally, some fucking peace," aniya. Kinuha niya ang burger at marahas na kinagat ito. Nakakunot ang kaniyang noo habang ngumunguya at punong-puno ang bibig sa laki ng kagat niya.

"You have to do something about it." Itinuro ko siya gamit ang hawak kong tinidor. "Hindi puwedeng everytime na nasa public ka, may lalapit sa 'yo. Hindi ba't nakakapagod 'yon?"

Ibinaba niya ang burger na kalahati na lang ngayon. May amos pa siya sa gilid ng kaniyang labi pero hindi ko muna sasabihin dahil para siyang bata kumain. He looked kinda cute with it.

"And how the fuck will I do that?" iritadong tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa kaniyang noo.

Itinagilid ko ang aking ulo habang nag-iisip. "How about getting serious with one girl? You better stop playing with their hearts. It will come to bite you one day."

Itinagilid din niya ang kaniyang ulo at ngumisi habang nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. "How about I get serious with you?"

Nabitawan ko ang hawak kong tinidor. Saglit na tumigil ako sa paghinga nang madinig ang kaniyang sinabi. Nabalik lang ako sa realidad nang madinig ko ang mahina niyang tawa.

"Just kidding." He reached out and flicked my forehead. "Who would date you?"

Hinawakan ko ang noo ko. "Who would seriously date an asshole like you?"

Nagpatagalan kami sa pagbibigay ng masamang tingin sa isa't-isa. Sa huli ay siya ang natalo. Tumayo na siya at kinuha ang nakapatong na wallet at cellphone sa lamesa.

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon