Chapter 25

878 18 9
                                    

Masakit na masakit ang ulo ko pagka-gising ko ng umaga. Papano ba naman kasi kagabi.. Kagabi.. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Kasi ang naalala ko, Nag-offer si Orlando na ihatid ako. Tapos sabi ko wag na munang umuwi at magpapalamig lang ako ng ulo. Dinala naman niya ako sa may Fishport malapit sa kanila na maydala-dala pa kaming bote ng alak. Katapos.. Ano na nga ba yung nangyari??

Hindi ko kasi matandaan na.

"Gising ka na pala." Tinignan ko naman ang matandang babae na nakatayo sa gilid ng pintuan ko. Hawak-hawak ko pa ang ulo ko non.

"Ma-a-mu."

"Humiga ka na lang muna diyan, at nagtitimpla pa si Papsy mo ng Kape pampawala ng Hangover mong yan" umupo naman siya sa kama ko. "Ano naman kasi yang pinag-gagawa mo? Nalingat lang kami sandali.. eto na..."

"K-kasi.. Mamu.."

"Wag na. Alam na namin ang lahat.. Alam ko rin na nahihirapan ka na mag-explain." huminga naman siya ng malalim. "Gusto ko talaga na magkabati na kayo ni Jed. And of course mas gusto namin ng Mama niya na magkabalikan kayo kahit alam na namin na malabo pa sa may taong may cataract ang gusto namin na mangyari.." tumawa naman siya ng mahina. "Akala ko yun na eh. Akala ko may chance kayo. Oo, boto ako kay Marky para sa'yo pero gaya ni Antonette mas mapapanatag kami kung kayo na lang sana dalawa ni Jed. Kaso parang nalason yang Ex mo eh. Mas pinili pa yung babaeng minsan ay niloko na siya. Hindi na nadala."

"Wag na po nating pilitin. Mas mahal niya yun eh." ang bitter pa ng pagkasabi ko non.

"Okay  lang ba sa'yo?"

"Wala na naman tayong magagawa jan eh. Basta.. Basta ako.." huminga ako ng malalim. "susubukan kong maging masaya para sa kanya.. At Mamu, Okay naman din si Marky. Masyado lang po talagang pormal."

Tumawa naman siya tapos sabi.. "Pansin ko rin nga eh.. Masyadong PORMAL. O Siya.. siya.. Magpahinga ka na at susunod na si Papsy dito."  tumayo naman siya at nagmarcha palabas ng kwarto. Malapit na siya sa pintuan non ng mafeel ko talaga na may pagka-Weird yung mga pananalita niya. The 'PORMAL SI MARKY.' 'DI NA NADALA SI JED.'

What was that?

"Ma? Bakit parang ang weird mo?" tanong ko ng di ko na talaga matiis yung ganyang presence niya.

"Alin?" tapos nag smile siya ng todo. "Hay naku.. Dala lang yan ng kalasingan mo kaya ganun. Magpahinga kana muna."saka siya tumalikod.

She's acting weird but why?

***************************************

Never thought about sleeping again kanina but I did.

I woke up 3pm that afternoon. Grabe nga yata ang nainom kong alcohol. But now I feel better. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko, ang mga mata ko, yung katawan ko, yung lalamunan ko. Sana ganon din ang puso ko.

Naalala ko na naman paano ako tinalikuran ni Jed kagabi for the second time. Ewan ko nga kung alin sa dalawa yung mas masakit yung nauna o yung bago lang.. Kasi di ko matancha siguro pareho o siguro na-immune na ako. Kung bakit pa naman kasi binalikan ko pa eh alam ko na naman ano yung ending sa lovestory namin. Gaya lang naman ng dati ako yung aasa, ako yung magpapakatanga at ako yung masasaktan.. Ako yung Iiwan.

"Ang haba ng tulog mo sleeping beauty ah." inangat ko naman yung ulo ko. Si Orlando lang pala.

"Salamat nga pala kagabi ah? Pasensya ka na rin sa abala." sabi ko na tipid pa ang ngiti sa kanya.

"Anong salamat? May bayad kaya yun!"

"Huh??" tinignan ko naman siya ng masama. Tong taong to minsan nga lang tumutulong magpapabayad pa.

"Biro lang naman yun siyempre. Pero kung gusto mong bumawi samahan mo na lang ako manonood ng Concert sa 28."

"Ano naman yun?"

"Ewan ko. Pero balita ko hindi taga dito yung performer." nagsmirk naman siya. "sigurado akong maraming Chikababes don!"

"Kaya naman pala. Okay.." Napalingon naman ako biga ng umingay sa labas.

"O? Ikaw Orlando ha? Gising na pala to si Jazmyn di ka man lang namalita. Gusto mo yatang masolo siya eh.. Samantalang nasolo mo na siya kagabi." Kilabot naman yung naramdaman ko sa sinabi ni Simon.

"Ano?"

"Alam mo Jaz.. " naging seryoso naman yung mukha ni Orlando non. "Tama lang na pinakawalan niyo na ang isa't isa. Para naman na sumaya na kayong parehas.. And I thought about what you told me last night nong nasa Fishport tayo.. Yung kung magmamahal ka dapat pabayaan mo siya na maging masaya kahit na hindi ka na parte nito. Kahit na ikaw mismo ang nasasaktan kailangan mo magsakripisyo. Nagmamahal ka eh." Tumawa naman siya ng mahina. "Kaya nga sobrang bilib ako sa'yo. Biruin mo yun? Kinaya mo?? Kaya tama lang talaga na magseryoso ka na diyan sa Marky mo."

"O nga.. Let the past be the past. Minsan lang mangyari ang first love and last ka ng isang tao.. Well, hindi lang siguro satin nangyari."

"You're confusing me guys.. Dati gusto niyo na may malaman ako. Parang gusto niyo na kami na lang ni Jed. Ano naman na ngayon?"

"Well,"  sabay tingin niya kay Orlando. Nag-nod naman siya. "I guess what we've seen last night is enough to move on about you guys. Saka wag mo ng isipin yun."

"Ano ba kasi yung gusto niyong malaman ko?"

"Jaz.. Wag na. Hindi na yun importante. hindi na."

Sabay yakap nilang dalawa sakin.

Kahit na malabo yung samin ni Jed ngayon, at yung samin din nila Andrei parang okay na muna sakin na nandito ang dalawang taong to. 

Tingin ko naman okay na yung piliin ko si Marky. Siya naman talaga yung may deserve nito. Kahit na hindi ko siya mahal like yung parehas kay Jed alam ko matutunan ko rin yun. 

"Ang importnate masaya kayo." tapos nagsmile siya. "Well ito nga pala gift namin." sabay turo sa malaking box as in malaking malaking box.

"Anong laman naman niyan?"

"Paano mo malalaman kung magtatanong ka lang diba?" namimilosopo pa. 

"Walang alam-mo-na diyan?" Tumawa naman sila ng malakas.

"Naman! mamaya na yung alam-mo-na diyan pag ikakasal ka na." tawa pa rin sila ng tawa. Sira talaga tong si Simon eh.

Lumapit naman ako sa box. Halos kasing lapad lang ng kama ko at palagay ko aabot hanggang 3 meters ang haba non. Humugot naman ako ng malalim na hininga, saka nilingon ko sila.

"Sure kayo ha? Baka may naghuhubad dito mapapatay talaga kayo ni Papsy."

"Alam namin yun kaya hindi namin yun gagawin ano ka ba." tapos ngumiti naman ng nakakaloko si Simon.

"Saka alam mo namang Jaz na ako lang yung may pinaka magandang katawan samin. Nandito ako so walang naka-hubad-hbad na tao diyan." iniripan ko naman si Orlando pero pabiro lang. Ang lakas talaga ng loob ng taong to eh no?

Til Death Do us Part [Under Construction]Where stories live. Discover now