Chapter 19

985 20 12
                                    

Everything went well last following days. Walang gulo. Away. Kung meron lang saming dalawa na lang yun at hindi naman gaano kalaki. Dito na nag-almusal, nag-luch at nagdinner si Jed. Umuwi nga lang siya para maligo at magbihis. Paminsan-minsan rin bumibisita ang barkada paisa-isa. 

At paminsan-minsan din nagtataka na sila kung bkit nadadatnan nila si Jed sa bahay. Pagtinatanong nila ako hindi ako makasagot ng derecho, buti na lang at sinasalo ako ni Jed at sinasabi na lang na pinapa-check ako nila Mamu. Tumataas na lang yung kilay nila pero walang sinasabi. Hindi na lang din ako nag-cocomment pagdating don. Minsan may konting asar din pero ngumingiti na lang ako at dinadaan sa biro yung asar nila. Tawa lang din naman yung ginagawa nila.

Sila Mamu nga pala nag-extend ng ilan pang araw sa Davao. Okay na naman daw yung kapatid niya pero gusto lang daw muna niyang manatili don para mabantayan at makasama ng mahaba-habang panahon. Nag-offer naman ako na sumunod sa kanila na agad namang sinimangotan ni Jed buti na nga lang at sabi ni Mamu na wag na lang daw at baka maabala pa nila yung bakasyon ko at yung homecoming na pupuntahan ko.

Si Marky naman.. Si Marky.. Ano bang ibabalita ko sa kanya? Wala naman na akong balita tungkol sa kanya. Wala na akong text na narereceive. Ni kumusta. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung may babalikanpa ba ako don. Kung may naghihintay pa ba sakin. Alam naman yun ni Glady kaya maski siya nag-aalala din. Tinext daw niya pero hindi na daw nagrereply. Ako naman ayokong-ayoko na ako ang mauna magtext lalo pa ngayon nagui-guilty ako sa pinag-gagawa ko.

Monday na nga pala ngayon. 

1week na ako dito sa probinsya. Okay lang din naman. Masaya. 

Monday na ngayon bukas homecoming na. Kaya nandito ang barkada. Attendance is almost perfect. Wala kasi si Chereese. Napaisip tuloy ako kung pinagbabawalan siya ni Jed. Nong tinanong ko naman sila kung asan siya sagot lang ni Sharmane eh..

"Natural. Hindi naman natin yun ka-batch nasa ka-batch niy siguro.." 

 "Saka nahiya na rin siguro yun sa pamamaratang niya."'sa pamamaratang niya..' I echoed on my mind. Hindi na lang yun basta-bastang pamamaratang eh.

"Okay. So anong plano natin bukas?"

"Mag-papacater na lang kaya tayo?"

"Okay lang sakin."

"Puro ka okay Jaz ah?!" comment ni Queennie. "Good Mood lang teh?"

"Baka naman Inlove?" sabay tingin ni Naiza kay Jed. Tinawanan ko na lang. Si Jed naman yumuko na lang.. Ang Pinaka-Weird tinignan ako ng Masama nina Andrei at Glady. What was that?

"So Jaz ikaw magbabayad sa 50 %  ng pagpapa-cater tapos kami na yung maghahati sa other half. Okay ang ba yun?" suggestion ni Simon.

"Okay.." teka! mali. "ANO????" Nagtawanan naman sila.

"You're out of your mind Jaz! I think you're bothered. Do you mind sharing it?" sabi ni Simon saka nag-flash ng naughty smile niya sakin then tinignan si Jed. Tinaasan ko lang din naman siya ng kilay.

"You guys should stop that." saway ni Glady na parang naiirita.

"May MARKY na yan!" pagdidiinan naman ni Andrei.

Himala yata nagka-sundo ang dalawa. Pinagtataka ko lang bakit parang iritado sila? Akala ko ba sasaya sila ano man ang pipiliin ko basta masaya lang din ako?

***********

Naglalakad kami papuntang Park katapos nong meeting namin. And nagtagumpay nga sila na papayagin ako na ako magbabayad ng 50%. Ang sama nga eh kasi ginagamit nila yung 8 years na wala ako.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon