Chapter 13

1K 17 6
                                    

Tumingin ako sa mga tao sa sala na nakaupo. I can see they're tense. Sarap nga sabihin na "Umuwi na kasi kayo". Pero ayoko naman maging masama. Tiningnan ko naman siya tapos sabi ko..

"Hindi na.. Nakakahiya naman. Kayo pa naman ang bisita.. Upo ka lang diyan. Ako na." sabay talikod uli.

"Okay.. sasamahan na lang kita.." nilingon ko naman siya. Feeling ko kahit anong hindi ko sa taong to Talagang hindi niya ako tatantanan at kung di niya ako ma-corner ngayon sigurado ako na Gagawa siya ng paraan sa susunod. Huminga naman ako ng malalim saka nagisip. Tinignan ko sila  na nakaupo pa rin sa sala, parang gusto nilang i-grab siya saka paupuin uli pero hindi rin sila sure sa gagawin nila.

Tinignan ko si Glady umiiling naman siya. I know ayoko rin ng gulo pero dinal-dala niyo kasi tong taong to dito wala na tayong magagawa kung mag-iinsist siya.

Tiningnan ko siya sabay ngiti. "Sure."

Sumipol naman si Andrei non. Ginagawa niya lang yung pag-feeling niya may trouble.

Well, hindi naman ako naniniwala dun Siguro gusto niya lang na mag-usap kami na kaming dalawa lang.

Nakakabingi ang katahimikan nung time na nasa kusina na kami. And take note tinupad niya talaga yung sinabi niya na hindi siya tutulong at sasamahan niya lang ako. At ngayon nga nasa harapan ako ng stove siya naman nakaupo sa table sa likod ko at tinitignan lang yung bawat galaw ko. Hindi naman ako madamot sa ngitian kaya paminsan-minsan ngini-ngitian ko siya.

Gusto kong mag-open ng topic pero ano naman sasabihin ko? yung walang kamatayng kumustahan na naman? Obvious naman diba? Masaya na siya. Masaya na siya kay Jed.

"Ate.. Kailan ka babalik ng Cebu?" sa wakas!! after 38 years nagsalita na siya.

"Uhmm.. Hindi ko pa alam.. Baka after New Year." sabay salang ko ng karne sa niluluto ko.

"Ah.. so Next Next Week.."

"Mga ganon na nga.. Gusto ko rin na mag bakasyon muna.. Alam mo na, Nakakastress kaya yung la--"

"mga 3 weeks?? Magtatagal ka pala dito.." 

"Oo."

"8 years ka rin na nawala. Ang ganda mo na.." yung titig niya sakin non hindi ko mawari kung sincere, nag-jojoke o sarcasm. 'chill jazz..'

"ahh.. Ikaw nam--"

"Bakit ka pa umuwi? After 8 years.."

"Bakasyon nga saka stress yung ---"

"O baka naman umaasa ka na magkabalikan kayo ni JED?" talagang may Emphasis pa.

"Uhmm?? May Boyfri--"

"Feeling ko you won't Succeed.. He loves me." Mahal ka naman pala eh, ba't parang natatakot ka? May sira din tong babaeng to eh.

Ang dami-dami pa niyang sinasabi non. Yung bibig niya parang naging M16 na sa kakaputak. Hindi ko alam ano na naman yung pinagpuputok ng butche nito eh. Wala naman akong ginagawa sa Boyfrien o asawa niya. Nasa bahay lang kaya ako magdamag. Saka hindi ko naman alam na susunduin niya kami kahapon diba?

Pinabayaan ko na nga lang. Kung ano man ang pinagsasabi niya wala akong pakialam.

"Makinig ka nga!!!" inis na inis na yung boses ni Chereese non. 

"Kung nasira man ang pamilya mo wag mong sisihin si Jazmyn. Wala siyang alam!" Parehas kaming napatingin kay Andrei. Nagulat din ata siya sa lakas ng boses ni Andrei non. Buti na lang malakas din yung volume ng TV. Hindi siya narinig sa sala.

He walked and stood next to me. So yun pala yung sinasabi niya kanina na hindi ko pinakikinggan.

Then she Pushed me. Ang lakas non. Buti na nga lang at nasa gilid ko si Andrei kaya nasalo naman niya ako.

Hindi ako nagsalita. Ni nagreklamo. Hindi naman sa naduduwag pero, hindi namna kasi ako guilty at hindi ako ganyan na tao na napaka-physical pagdating sa gulo. And I won't stoop down to her level.

Inakay ako ni Andrei hanggang sa upuan. Saka hinarap ulit si Chereese.

"WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN SI JAZMYN NG GANITO!" he's not shouting but he's talking to her slowly in a low voice with emphasis. Parang pinapa-sink in niya sa utak ni Chereese yung lahat ng sinasabi niya.

"INAGAW NIYA SI JED DREI!!! UNA NIYA AKONG SINAKTAN!!"

"TALAGA??" sabay ngiti ni Andrei. Hindi yung natural na ngiti, but that Evil Smile.

Nainis yata si Chereese non na wala lang akong ginagawa, at nakatitig lang ako sa kanila. Kaya ginawa niya sinugod nya ako.

Gusto niya akong sampalin, sabunotan. But hindi lumapat sakin lahat ng yun dahil nasapo siya ni Andrei at tinulak siya sa ref.. May feeing nga ako na sasampalin niya si Chereese ng wala sa oras eh. Kasi nakataas na yung kaliwang kamay niya.. 

Aawatin ko na sana sila non kaso may dumating..

"J-jed.." pabulong ko na tawag sa kanya.

"CHEREESE!! ANDREI!!!" sabay lapit sa kanila. "Ano to??"

Nagkatitigan lang sila ni Chereese at Andrei non. Walang Sumasagot.

Lumipad naman yung tingin ni Jed sakin non. Kaso hindi ko alam anong isasagot kaya lumapit na lang ako kay Andrei sabay akbay sa kanya. 

Pero yung titig ni Jed non di pa rin ako pinapakawalan, nakayuko na nga ako. Siguro napansin ni Andrei yun kaya siya na lang yung sumagot..

"Tanong mo diyan sa "EX" mo!!" talagang nag-quote pa siya gamit ang kamay niya non. So Gaay! Tatawa na nga sana ako eh.. pero sandali lang?? 

"EX"???

Kala ko..

Nong naglaho na nga parang bua ang dalawa at kami na lang ni Andrei na nandun sa kusina, gusto ko siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng EX, ako?? o Si Chereese? Malamang ako. Ako lang ang Ex diba??

Ako nga ba?

"Kung may itatanong ko, itanong mo na.." napansin niya siguro na nag-iisip ako.

Ito.. Siya na nag-offer.

"W-wala.." sabay ngiti. "Hindi naman ako Interesado eh."

Akala ko ba.. gusto kong malaman?? Ako na talaga ang dakilang duwag.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon