Chapter 32

1K 31 12
                                    

Parang sasabog na talaga sa sakit ng ulo ko ang pinag-gagawa ng dalawang taong to sa harapan ko. Una yung Speech ni Marky na parang ako pa yung umaayaw sa kanya o kaya ako yung Problema sa Relasyon namin. Tapos ito namang isa ngayon na kumakanta.

"Will You Marry Me??" hingal na hingal na tanong niya. Hindi na lang naghinaty na maging okay yung kalagayan niya eh noh?

"NO." nag oooww at awww naman yung mga tao. Siya naman parang hindi na maipinta ang mukha.

Naman! Pinoproblema ko na nga itong si Marky na biglang nagback-out dadagdag pa siya sa inaalala ko. Alam naman niya na malaking ekis yung ginagawa niyang pagpo-propose. Paano na lang yung sasabihin ng mga tao samiin? Sa kanya? Sakin? Baka sabihin pa nila pumapapel ako sa taong may pamilya na. Tama ng nahusgahan ako nila Andrei dati.  Ayoko ng mangyari uli yun. Paano na lang yung anak niya? siguradong kamumuhian ako non. Si Chereese? Paano yun? Edi buong buhay ko guguluhin na naman niya.

"Pumunta ka lang ba dito para guluhin yung party??" Tinalikuran ko na siya na nakatayo lang sa mini stage na ginawa nila Papsy kanina. Narinig ko pa na medyo nag-Echo yung Mic.

"Jaz, Hindi ko na alam anong gagawin ko eh."Narinig ko na nagsalita naman si Jed pero patuloy pa rin yung pagglakad ko. Sino naman kasi ang may sabi na may gagawin siya? " K-kanina nong nagkita kami ni Marky akala ko away lang yung hanap niya, pero gusto lang pala niya ibigay ang Invitation. Wala talaga akong balak na pumunta dito, kasi nasasaktan ako.. Kahit na dapat maging masaya na  lang ako sa desisyon mo. Nong tinanong mo ako kung nahanap ko na sila.. Oo Nahanap ko na sila. At Oo ma-masaya na si Chereese at Carlisle with his real Father." napahinto naman ako non malapit sa pintuan ng bahay namin. "Kung sana maaga na nalaman ko yung totoo sana may chance pa ako na magpropose sayo. Kanina ikaw talaga ang gusto ko na makausap pero iba yung dumating.. Akala ko mas pinrefer mo na siya na lang ang mag-abot ng invitation at siguro na rin ayaw mo na ako na makausap.. Kaya sabi ko ng nakatalikod ako kay Marky never ako na pupunta dito.."

Narinig ko naman na huminga siya ng malalim at nagbulongan yung mga tao. Ang drama naman ng Storya ng buhay ko. Ako naman dahan-dahan ng humarap sa kanya.

"Itatapon ko na sana tong invitation kaso ng kinompare ko sa kanila ni Mama sakin lang yung makapal. At sakin lang yung naka-address talaga sakin.. Pagbukas ko, isang Card at Picture.. P-picture nating dalawa nong high School sa Wedding Booth. I thought iniinis lang ako ni Mark kaya tinapon ko sa sahig.." tumawa naman siya ng konti.. "Alam mo may pagka-weird din yang si Marky kasi sinulat ba naman niya sa picture na 'Til Death do us part'.. tapos nagtext siya na ako daw yung tao na kokompleto nga mga pangarap mo kung hindi lang sana siya nagmadali baka may chance pa. N-na.. Maging tayo. Na tayong dalawa ang haharap sa Altar."

Tinignan niya ako na parang nagtatanong. What is he expecting from me? Ay oo nga pala yung sagot sa tanong niyang "Will you Marry me?".. kaso hindi ko pa alam anong isasagot ko.

Ang bilis-bilis kaya ng mga pangyayari. Ni-hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot o mas right kung magtatanong.

"I am not the Cheesiest person on Earth, you know that. Hindi ako yung tipong sasabihin ko sa lahat anong pwede kong gawin para sa'yo. Hindi kasi ako ganon ka-Vocal sa nararamdaman ko. Unlike Marky. Di tulad ng taong gusto mo." huminga naman siya ng malalim. "So.. S-siguro hindi na lang ako magrereklamo k-kung siya yung pipiliin mo.. Oo ako yung nauna.. pero siya yung nagpasaya sa'yo nong nawala ako... So.. Hindi mo man ako piliin, I will still Love you--"

"FOREVER??" sabi ko na pinutol yung sasabihin pa sana niya. "Alam mo dalawang tao na yung nagsabi at nangako ng Forever na yan eh. Dalawang lalaki na ang dumaan at sinabi yang Word na yan.. Well, I am just so Lucky na ni-isa sa dalawa walang tumupad.. at nadagdagan pa yung pagiging maswerte ko nong tinalikuran ako nong isa at nagback-out yung isa.." nilibot ko ang paningin ko. I can see Marky in my left na nakayuko. Si Jed din sa harapan ko nakayuko rin. "Just my Luck. Ang swerte-swerte ko sa lalaki no? Ang swerte ko sa pag-ibig. Bwisit na Love-love yan!!!"

Binagsak ko yung kamay ko sa table na malapit sa kaliwa ko. Grabe tong eksina na to. Hindi ko rin na-imagine na magiging ganito yung party. I thought itutuloy lang yung party then magpe-pretend kami na matutuloy yung Wedding. Iba yata yung Inexpect ko. Everything's a Mess. Everything is ruined.

Lumapit naman si Queennie sakin at hinimas-himas ang likod ko. I don't know why she's doing that. Diba ginagawa lang naman yun kapag umiiyak? Hindi naman ako umiiyak eh. Naiinis lang ako.

"Alam niyo, Wala naman akong pakialam if Forever did Exist. Kasi sa ngayon alam niyo? Wala na akong gustong paniwalaan sa inyo eh." tumalikod na ako non ng may naisipan ako na idygtong sa speech ko. "And just so you know.. Hindi ko kailangan ang Forever niyo! What I need is someone na sasabihin niya na kaya niyang panindigan yung sinasabi niya, yung pangako niya at  higit sa lahat ako. Hindi yung katapos akong paniwalain mawawala na lang ng parang bula." at talagang tumalikod na ako ng tuluyan non. Sabi ko sa sarili ko hinding-hindi na ako haharap pa ulit.

"J-jaz.." nabubulol pa niya na tawag sakin. "I wasn't about to say forever.. Kasi kung sasabihin ko yan naisip ko baka ang isagot mo sa akin 'just another lie.' I won't promise forever 'cause I won't be able to live that long. At kaya kong panindigan yung sinasabi ko, yung pangako ko at ikaw.. For the rest of my life. I will love you til the day I die, 'cause only death can tear my love apart." 

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon