Chapter 7

1K 14 6
                                    

hi! Sorry guys! Late update! :(

Ang lapit-lapit na ng mukha namin. And all I did is to cling my head and close my eyes. Ang tanga ko. Hindi ko alam saan tutungo yung halik niyang yun, basta alam ko kasunod nun..

"NAKAKAINIS TALAGA YUNG LALAKING YUN!!!" Napatingin naman ako kay Glady na pumasok sa pintuan. "Ooops! Sorry!"

Tatalikod na sana ulit siya pero hinila ko naman siya pabalik ng room.

"No. Stay Here." tapos ako naman yung tumalikod, at lumabas ng room.

Tinawag pa nga ako nilang dalawa, pero tumakbo na ako ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung pwede kong maramdaman. Ano ang dapat kong maramdaman. Mababastos ba ako dahil sa halik niya? Yun yung dapat eh. Kaso, hindi. parang ang saya ko pa dahil parang.. may nararamdaman ako sa kanya.

Takbo lang ako ng takbo. Kahit hindi ko alam saan ako pupunta.

He's not my first kiss, pero parang nakuryente at kinikilig ako. Aaminin ko nanghina yung tuhod ko nun. Parang ang saya-saya ko.

Nasa mountain View ako ngayon. Tumitili sa saya actually. After 8 years nahalikan uli ako, though namimiss ko yung last kiss ko. Si Jed.

Napatingin naman ako sa langit.

"Papa God,

Bigyan mo nga ako ng sign kung si Marky na ba talaga yung Future ko? yung ipapalit mo kay Jed? He's beyond ideal though. Napaka-perfect. Higit walng taon kaming magkakilala pero hindi ko pinapansin yung mga ginagawa niya. Ako na talaga.. Ako na yung Bulag, Pipi at Bingi. At walang sense sa ginagawa niya." huminga ako ng malalim "Hindi naman siguro masama kung mahalin ko rin siya diba po? Kung susuklian ko yung ginagawa niya.." natawa naman ako.."Ano ba to.. hindi pa nga siya nag-tatanong diba.. Ang feeling ko naman!"

"Hindi ah.. You didn't gave me a chance to ask you earlier kaya nasasabi mo yan." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Twas himStaring straight at me. Ang gwapo niya. Kahit na naka Pajama lang siya. Bakit ba hindi ko nakita ito dati pa? Ganito ba ako kabulag na hindi ko nakita yung lalaking andiyan para sakin? Ganun ba ako ka insensitive para hindi ma-feel yung presence niya? Ganun ba ako ka-pipi na hindi ko naappreciate yung lahat ng ginawa niya? Gannito ba ako kabingi that I didn't even recognize my heart beating next to his? or I am jus afraid of loving him kasi alam ko masasaktan at masasaktan lamang ako?

Naglakad iya patungo sakin. Pero kahit naglalakad siya papunta sakin hindi pa rin niya hinihiwalay yung mata niya sa mga mata ko.

That was Sweet.

Pagkarating niya sa harapan ko, nilapit naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Yung katulad ng ginawa niya kanina. Hindi ko alam pero hinihintay kong gawin ulit niya yung ginawa niya uli kanina. That kiss. I then closed my eyes.

He kissed me Passionately and tenderly.

"Miss Lim.. I've been waiting for this moment to come."

"And it did." Kinuha ko yung kamay niya sa pisngi ko. "I've been waiting for you to ask me that question i've been longing to hear from you.."

Tapos tumawa siya ng malakas. "Okay..okay! tea.. tatanungin pa ba kita?"

"Yes!"

"Ayoko nga.. alam ko na naman yung sagot eh."

"Basta.. ask me!"

"Myn-Myn.. Be My Girlfriend!" tapos tumalikod siya.

"Hey!! I WANT YOU TO ASK ME!" tapos hinabol ko siya.

"Ayoko."

"Bakit?"

"Natatakot ako sa magiging sagot mo.. natatakot ako na baka si.." huminga siya ng malalim.. "Si Jed na naman yung nagiging rason tulad ng nirarason mo sa mga nanliligaw sayo.."

"Kasi si Jed ang First love ko. Siya yung unang nagbigay kulay ng mundo ko. Siya yung unang lalaking tinuro sakin kung paano magmahal. siya yung taong unang nagpahalaga sakin.. yung nagmahal sakin.. yung nagpasaya, nag-alaga at nagpaikot ng mundo ko.." napasimangot siya, saka tumalikod at dahang-dahang naglakad papunta sa sasakyan niya. Alam ko kahit na tawagin ko siya pabalik hindi na siya makikinig at babalik kaya pinilit kong maglakad kasabay niya.

"But then you came.. Kahit na naiirita ako dahil lagi mong kinokontra ang desisyon ko sa lovelife ko, kahit na sini-simangutan mo ako dahil lang sa maliliit na bagay, kahit na overprotective ka.." hingal na hingal na ako nun. Ang bilis niyang maglakad.. "Kahit na sabi nila hindi tayo bagay at maraming nag-aaway sakin dahil sobrang close ka sakin.. Masaya parin ako.. At oo Mahal na yata kita dati pa. and i've waited for that kiss for 28 years of existence! kahit na si Jed yung nauna.. Iba Ka parin! Kasi ikaw yung bumuhay sa namatay kong Mundo." He stopped walking tapos tinignan niya ako.

"What?"

"I LOVE YOU.. i Love You Marky.." Nahihirapan na akong huminga nun. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko..

"You What??"

Gusto kong sagutin yung tanong niya pero nahihirapan ako. Na-blurry na yung paningin ko. Nahihirapan na akong huminga. Ang sakit sakit ng dibdib ko.

"Hey Jazz. Ano ulit yun??"

"O-o.."

"sabi ko ano? Bakit oo lang sinasagot mo??"

Oxygen! Oxygen yung ibig kong sabihin. Hindi Oo!

Tinry kong tumayo ng tuwid pero nanghina na yung tuhod ko at buong katawan ko kaya napasandal ako kay Marky and then it went Black.

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon