Chapter 26

930 16 3
                                    

@DiorEstrella - YAN! KASI NAHULAAN MO :)) HAHAHAH! 

SALAMAT PO SA PAGBABASA NITO. mALAPIT  NA PO ITO NA MATAPOS EH. PERO I HOPE NA SANA MAG-SUPPORT PA RIN KAYO SA NEXT KIMXI NA ISUSULAT KO :)))))

------------------------------------------------------------------------------

Hindi naman ako nag-alinlangan na buksan na yung Box. Parang Harmless naman. Kaya lang nong papalapit na ako may narinig akong humihinga ng malalim.

"Ano yun?" pataray na pagturo ko sa box. 

"Wala."

"May huminga tapos wala?"

Tumawa lang sila. Nilingon ko namna uli yung malaking box sa likod ko. Nagulat na lang ako nong biglang nag-open ng mag-isa ang sides ng box. Nilingon ko na naman yung dalawa.

"Nasira tu--." hindi ko natuloy yung sasabihin ko cause right from the corner of eye may nakita akong yellow balloons na lumilipad. Slowly I turned my head then I saw them na may dalang pinakamalaking teddy bear na nakita ko. Brown yung kulay saka may red scarf pa sa leeg non. Nakangiti sila sakin, pero yung awkward na smile.

Ako naman nataas ko na lang yung kilay ko sabay sabing.. "Papanong?? Nagkasya ang box na yan dito??" at ngayon ko pa talaga na-realize eh noh?

"Ewan ko Jaz kung nagpapatawa ka o sadyang slow ka." tumawa naman silang lahat. Oh Well, Maliban sakin. "Oh! So you're serious!" tapos pinigilan naman ni Simon yung pagtawa niya.

Like.. Yeah? Yeah.. as in mahina pa yung connection ng utak ko.

"Anong Bear ang walang katappusan?" Andrei.. Naman! Slow nga yung connection ng utak ko eh. Parang Internet. Nag-isip naman ako.

"Fore-BEAR!?" tawa naman sila. Ako naman hindi sa nagiging plastic pero nakikisabay lang talaga ako. Ikaw ba naman panghinaan ng utak makakaya mo? Tulog pa ata hanggang ngayon yung mga brain cells ko.

"that's us.. Friends Fore-Bear!" tapos yumakap naman si Glady!

"Ano naman yung Bear na lumilipad?" si Simon.

"BEARd?" ang easy naman nun. Binigay naman na nila yung malaking TeddyBear. As in halos bewang ko na. Niyakap ko naman yun.

"Eh yung magkakaibigan??"

"Huh??"

"EDI BEAR-KADA!!!" sabay pa silang apat na sumagot at yumakap sakin. 

Masasabi kong Palpak ako sa Lovelife pero Nagpapasalamat pa rin ako na may matitinong kaibigan pa rin ako. Kasali naman diyan si Marky. Hindi naman siguro sobra yung pagkapalpak ko sa Lovelife pero aaminin ko, that time when I thought about him naliwanagan yung isip ko na ituon ko na yung attensyon ko sa kanya. 

Nong niyayakap ako nilang apat nilibot ko naman yung paningin ko sa buong kwarto ko. Ako kasi yung nasa middle kaya medyo hindi mahirap sakin na pagmasdan ang pictures na malapit lang sa closet ko. Nandun yung kompleto pa kami ng barkada. Yung high school pa kami. May picture talaga kami sa lahat ng lakad namin. Saka yung mga bakasyon na may iba-ibang lakad kami with our family dapat talaga magbibigayan kami ng solo picture galing sa bakasyon. Gugupitin At ipagdidikit-dikit namin yan.. Para na rin kaming magkasama sa bakasyon. Pinilit ko naman na wag umirap o di kaya sumimangot sa sunod na picture. Samin ni Jed. That pic was taken a long time ago. 3rd month  namin yun nong pumunta kami ng Cebu na kami lang dalawa. That was Christmas Vacation at libre ng Papa niya yun. 

Pinilit ko naman na ngumiti and through my mind I told him..

'Pipilitin ko na maging masaya para sa'yo. I know Tama tong pinili natin.. Good Luck satin Ba-- .. I mean Jed.'

"Ano naman ang Bear naman ang mayroong kapitan??" tanong ng babae na papasok sa kwarto.

"BEAR-ranggay!!" sigaw naman nilang lahat.

"Yan! Okay na tayong Lahat!!" sabi ni Shane na tumatakbo with arms wide open patungo samin. 

"POWER HUG!!!" sabi naman ni Naiza. At nagyakapan naman kami.

Ang OA lang kasi parang ilang oras lang nga nong last kami nagkita lahat tapos over na magyakapan. Sila na siguro yung pinaka- Cheesy, Corny o anu pa yung tawag niyo diyan sa lahat but I'M So Lucky With them.

"ANO NAMAN ANG TAWAG SA BEAR NA INIINOM??"

Alam na naming lahat yun eh. Kasi Old joke na talaga yan ni Orlando pag ganitong may okasyon. Tulad mamaya Christmas.

"BEAR NA BEAR!!" sigaw naming lahat. Tawa pa rin kami ng tawa.

Siguro alas 5 na nong time na yun ng makarinig kami ng Christmas song sa labas. Nagkatitigan lang kami lahat na yung iba nakaakbay na at kami ni Glady ay yakap-yakap pa rin ang isa't isa. Sabay-sabay naman kamin na nagbatian..

"MERRY CHRISTMAS!!" saka nagsasayaw kaming lahat. 

Parang nong dati lang. Ang pinagkaiba lang Hindi kami kompleto pero sabi nga ni Queennie 'Di bale ng hindi kami kompleto kaysa parati may gulo.' sabagay may point naman siya.

Dito na sila nag-stay hanggang December 25 ng umaga. Yes dito na sila nag celebrate ng Christmas Eve. Okay lang naman din sa Parents nila. Well, ang tatanda na kaya nila para pagbawalan pa. Nong High School nga -- Bakit ba kinokompare ko sa kung ano kkami nong high school kami? Sabi ni Simon nga diba Let the Past be the past. Hindi ako makakapag-move on samin ni Jed Kung lagi akong ganito. Laging inaalala ko yung tungkol sa nakaraan.

Dumating din naman yung Parents ni Jed, si Ate Jessa niya at Janelle. Sabay-sabay kaming lahat na nagsimba nong gabi at kumain pagkarating namin ng bahay. Nagpaputok pa kami. At Kung anu-ano pa yung ginawa namin.. Si Orlando naman nong naubusan ng paputok eh kinuha yung Hose saka binuhos samin. ANg galing lang parang nag-san Juan Festival kami at hindi nagcecelebrate ng Christmas. Buti na lang at may mga damit na pinagbibili ni Mamu para gift sa kanila. Mahal kasi ni Mamu yang mga yan eh. Kahit inaaway ako.

Tumawag din naman si Marky nong 12 na. Yung time na may sasabihin sana siya saka ko naman nalaglag ang phone. Kung hindi lang talaga Siraulo si Orlando eh.. Kasi pinagbabasa niya kaming lahat. 

Ang saya-saya nga naming lahat non eh. May mga laru-laru pa kami ng Love Game, saka Concentration, at yung 7up. Nakisali namana yung mga matatanda.. Sila sana yung laging talo eh kaya lang nagpaparaya kami. Christmas gift na namin yun sa kanila Hahaha! Nag videoke naman kami. Habang kumakanta na naman si Simon para kay Queennie eh Lumapit naman si Ate Jessa.

"Merry Christmas Ate!" bati ko sa kanya. 3am na non eh. Hindi pa rin kami dinadalaw ng antok.

"Merry Christmas too Jaz.." sabay abot niya sa maliit na paper bag.

"Salamat te!! Nag-abala ka pa.."

"Hindi naman sakin galing yan eh.." tapos tinignan niya ako sa mata."Kay Jed." 

"Okay." Tinaggap ko naman yun. Tinaggap ko dahil ang bastos naman tignan kung isusuli ko yung binigay diba? Saka.. Diba?? Ewan. Basta wala akong plano na i-open yun. Nilagay ko na lang sa gilid.

"S-Sorry sa ginawa niya.." huminga naman siya ng malalim. Ako rin. Parang ayaw ko na marinig yung sasabihin niya. "He loves you. He really do.. Pero Mahal nya yung si Carlisle din. Aayu-"

"Aayusin ko na siguro yung buhay ko te. Masaya naman na ako kay Marky.. " totoo naman yun. 

Nag-smile naman siya pero i know that one was fake. Hindi ko naman talaga siya sasagutin ng ganon kasi gusto ko na takpan yung totoong nararamdaman ko. Narealize ko lang talaga na Mahal ko yung tao at Masaya ako sa kanya. Maski noon pa.

Kinuha ko naman yung Phone ko saka hinanap yung number niya. Saka ko tinype.

"I Miss You Babe! Merry Christmas!! I Love You!!" pinindot ko naman yung send, katapos nag-smile ako sa sarili ko.

Til Death Do us Part [Under Construction]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora