Chapter 3

1.2K 15 6
                                    

Ang aga-aga kong nagising ngayon, hindi ko rin naman kasi natapos yung duty ko kagabi kasi sumama yung loob ko. Ngayon naman ang aga-aga pa binulabog na naman ako ni Glady sa ingay niya.

"JAAAAAAAZZZZ!!!!" tawag niya sakin na sobrang saya.

"O? Ano?"

Nagtititili naman siya.

"Glady naman!!" sabay takip sa bibig niya. "Shut up! Baka mapa-alis pa ako dito sa apartment dahil sa kaingayan mo."

"&^*)(&^%$%$#@)*!!" Ha?

"Hindi kita maintindihan."

Mariin naman niyang pinikit ang mata niya na parang nagtitimpi. Katapos tinuro niya yung kamay ko sa bibig niya.

"Ay! Oo nga pala. Sorry. Basta wag kang tumili ha?"

Tumango naman siya, ako naman kinuha ko na yung kamay ko na nakatapal sa bibig niya..

"Oh My God!!! Oh My God!! OHmyGOD!!" yung pagkasabi niya parang nag-iinarte tapos pinapaypayan ang sarili niya gamit yung kamay niya.Binatukan ko nga para matauhan.

"Aray naman!!"

"Bakit ba kasi? Binulabog mo na nga yung tulog ko,. Ngayon naman kino-confuse mo ako sa Oh My God Oh my God with matching Paypay mo diyan." Sabi ko na kinokopya ko naman yung pinag-gagawa niya kanina.

"May Gwapo kasi! And guess what? He's looking for you."

Nung pagkasabi niya nun parang may Idea na ako kung sino. Kaya humiga ulit ako sa kama ko, at nagkumot. Mas mabuti pang magpahinga kaysa makipagargue sa kanya ngayon. Lalaki lang din naman ang issue kung mag-uusap kami ngayon.

"Hey! Are you not going to talk to him?" niyugyug naman ako si GLady.

"NO."

"Why? Who is he anyway?"

"Why don't you ask him?"

"No. Why don't YOU tell her?"

Bigla naman akong nanigas pagkarinig ko sa boses niya. Ayaw niya kasi ng ganung ugali ko. It's his Fault anyway. Kung sana hindi niya sinabi yung mga yun, kung sana pinigilan niya yung sarili niya sana hindi sasama yung loob ko sa kanya.

*******

"Yun lang yung piang-awayan niyo?" halos mabulonan si Glady nung sinabi ko sa kanya ang dahilan. "Dahil lang binigyan ka niya ng rose???"

I actually lied. Ayoko kasi mapunta na naman sa usapan namin si Jed. Tama na yung kami na lang ni Marky ang nakakaalam.  Hindi ko nga siya sinagot nung tinanong niya ako about samin.

"Ang babaw kasi niya!" Pasalamat naman ako at hindi ako binuking ni Marky.

"So you're together?"

"NO/YES" talagang sabay pa kami kahit magkaiba yung sagot namin.

"Ayeee! sounds interesting."sabay kindat, tapos subo sa bread.

Ang alam ni Glady eh, nanliligaw si Marky sakin. Yun yung nasabi ko kanina eh. Hindi ko naman mabawi-bawi. Ewan ko rin naman dito kay Marky at parang sayang-saya sa mga nangyayayri.

Biruin niyo naman na after nung araw na yun eh lagi na siyang nagbibigay ng bulaklak, chocolates, lagi na niya akong binibigyan ng pagkain sa station. Pati nga rin si France nagtataka na.

"Nangliligaw na ba yang asungot na yan sayo?" tanong ni France ng makita na dala-dala ko yung bulaklak na bigay ni Marky kanina.

"Hindi ah!" sabay amoy sa bulaklak.

"Asuuus! Hindi pa daw." Ilang araw na rin niyang ginagawa to simula nung pinalabas namin yung.. yun na nga..

"Hindi nga kasi.. Palabas lang namin yun para hindi na magtanong si Glady tungkol sa EX-Y-Z ko!"

"Ano ba yan!? Hindi pa rin ba nabibigyan ng ending yang lovestory niyo?"

"Gusto ko kasi Happy eh." Matamlay kong pagkasagot.

"Hindi mo mararanasan ang magiging masaya kung hindi mo matalikuran yang nakaraan mo." TAMA!!

"Ang hirap kasi.." Huminga ako ng Malalim.

Ang hirap kasi na kalimutan lang lahat ng yun. Mahal na mahal ko kasi yung taong yun kahit anong pagkamuhi ang dapat kong maramdaman. Kahit anong klaseng sama ng loob pa yan. Jed will always be my First love, my dream come true & My destiny.

*****

"He loves me, He loves me not.. He loves me.. He loves me not."

"Kakalbuhin mo ba yang bulaklak? gamitin mo na lang to oh! pinahihirapan mo pa yang sarili mo eh." sabay abot ng gunting.

Nakatayo siya sa paanan ko. Andito na pala ako sa kwarto, nakaupo sa kama ko. Kakarating ko lang galing trabaho.

"Wala. nilalaro-laro ko lang.." tinignan ko siya saglit tapos sa bulaklak uli.

"Pansin ko nga." tapos umupo siya sa tabi ko. "Hmm.. Bakit ba kasi?"

"Bakit?? ANong bakit?"

"Yung sa inyo ni Jed.. Akala mo hindi ko napapansing iniiwasan mo yung tanong kong yan."

Hindi ako umimik. Bakit ba kasi napunta na naman sa demonyong yun ang usapan. Nakayuko lang ako , pinipitas ko pa rin yung petals ng bulaklak tapos tinatanong ko ang bawat isa nung "hE loves me.. he loves me not.."

"Kahit anong iwas mo.. Hindi mo pa rin yan maiiwasan You know.." umakbay siya sakin, tapos hinila niya ako sa balika niya. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun, ang alam ko lang nung time na yun.. mas gusto kong umiyak..

"You still love that heartless Man, right?" tumango ako. Bakit ba nagsisinungaling ako? Ako lang din naman yung nasasaktan at nahihirapan.

"But.. There's no more chance..." tumango ulit ako..

"Why?!?"

WHY? Ano bang isasagot ko? another lie? Another palusot?

Hindi pa ba ako nagsasawa sa ganito? Pati sarili kong bestfriend niloloko ko. Hindi lang yun.. Pati yung sarili ko iniisahan ko. Tapos sa bandang huli ako yung umiiyak, magsisisi, magmumukhang kawawa.

Wala namang mawawala kung sasabihn ko na sa kanya diba??

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon