Chapter 2

1.2K 18 0
                                    

"Hello?"

"Hello?"

"Helloooo???"

Nakatatlong hello na ako, wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Walang ingay. Wala. Tinignan ko ulit yung Cellphone baka na-off na, pero nandiyan pa rin yung caller. Hinintay ko hanggang magsalita siya pero Wala pa rin. Nagduda na ako na baka si Jed ang nasa kabilang linya.

"Kung wala ka rin naman palang sasabihin. I-off ko na to. Nagsasayang ka lang ng Load eh."

I am so ready to push the end call when I heard someone talking. Kaya nilagay ko uli sa tenga ko.

"Jazz?" kinabahan ako. Boses lalake. May malaki ngang posibilidad na siya nga ito.

"Wait.. Sadali lang."

Tinakbo ko ang kabilang station at hinanap ko si Marky. Walang sabi inabot ko sa kanya ang Cellphone, at sumenyas ako na sagutin niya, kaso hindi pa niya nailagay sa tenga na off na.

"Sino ba yun?" sabay abot niya sa cellphone.

Nagkibit-balikat lang ako. saka tumalikod.

"Is it him?" sabi niya na hinarap ako.

Yumuko naman ako.

"Myn.. You haven't moved on yet.. It's been 7 years na. Tama na." Nag-umpisa namang tumulo yung luha ko dun. "Myn. Stop crying.. Wag kang magpakatanga sa taong iniwan ka para lang sa iba. Isipin mo na lang na may mas hihigit pa sa kanya kaya naman pilit kayong pinaghihiwalay ng tadhana. Move on! He fooled you not just once, twice or thrice. So many times. Let's face the fact na wala na siya."

Tinabig ko naman si Marky. Tumakbo na ako palayo. Narinig ko naman na tinawag pa niya ako.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ano ang dapat na gawin. Sunod na lang na alam ko, nasa loob na ako ng sasakyan ko at minamaneho ko ito sa lugar na hinahanap ng puso ko. Yung tahimik, presko, masaya, walang inaalala.

Ring ng ring ang Cellphone ko nun, hindi ko sinasagot. ALam ko namang si Marky yun. Wala rin naman akong balak na pag-alalahanin siya. Tatawag rin naman ako sa kanya sa oras na makarating ako sa pupuntahan ko. Sa oras na maging okay ako. Wag lang ngayon. Ayokong maging sanhi pa ng pag-aaway namin itong pagdadrama kong ito.

Nasa kahabaan na ako ng Osmeña boulevard. 8:00 PM na nun ng Friday. Hindi na naman rush hour kaya hindi na masyadong traffic. Gusto kong pmunta ng Mountain View dun.. siguro magiging okay ako. Siguro masisigaw ko yung nararamdaman ko.

****************************

Hindi pa ako nangangalahati sa minamaeho ko. Pero napansin kong may sumusunod sakin.

'Sino naman itong hinayupak na ito?'

Nilagaw ko naman siya. Kahit saan ako nagsu-suot at lumiliko nun. Hindi ko na nga alam saan ako lalabas pagkatapos ng isang kanto, mukhang sa pagliligaw ko sa kanya eh ako namna itong maliligaw.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa isang kanto yu na nga ang nangyari. Hindi kumagat sa pagliligaw ko sa kanya. Pinark ko yung kotse ko katapos ay lumabas at nagmartsa patungo sa sasakyan na yun.

Kinatok ko yung windshield niya limang beses pa.

"Lumabas ka nga diyan! Anu ba? Bakit ba sinusundan mo ako??" Gusto ko ng basagin yung side mirrror niya nun sa sobrang inis ko.

"Hey Chill!!"

"OH MY GOD!!"

"Bakit tulala ka?"

"Natutulala ba itong reaction ko ngayon?"

"I mean, Why your Shock?"

"Shut up!! and hug me!!" inopen ko naman yung braso ko. Wide open.

Oh My God. I miss this. I miss having a friend. Having Glady Sue.

Dahil naman na nandito na itong si Glady, hindi na ako tumuloy sa Mountain View na yun. Alangan ba naman na pabayaan ko itong long lost best friend ko?

"Kumusta ka na?"

"I'm Hungry. Been looking for you since kanina pa. At gusto kong kumain ng isaw."

"Isaw ka diyan! Sabihin mo namimiss mo lang si Andrei mo."

"No. I don't like him Anymore." Natawa naman ako. Kung makapag-english ito parang word by word lang yung pagka translate.

"Why? Akala ko pa naman Happy Ever after na yung drama niyo."

Sumimangot naman siya. Ayaw na daw niyang pag-usapan yung mga nangyari dati. Tapos na daw yun at di na mababalik pa.

Oo nga naman. Kahit na pala puro kalokohan angg lamang isip nito may mabuting bagay din naman palang nasasabi.

"Eh Kayo ni Jed? Are you guys Married?"

"I'm Still single."sabi ko na pilit ngumingiti.

"Oh. I'll be your maid of Honor ha?"

"U-Uhmm.. Glad. That will NEVER Happen."

"But WHY? I thought you guys love each other!"

"Kasi Glady ang pagmamahal hindi nadadaan sa aka-akala."

"Okay. But.. tell Why!? You don't like him? May iba ka na ba? Siya? Tell me the whole story."

"Nakaraan na yun.. di na pwedeng balikan.."

"You're such a Copycat!! Tell me..

...NOW NA!!"

Demanding lang?!

Til Death Do us Part [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon