Chapter 9

1K 18 2
                                    

"Ingat kayo sa byahe!!" si Marky sabay talikod.

Nasa Mall kami ngayon. Papunta  na kami ng Airport at namimili ng pasalubong.

Sayang, hindi makakasama si Marky kahit hanggang airport man lang. May duty pa kasi siya ngayong 2pm sa ospital saka hindi siya pinaygan na mag-Leave, pero okay lang.. Sabi niya kasi susunod siya. Hindi naman yun sinungaling eh. Alam ko hindi rn ako paasahin nun, susunod yun..

Nasa Mall nga pala kami ngayon. Namimili ng mga pwede ipasalubong sa mga kakilala namin. Last minute shopping na nga. Tinignan ko ang relo ko, 12:30 na, 2:15 yung flight namin. Ito kasing si Glady hindi pa ito pinamili kagabi eh wala naman siyang ginagawa sa bahay.

"Wait. I'll just pay for this one." sabi niya sabay talikod saka pili na naman ng kung anu-ano.

"Ayan ka naman eh!" sabay hili sa kanya papuntang Cashier. "Magbayad ka na nga."

Akala ko pa naman maiinis siya, kaso tawa lang siya ng tawa. Naasar naman ako kaya binatukan ko siya.

"Aray ko!! para saan yun?" sabay hawak sa batok niya.

"Nakakaasar ka kaya.. tignan mo o, mag-wa-one na kaya!"

Sumimangot naman siya at tinalikuran ako.

Mula mall nagdali-dali na kami papuntang Ariport. Pano ba naman kasi dapat two hours before ng flight nakapag-check in na kami. Higit 30 minutes pa naman ang transpo papunta dun. Hindi ko kasi dinala ang sasakyan ko. Like Hello? Sino naman mag-uuwi dun sa Apartment ko? Okay lang sana kung nandito si Marky eh.. Oo nga pala, si Marky.. Hindi pa ako nakakaboard eh namimiss ko na yung lokong yun. Kung hindi lang sa trabaho eh sasama sana yun. Haaaaayy..

Napa-isip tuloy ako, Sino naman ang susundo samin pagkarating namin dun? Eh, Hindi ko pa na-contact ang Lola ko. Bahala na nga lang..

1:30 na ng makarating kami sa Airport. Traffic kasi. 

"Day dreaming again?" untag ni Glady.

Inirapan ko nga.

"Suuus! Don't Worry.. may babalikan ka pa.." tapos sabay abot sa boarding pass sa babae.

"As if kailangan ko pa siya sa buhay ko.." inabot ko naman yung akin, tapos nagsmile saka hinarap naman ulit si Glady na mukhang puzzled. "may asawa't anak na yun.. hindi na ako kailangan yun. Wala na akong babalikan." iniwas ko naman yung tingin ko.

"You  mean Marky?? may wife and baby na siya?? Who's that girl SFAM??" tapos inakbayan niya ako parang ewan. "Kaya pala pumayag ka bumalik sa probinsya kasi may problema pala.. " Ano daww? "Okay lang yun.. makakakita ka pa ng tang better and mas karapatdapat for you."

"What the hell are you talking about??" parang hindi ko na mapinta yung mukha ko nun. Ano ba naman kasi itong pinagsasabi niya? Bakit naman nasali si Marky dito?

"Huh?? I thought we're talking about Marky.. Sino pala?"

Awwww. Nadulas pa yaa ako. Pero akala ko naman kasi eh, akala ko kasi si Jed.

Hindi ko na siya sinagot nun. Saka nanahimik na kami kasi nagbibigay na ng instruction ang mga stewardess. Todo kinig naman ako nun, as if first time ko pa ito.. HAHAHA. Gusto ko lang makatakas sa future pangungulit ni Glady.

"So I thought you're talking about your EX??" talagang inEmphasize pa niya. Nagpa-as if naman siya na nag-iisip. "Jed .. right??" tapos ngumiti siya sakin ng nakakaloko.

Til Death Do us Part [Under Construction]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora