Chapter 28: His side

3.9K 109 133
                                    

Author's note: SORRRRRRRRRRRY po sa sobrang tagal ng pag-update ko!! Kyaaaa, nakakahiya eh, but I dunno, ang tagal talaga ng writer's block! Anyway, sorry po kung maikling chapter lang 'to, sinusulat ko na yung kasunod ^^. 

Enjoy! Don't forget to like, comment, vote and share. :3

Ciao!

Chapter 28: His side

“Grabe!!! Ang galing talaga natin!!” Narindi ako sa biglang sigaw ni Renz pagkatapos namin pumasok sa locker room. Lahat ng mga ka-teammates ko, nag-hihiyawan dahil sa nanalo kami. Ano ba yan, first time ba ng mga ‘to…?

“Dahil sa last three pointer ni Kyle, nanalo tayo, astig mo Meneses!” Sabi nung isa kong ka-team habang pinapalo ako sa likod. Ngumiti lang ako ng konti.

Mga ilang segundo lang, dumating na rin sa wakas ang coach namin kasama si Paolo. Nakangiti siya na para bang proud na proud siya.

“Congratulations mga bata, officially pasok na tayo sa tournament!” Naghiyawan nanaman lahat ng mga team members. Ano ba yan, buti at hindi pa sila napapaos.

“Oi, baka nakalimutan niyo kung sino ang nagpapanalo sa’tin!” Bigla akong inakbayan ni Renz.

“Syempre, makakalimutan ba namin yon!! The best ka talaga Meneses!”

Sa kagaguhan ng mga ‘to, napangiti na lang ako.

--

Pagkatapos namin mag-bihis, isa-isa na kami naglabasan ng room para mag-celebrate. Huli kaming lumabas nila Renz at Paolo kasi nag-sisintas pa ng sapatos si Renz.

“Bilisan mo naman diyan Renz, gutom na ako eh!” Reklamo ni Paolo. Nakatayo kaming dalawa sa may pintuan habang pinapanood mag-sintas si Renz.

“Aba anong tingin mo sa’kin, hindi gutom?! Teka lang diba!” Sa wakas, natapos na rin sa pagsisintas ang tanga kaya naglakad na kami palabas dala-dala mga varsity bags namin.

“So, saan ang gala?” Tanong ni Paolo.

“Gala…?” Hindi ba puedeng umuwi na ako? Gusto ko na matulog eh…

“Nag-iintay ata sa labas yung mga girlfriends niyo.” Pabirong sinabi ni Paolo.

Pagkatapos namin, lumabas na kami sa gym at nakita namin na naka-abang sila Louise, Alice, Tricia at Michael. Lumapit kami sa kanila.

“ANG GALING MO TALAGA RENZ MY LOVE!!!” Sinungaban agad ni Alice si Renz habang nasambot naman siya ni Renz. Kahit kelan talaga, napaka-OA ni Alice.

“Congrats sa inyo!! Galing niyo ah!” Ngumiti lang si Paolo kay Tricia.

“Salamat ‘te Tricia. Hindi kami mananalo kundi dahil sa cheering niyo, diba, Mike?”

“Haha, oo naman, sa lakas ba naman ng sigaw ng girlfriend ko, hindi ba naman ako gagaling?” Tukso ni Michael habang tinitingnan si Tricia.

Kung makapag-landian mga tao dito, akala mo namanhindi nagkita ng isang buwan.

“Uhm…” Narinig ko yung boses ni Louise sa gilid ko. Tiningnan ko siya. Nakatungo lang siya at hindi makatingin sa’kin. Ano nanaman bang problema neto?

“Congratulations.” Bigla niyang sabi. Hindi pa rin siya natingin sa’kin.

Ano bang meron?

“Hn.” Teka, maalala ko nga pala. Tumingin ako sa kaniya. “Oi, paran nakita ko sila Lyka na kasama mo kanina sa bleachers…”

“Kuya Kyle!!!” Napalingon ako ng biglang tinawag ni Lyka yung pangalan ko. Tumakbo siya palapit sa’kin sabay yakap sa hita ko. “Congratulations kuya Kyle! We’re so proud of you!!”

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon