Chapter 23: Alice's side

3.3K 28 5
                                    

A/N: WOOOOHOOOOO! Na-publish ko na rin sa wakas! Hehe! :D Yup, you got it, side po ni Alice ang pinublish ko ngayon. :D Wiiiii~

Maraming solomot sa mga taong tumatangkilik sa aking piksyon. :D Love you all.! Yah, lalo na si ikaw! <3

Featured Picture: Tricia Abad

Chapter 23: Alice's side

"ALICIA!!!!!!" Narinig ko nanaman yung nakakairitang boses ng tatay ko. Ano ba yan, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-inom! Kung hindi nag-iinom, natutulog! Hindi na ako magugulat kung isang araw, aatakihin na lang siya sa puso at mamatay. 

"ALICIA P*TANGINA!! ANG TAGAL MO SUMAGOT!! NASAN KA BA?!" Umagang-umaga, nagmumura na kaagad. Nice, ganda ng umaga ko ah. Takte, nag-suot kaagad ako ng uniform ko tapos tumakbo ako pababa dahil nag-iintay na ang mahal na hari.

Lumabas ako ng bahay namin at dumeretso ako sa may bakuran. "Bakit po ba...?" Bigla niyang binato yung bote ng alak sa gilid ko. Pulang-pula nanaman yung mata niya. Buong gabi nanaman sigurong nag-inom, hay.

"T*ngina bakit ba ang tagal-tagal mo wala ka talagang kwenta!" Inirapan ko lang siya habang winawalis ko yung basag na bote. "Nasaan na yung ibang beer, ha?! Hindi ba sinabi ko sayo na ibili mo pa ako!!"

Tinapon ko sa basurahan yung bubog tapos tumingin lang ako sa kaniya with my poker face. Good for nothing father, kung puede ko na nga lang lagyan ng lason yung iniinom niyang alak, kanina ko pa ginawa. 

Pero syempre hindi puede dahil bali-baliktarin mo man ang mundo, tatay ko pa rin siya.

"Nagpa-order na po ako ng beer sa kapitbahay. Mamaya, darating na rin yon." Sinagot ko tapos nag-lakad na ako paalis. Naririnig kong tinatawag niya pa rin ako pero hindi ko pinapansin. 

Normal lang ang buhay ko dati. Lumaki ako sa mapagmahal na magulang. Pero 2 years ago, nawala lahat yon sa'kin. Iniwan kami ng mama ko dahil hindi niya na makayanan ang papa ko. Palibhasa kasi, napaka-seloso ng papa ko at kapag nalalasing siya, sinasaktan niya si mama. Syempre, bata pa ako dati kaya hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Naririnig ko na lang minsan sa kwarto ko na umiiyak si mama habang sinasaktan siya ni papa. Wala akong magawa kasi bata lang ako. Iniwan kami ng mama ko at gusto niya ako kunin sa papa ko, pero hindi pumayag ang papa ko at naiwan ako sa kaniya. Araw-araw na siyang nag-iinom simula ng nangyari yun. Nasanay na ako sa ugali niya. Mainintin ang ulo palagi, minumura ako, nambabae, nakikipag-away at kung anu-ano pa.

Pero isang araw, may dumating na babae na sinasabi na nagka-anak daw ang papa ko sa kaniya. Dahil sa prosti yung babaeng yon, wala siyang pangkain sa bata kaya sa'min binigay. Bahay-ampunan ba kami ha? 

Wala naman akong nagawa kasi sagot pa rin ng papa ko yung pagpapalaki dun sa bata kaya inalagaan ko na. Syempre, wala naman kwenta ang papa ko kaya ako na ang nagpalaki sa bata. Siya na lang ang kakampi ko kapag nagwawala ang tatay ko. 

PERO! Kahit na ganito ang buhay ko, hindi ako sumusuko! Kasi, lagi naman akong sinusuportahan ng aking boyfriend na si Renz Hernandez! Yup, si Renz Hernandez nga! Isa sa pinaka-sikat na lalake sa school namin! Gwapo, mayaman, matalino, varsity member, gwapo, mayaman...ay paulit-ulit? Pero siya ang dahilan kung bakit napasok pa rin ako ng school kahit na ganito ang lagay ng buhay ko. Kapag kasama ko siya, ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit minsan pasan ko ang mundo, hindi siya tumitigil sa pag-suporta sa'kin.

Well, of course, hindi mawawala ang tampuha. Okay I admit it, lagi kami nagkakatampuhan. No, let me rephrase that, minu-minuto kami nag-aaway. As in, simpleng bagay lang, nag-aaway na kami. Normal naman yung sa mag-on diba? Kahit na ilang libong beses kaming mag-away siya pa rin ang mamahalin ko!

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon