Chapter 25: Her side

3.3K 26 9
                                    

Picture: Meneses Mansion

Pagkauwi ko sa apartment, dumeretso ako sa kusina kasi nagutom nanaman ako. Habang nag-iintay uminit yung noodles na niluluto ko, tiningnan ko yung phone ni Kyle. Grabe, high-tech talaga ang iphone 4S. Minsan, nakikita ko binabagsak lang at hinahagis ni Kyle ang phone niya, grabe talaga. Binuksan ko yung inbox. Halos lahat ng message niya galing sa’kin. Tapos yung iba, message nila Alice, Renz, Paolo, Michael at ate Tricia. Sunod naman, binuksan ko yung gallery niya.

Oh my GOSH.

Ang dami niyang pictures!! Huh?! Almost 700 pictures ‘ata ‘tong naandito! Tinignan ko isa-isa. Hindi ako makahinga sa sobrang cute at gwapo ng mga pictures niya! Napaka-camwhore talaga netong si Kyle! Pinipicturan niya bawat moments ng buhay niya. Pag-gising niya, kumakain siya, yung pagkain na kinain niya, picture niya na naka-school uniform, ano ba yan! Sa isang picture pa lang, halos titigan ko na ng sobra-sobra! Anong magagawa ko, ang cute eh! Teka, may isa pang folder dito.

Me and stupidgirl

Huh? Stupid girl? Teka, ako ba sinasabihan niya ng stupid girl?! Hanggang dito ba naman, yun pa rin tawag niya sa’kin?! Kainis talaga eh! Binuksan ko yung folder.

Puro pictures namin ni Kyle ang nandito, yung picture na nasa simbahan kami, yung picture na nag-date kami, kumain kami sa Italianni’s…teka…hindi ko pa nakikita ‘tong picture na ‘to ah. Pinalaki ko yung photo…

Biglang tumibok ng malakas yung puso ko.

Picture ko ng natutulog. Kelan niya kinuhanan ‘to? Naka-school uniform ako dun sa isang picture tapos yung isa, nung natulog ako sa bahay nila.

Speechless ako, halata naman diba.

Tinawagan ko kaagad yung number ko. Ilang rings lang, sinagot na ni Kyle.

“Bakit?”

“I love you!”

“…Huh?”

Oo, mahal na mahal ko talaga ang lalakeng ‘to, at kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya!

“Nu naman nakain mo at nasasabi mo yan?”

Umiinit nanaman katawan ko eh. “W-wala lang! Masama bang mag i-love-you?”

“Hindi. Weird lang.”

“Ewan ko sayo, naglalambing lang eh.”

Narinig kong napangiti siya.

“Sige buh-bye na.” As expected sa tuod kong boyfriend. Hay, ano ba yan, kanina lang kinikilig ako, ngayon naman disappointed na.

“I love you din.”

TOOOOOOT.

Tama ba pagkakarinig ko…? Sinabihan niya rin ako ng I love you? Kinikilig nanaman ako!! Aaargh, hindi ko mapigilan sarili ko, tumatawa nanaman ako mag-isa eh! Iba talaga nagagawa ng love eh! Korni ko, haha!

Pagkatapos kong kumain, nag-bihis ako ng panlabas para ipa-print yung mga pictures niya.

Buti na lang konti yung tao sa photoline. Lumapit ako dun sa babaeng nag-pi-print ng pictures.

“Pa-print po ate…” Sinabi ko. Hindi pa rin natingin yung babae sa’kin kaya inulit ko yung sinabi ko.

“Teka lang po maam.” Tumingin ng masama sa’kin yung babae.

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon