Chapter 31: Her side

1.7K 42 46
                                    

Chapter 31: Her side

Foundation week na at sobrang busy lahat ng tao sa school. May iba’t-ibang gimik sa bawat classroom.

“May umorder pa ng isang pancake!”

“Saglit lang, di pa tapos sila Alice mag-luto!”

“Louise! Palinis naman ng table 2!”

Agad akong umu-o at tumakbo papunta sa table 2 para malinisan kaagad. Kinuha ko yung paper plates at cups at agad kong tinapon sa garbage bag na hawak ko. Ako kasi ang tiga-linis ngayon eh.

Pagkatapos ko itapon, pinunasan ko yung table. Pagkalingon ko, nagulat ako ng biglang dumami ang taong nagiintay sa labas. Grabe, bakit para ‘atang hit na hit ‘tong pancake house namin?!

“Louise! Halika dito!” Narinig ko yung boses ni Liz at tumakbo ako papunta sa kaniya. Binigay niya sa’kin yung trashcan. “Itapon mo naman sa labas, hindi na kasi kasya dito eh.”

Tumingin lang ako sa kaniya at binaba yung trash can para makuha yung garbage bag. Kelangan talaga yung buong basurahan yung ibigay sa’kin?

Tumakbo ako palabas para maitapon na sa ground floor yung basura namin. Kapag hindi kasi namin tinapon yun, maiipon sa classroom at magagaling ang teacher kapag nakita niya na sobrang dumi namin.

Pagkadating ko sa ground floor, tinapon ko agad yung basura. Hay, nakakapagod naman. Gusto ko pa naman mag-enjoy ngayon. Hindi ko pa nga nabibisita yung classroom nila ate Tricia at Paolo eh.

Babalik  na sana ako ng classroom ng nakita ko si Kyle na naka-upo sa may stairs na patungo sa basement. Aba, at naandito pala siya at nagtatago!

“Kyle!” Tinawag ko siya pero hindi siya lumilingon. Kaya naman pala, naka-earphones eh. Nilapitan ko siya at hinawakan ko yung ulo niya.

Natigilan ako ng tumingin siya sa’kin. Hindi niya suot yung salamin niya at ang messy ng buhok niya. What the…? Bakit normal Kyle siya ngayon?

Aaagh, ang gwapo niya talaga, pakiramdam ko tuloy nagdudugo na ilong ko.

Tinanggal niya yung isa sa earphones niya at nagkamot ng ulo. “Bakit?”

“A-anong bakit? Anong ginagawa mo dito at hindi ka tumutulong sa’min sa taas, ah?” Tanong ko at nung nakita ko siya nairita, medyo nainis ako. “Nag-ta-trabaho kami dun sa taas pero ikaw, pa-easy-easy lang dito?”

Nag-hikab si Kyle at sumandal ulit sa pader. “Tinatamad ako. Tsaka wala naman akong ginagawa dun eh.”

“Pero kahit na, tumulong ka pa rin. Tara na.” Hinila ko siya pero ayaw niya.

“Ayoko. Sumasakit yung ulo ko kapag maingay.”

Eh? Nanaman? Para ‘atang dumadalas pag-sakit ng ulo niya ah. Umupo ako sa isa sa mga steps sa stairs at tiningnan siya ng mabuti. Ang kinis talaga ng mukha niya, wala kang makikitang pores o pimples. At ang labi niya, sobrang lambot hindi ko mapigilan na hawakan.

“Oi.” Nagising ako sa imahinasyon ko at nakita ko na lang na nakatingin siya sa’kin ng masama. “Bakit ang manyak ng itsura mo, ah?”

Namula ako at binalin ang tingin sa iba. “H-hindi ah! Imagination mo!”

“Hmmm.” Tumayo siya dun sa kinauupuan niya at tumabi sa’kin.

Ngumiti ako sa ginawa niya. It’s just one of his way of telling me na naglalambing siya. Hinawakan niya yung kamay ko habang nakikinig lang ng music sa iPod niya.

“Ano pinapakinggan mo?” Tanong ko.

“Kanta.”

“Pilosopo.”

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon