Chapter 11 and 12

3.7K 27 4
                                    

Wiii, sa wakas, after three days (three days ba?) na-publish ko na rin. Salamat po sa mga sumuporta at nag-comment! ^^ 

Featured Picture: Alicia Santos

Read, VOTE and comment! :)

Chapter 11: Her side

Umaga nanaman. Kinapa ko yung cellphone ko sa ilalim ng kama ko tapos tiningnan ko kung may new messages ba. May 2 messages ako galing kay Alicia at Renz. GM yung kay Alicia, bumabati lang siya ng good morning tapos yung kay Renz naman, nag-goodmorning lang rin siya pero may pangalan ko. Nag-text ako kay Kyle, baka sakaling gising na siya.

To babyKyle

Good morning ^^ Gising na po. :)

Bumangon ako sa kama ko tapos binuksan ko yung kurtina ng bintana. Nakakasilaw naman ang liwanag pero nagising naman ako. Tumingin ako sa alarm clock ko tapos nakita ko na 6:30am na kaya may 30 minutes pa ako para mag-ready. Papasok na sana ako ng CR ng biglang nag-ring yung phone ko. Tiningnan ko tapos binasa ko yung message ni Kyle.

From babyKyle

‘morning. Kggcng ko lng. Kain n ng breakfast.

Reply: kaw dn. :) w8 lng lgo lng ko.

Nilapag ko yung phone ko sa table tapos pumasok na ako ng bathroom. Pagkatapos ko maligo, nag-suot ng ako ng school uniform ko tapos inayos ko na yung gamit ko para makapasok na ako. Habang nasa daan ako, biglang may tumawag ng pangalan ko kaya lumingon ako.

“Good morning!” Nakita ko si Tricia na lumalapit sa’kin, may kasama siyang malaking lalake. Hmm, baka kapatid niya?

“Good morning po.” Ngumiti ako sa kaniya tapos tumawa siya. “Bakit ka nag-po-po sa’kin, nag-mu-mukha tuloy akong matanda!” Tumingin siya dun sa lalakeng kasama niya. “Siya nga pala Michael, si Louise, Louise, si Michael, boyfriend ko.”

Huh?! Boyfriend niya ang malaking lalakeng yon?! Tinitigan ko sa ulo hanggang paa yung guy. Ngumiti lang siya sa’kin. Naka-suot siya ng school uniform namin kaya siguradong nag-aaral siya sa’min, pero hindi ko pa siya nakikita. Baka naman transferee siya or something.

“Magandang umaga po.” Binati ko si Michael.

“Gandang umaga din.” Nakangiti pa rin siya. Mukhang mabait naman ang boyfriend ni ate Tricia.

“Tara, pasok na tayo. Baka malate pa tayo, mawala pa ang magandang image ng student council.” Hinila ako ni Tricia paalis tapos nakasunod lang si Michael sa’min.

Oo nga pala, simula ngayon, members na kami ng student council at ang president namin ay si Kyle Meneses. Hay, ang boyfriend ko pa talaga ang napili eh. At least magkasama kami kaya ayos lang.

Nag-vibrate yung phone ko sa bulsa tapos binasa ko yung message.

From babyKyle

Sunduin mo ko. Andito ako sa labas ng village.

Buti na lang madadaanan namin village nila bago pumunta ng school. Mga ilang steps lang, nakita ko na siya na nakatayo siya sa harap ng village nila. Nilapitan ko siya kasama si Tricia at Michael.

“Good morning.” Una kong bati.

Ngumiti siya sa’kin. “Good morning din.” Tumingin naman siya kila Michael at Tricia.

“Gandang umaga pres! Boyfriend ko nga pala, si Michael!” Tinuro ni Tricia si Michael kay Kyle. They exchanged smiles.

Nag-lakad kaming apat papunta sa school. Magkaholding hands sila ate Tricia at Michael tapos kami naman ni Kyle, nakatayo lang sa tabi ng isa’t-isa at hindi nag-uusap. Pagdating namin sa school, nag-hiwalay na kaming apat kaya kaming dalawa na lang ni Kyle ang magkasamang pumunta sa classroom.

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon