Chapter 30: His side

2K 38 35
                                    

Chapter 30: His side

Exam nanaman ulit. Busy nanaman ang buong school sa pag-aaral para sa finals namin. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang isang klase na mag-laro ng soccer sa fields. Mga 1st year ata sila, hindi ako sigurado. Di naman ako interested makilala sila eh.

Gusto ko ng kumain. Ang tagal mag-turo ng teacher eh, nagugutom na ako. Nakita ko si Alice na nag-hikab. Buti na lang di siya nakita ng teacher kundi, mapapagalitan nanaman siya. Bawal kasi mag-hikab pag nasa klase niya eh.

Tumingin ako sa orasan. Konting minutes na lang, matatapos na ang Physics. Sinara ko yung notebook ko. Hindi naman ako nagsusulat eh. Nasasaulo ko lahat ng sinasabi ng teacher kaya hindi na kelangan pa isulat.

Natapos na ang klase at nag-remind nanaman ang teacher na kelangan mag-aral para sa darating na exam. Lahat ng classmates ko umangal. Para naman may magagawa sila pag nag-reklamo sila.

Unang tumayo si Alice at tumakbo paalis ng classroom. Baka naiihi. Nag-labasan na rin ang mga classmates ko para kumain sa canteen.

Lumingon si Louise sa’kin. “Grabe, exam week nanaman. Sunugan nanaman ng kilay.”

“Yup, para sa inyo nga lang.” Sinabi ko sarcastically at napa-simangot siya.

“Ang yabang mo talaga kahit kelan. Sana bumagsak ka.” Tumayo si Louise. “Bibili lang ako ng pagkain sa canteen. Wala kong dala ngayon eh.”

Tumayo ako at kinuha ko ang wallet ko sa bag at nilagay ko sa bulsa ko sa likod. “Tara, samahan na kita.”

Tumingin si Louise kay Renz. “Bili lang kami ng pagkain. Sama ka?”

Ngumiti si Renz. “Ah hindi, intayin ko pa si Alice eh.”

“Sige. Una na kami.” Umalis kaming dalawa ni Louise at dumeretso sa canteen. Pagkarating namin sa canteen, hindi masyadong puno. Palibhasa kasi, kalahati ng school, nasa library para mag-aral. Mabuti naman kung ganun.

Nag-punta si Louise sa may tindahan ng burgers tapos ako naman umupo sa may table. Kakatamad gumalaw ngayon, ang init kasi eh. Ayoko na ng summer.

Ilang minuto lang, dumating na si Louise. May dala siyang dalawang burgers tapos yung isa binigay niya sa’kin.

“Gutom na ako.” Binulong niya sabay kagat sa burger.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa classroom. Papasok na sana ako ng classroom ng biglang hinigit ng Louise yung kamay ko.

“Bakit?” Tanong ko.

Tumungo si Louise na parang nahihiya siya. “Gusto ko sana itanong sayo…kung okay lang na manood tayo ng sine bukas.”

I blinked several times bago nag-sink in yung sinabi niyo. “So in short, gusto mong makipag-date sa’kin?”

Umu-o siya. “P-parang ganun na nga…kung okay lang naman sayo.” Tumingin siya sa’kin tapos ningitian niya ako.

I can’t resist but to smile back. Eh paano ba naman, ngiti lang niya kayang magpa-oo sa’kin. “Pilitin mo muna ako.”

She pouted. “Bakit ba ang bully mo, ah?”

“Eh gusto ko eh.”

“Ang daya mo talaga kahit kelan!”

Nilapit ko yung mukha ko sa kaniya tapos napansin kong namula siya. “Ngayon mo lang nalaman?”

“Ayiiie, nag-lalandian sila!” Napatingin kami kay Alicia na nasa likod namin kasama si Renz.

Tinulak ako palayo ni Louise. “Nakakagulat ka naman!”

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon