Chapter 24: Renz' side

3.2K 28 4
                                    

A/N: OHHHH yessssss! Natapos ko na siya!! Kyaaaaaaaa!! Nakakatuwa naman at kahit papano, may readers na ako! Salamat sa lahat ng suporta at pasensya na po kung sobrang tagal ko mag-update!! 

Sana magustuhan niyo. =)) Haha! Don't forget to vote, comment, like, tweet and everything!!

Salamat po!!

Featured Picture: Lyka Meneses

Chapter 24: Renz' side

"Where are you going, hmmm, Renz?" Narinig kong tinawag ako ng mama ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kaniya. Naka-upo siya sa may dining table namin habang nainom ng tsaa. Nasa likod niya yung mga katulong namin.

"I'm going to practice ma." Sinagot ko. Bawal kasi mag-tagalog sa bahay namin kaya ang usapan namin, english. Nung una, okay lang sa'kin, pero ng tumagal na, naartihan na ako. Pero kapag nagtatagalog ako habang kinakausap ko sila, either hindi nila ako pinapansin o pinapagalitan nila ako.

Ang arte ng pamilya ko.

Doctor pareho ang mama at papa ko. May-ari kami ng hospital. Yup, private hospital. Meron din akong dalawang kapatid. Isang nakakabata sa'kin at yung isa, ate ko. Yung ate ko, sa UK na nag-ta-trabaho. Meron na kasi siyang business dun eh. Tapos yung isa ko pang kapatid, nag-aaral din sa school na pinapasukan ko.

"Practice what?" Napatitig lang ako sa kaniya.

"Basketball ma."

Tinitigan niya ako pabalik.

"Basketball again?"

"Yah ma, basketball."

Ayaw ni mama na naglalaro ako ng basketball. Sabi niya, hadlang daw yung sa pag-aaral ko. Pero hindi ko kayang i-give up ang basketball. Pag nasa court ako, pakiramdam ko, posible ang lahat.

Hindi ko sila maintindihan. Napasa naman ako sa lahat ng subjects ko, hell I'm even in the top 10. Pero para sa kanila, wala lang yon. Gusto nila, ako lagi ang top 1. Gusto nila, ako ang magaling. Nagsusumikap ako para i-meet lahat ng expectations nila pero balewala ang lahat.

Pero sana, kahit papaano man lang, maipakita sa'kin ng parents ko na proud sila sa'kin. Yun lang naman ang hinihiling ko. Lagi nila akong kinukumpara sa ate ko. Magaling kasi ang ate ko sa lahat ng bagay. Valedictiorian siya nung highschool at magna cum laude naman nung college. Anong laban ko kay ate, saydang pinanganak siyang henyo. Ako, matalino lang.

"Good morning mama!!" Tumakbo papunta si Laura, yung bata kong kapatid kay mama at niyakap siya. Hinalikan ni mama si Laura sa noo. Tumingin siya sa'kin tapos dumila siya.

"Beh! Ang pangit mo talaga kahit kelan, Renz!!" Inirapan ko na lang ang kapatid ko at patuloy ako sa paglalakad paalis. Sanay na ako na lagi akong tinatawag na pangit ng kapatid ko. Hmph, kala mo naman ganda niya eh magkamukha lang naman kaming dalawa, engot.

Nag-lakad na ako paalis para umattend ng practice. Niyaya akong sumakay ng kotse ng driver namin pero humindi ako, malapit lang naman yun court sa'min eh. Hindi official practice ang aattendan ko, kaming apat lang nila Paolo, Kyle at Michael ang magkakasama. Dun sa may court malapit sa 7/11 yung pag-pa-practican namin.

Habang nag-lalakad ako papunta sa court, nag-vibrate sa loob ng bulsa ko yung phone ko. Sinagot ko yung tawag, alam ko nanaman kung sino kasi may assigned ringing tone ako sa kaniya.

Sino? Girlfriend ko...si Alicia Santos.

O mas kilalang Alice.

Isa 'ata sa pinakamaingay na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Sa sobrang ingay niya, gusto mo na mag-lagay ng earplugs para lang hindi siya marinig. Well...minsan naman maayos siya, pero minsan, super hyper. Ewan ko ba kung bakit siya ganun, feel ko, may ADHD yun nung bata siya eh.

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon