Chapter 21: Her side

3.5K 32 8
                                    

A/N: Simula ngayon, hahatiin ko na sa dalawa yung chapters kasi nahihirapan ako mag-update kapag dalawang point of views gagamitin ko >.< 

For all those who voted, liked and shared, THANK YOU PO!!! Forever grateful, sana po ituloy niyo lang ang support niyo! ^^

Featured Picture: Dianna Cristobal

Chapter 21: Her side

“Excited na ako makita yung multo!!” Hay, naka-ilang ulit na ba si Alicia sa mga sinasabi niya. Tsaka bakit ba gustong-gusto niya makita yung multo, hindi ba siya natatakot?

Tumingin ako sa relo ko and nakita ko na 6:12pm na. Nagsisimula na siguro yung practice ng varisty. Umupo kaming dalawa ni Alice sa may waiting shed.

“Anong oras ba lalabas yung multo, ha?!” Tumingin ako sa paligid. Kinikilabutan talaga ako ngayon na alam ko na may nagpapakita nga dito sa school na multo. Pero hindi ako uuwi, iintayin ko si Kyle!

“Ui Louise, may napapansin ka ba…parang lumalamig ‘ata…” Napayakap tuloy ako sa braso ni Alicia sa sobrang takot. Ayoko talaga ng multo! Oo, inaamin ko takot ako sa multo! Yung mga tipong biglang lalabas sa harap, gilid, likod, ilalim, taas! Iniisip ko pa lang lalo na akong natatakot!

“Wag ka na manakot Alice! Kinikilabutan talaga ako!” Niyakap ko ng mahigpit yung braso niya tapos bigla siyang tumawa.

“Joke lang Louise, natatawa ako sayo eh!” Argh, nakakainis ka talaga kahit kelan, Alice! Lumayo ako sa kaniya tapos tumingin ako sa gym. Naririnig ko yung takbuhan, pag-shoot ng bola pati sigawan ng mga players. Buti nga sumama ngayon si Alice sa’kin, kundi, iiyak na talaga ako dito mag-isa habang iniintay si Kyle. Sana wag niyang masyadong pagurin yung sarili niya, nag-aalala na kasi ako sa kaniya. Ang dami niyang ginagawa, after niya mag-sign sa student council office, deretso gym siya para mag-practice. Pero hindi ko siya sinisisi na sumali siya sa varsity. Kung masaya siya, edi masaya rin ako.

Excited na ako sa laban nila. First tournament ‘to sa region kaya pinaghahandaan talaga nila ng mabuti. Sana manalo sila, ilang beses ko pinagdadasal habang mag-isa lang ako nag-iintay na sana manalo sila at makapasok sila sa championships.

“Ui Louise, kelan pa naging kayo ni Kyle?” Nagulat ako sa tanong ni Alicia.

“Aaahh, haha, mahabang kwento eh…kasi…basta!” Ang hirap sabihin kay Alicia na fiance ko si Kyle pero ayoko naman itago ‘to sa kaniya dahil bestfriend na ang turing ko sa kaniya. “Alam mo kasi…matagal na magkakilala ang parents namin ni Kyle. Hindi pa ‘ata kami pinapanganak, nag-decide na sila na ipakasal kaming dalawa.” Nakita kong nagulat si Alice sa sinabi ko pero tuloy pa rin ako sa pagkkwento. “Ayun, isang araw, nalaman ko na fiance ko pala si Kyle…”

“FIANCE MO SI KYLE?!!!” Narindi ako sa lakas ng boses. Napa-oo ako at ngumiti. “Actually, nung una, nagkaroon kami ng deal na hindi kami maiinlove sa isa’t-isa kasi nga hindi naman kami close…tsaka, iba ugali ni Kyle kapag kaming dalawa lang ang magkasama eh…pero slowly, ayun, na-fall din. Haha! Korni ng kwento namin…”

“Korni ka diyan!! Ang cute kaya!!!” Niyakap ako ni Alicia. “Ang swerte mo dahil kay Kyle ka napunta! Bagay talaga kayo eh! Pareho kasi kayong weirdo!”

Alice, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi mo. Pero napangiti pa rin ako. “Oo nga, pareho kaming weird.”

“But I like your weirdness…”

“Thanks.”

Almost 1 hour passed at sige pa rin kami sa pagkkwentuhan ni Alice. Nakwento niya sa’kin na mas lalo daw lumalala ang pagiinom ng papa niya. Sinabi ko na ipa-rehabilitate na yung papa niya para hindi na siya mahirapan pero sabi naman ni Alice, walang sila pera dun. Hala, gusto kong tumulong sa kaniya. I mean, meron kaming pera para matulungan si Alice. Kakausapin ko na lang sila mama na tulungan ang family niya, hindi naman masama yon diba?

My two-faced boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon